Prologo

93 12 3
                                    

"Hoy Chingchong!" Sigaw ko kay Grey. Ni hindi niya ako tinapunan ng tingin.

Alam kong galit nasiya ngayon, what's new? Tuwing tatawagin ko siyang Chingchong ay para siyang sasabog na termos sa sobrang galit.

"Hoy sabi e!" Sigaw ko ng makalapit ako sa kanya.

"I'm not in the mood. Please lang Leia." Sambit niya at di parin ako nilingon.

"Anong ginawa ko sayo?" Natatawang tanong ko.

"Isn't obvious?! You're calling me Chingchong!"

"Looks like that you're really at it. How many times I need to tell you, stop calling me Chingchong or something that is related to that country. Fuck! I really hate my surname." Dagdag niya sabay walkout. Aba! mas babae pa sakin, mabilihan nga ng napkin nireregla ata.

Nauna nang pumasok si Grey sa room namin. Magkaklase kami sa biology.

Pagkapasok ko sa room ay hindi niya man lang ako pinansin kahit katabi ko lang naman siya. What's with him. Masyado niya atang tinake yung biro ko kanina.

Hindi ko na siya pinansin nang pumasok ang Prof namin ay itinuon ko nalang don ang aking pansin at nakinig.

"Ahhhhh!" Nahikab ako sa sobrang antok. Wala talagang pumasok sa utak ko ngayon sa tinuturo ng Prof namin.

Sinulyapan ko si Grey na halatang busy sa binabasa niyang science book.

Hmph! Hanggang kailan niya ba ako di papansinin? Nababanas na'ko, we are used to be enemies. Wala ba siya pakulo ngayon?

---

Sa wakas natapos din yung klase namin sa biology.

Yun ang unang beses na di ako nakinig ng lesson. I used to be so attentive, well in fact science is my favorite subject. Sobrang antok lang talaga ako dahil kinulang ako sa tulog.

Napagkamalan ko pang may sakit si Grey dahil sobrang sipag niya kanina sa pag aaral, samantalang ako inaantok.

Nag kapalit kaya kami?

Naglalakad na'ko pauwi sa bahay namin. Habang naglalakad ay may nadaanan akong nagtitinda ng dirty ice cream.

"Kuya pabili nga po!" Sigaw ko ng naglakad ito patalikod sa akin.

Hinarap ako ni mamang sorbetero. "Ayaw niyo ata ng pera kuya ha, tinatakbuhan niyo ko ha!" Singhal ko.

Nagulat siya sa inasal ko. "Charot lang!" Atsaka ako ngumisi.

"Kuya bigyan mo nga ako ng isang Chocolate flavor." Pagkabigay sakin ni Kuya ng icecream ay naisipan ko munang mag lakad lakad sa parke bago umuwi.

"Hmmm" ang sarap talaga ng ice cream ni Manong.

"What!?" Bigla akong may narinig na pamilyar na boses. Galit at pasigaw ang boses nito. Hinanap ko ito. It was Greyson. What's with him? Kanina pa siya badtrip ah.

Nakita ko siyang may kausap sa cellphone niya. Sino kaya yon at bakit galit na galit ang tono nito?

"Fine! I'll leave then!" Sigaw nito sa kabilang linya. Lumapit pa ako ng konti para marinig ko ang pag uusap nila sa cellphone, napaka chismosa mo talaga Leia.

Nang biglang *Boogsh* natisod ako sa malaking bato. Kaasar naman!

Agad akong tumakbo at nagtago sa likod ng malaking damo at umupo.

Rinig ko ang yapak niya, papalapit na siya sa'kin. Hindi niya ako pwedeng mahuli. Baka isipin non na sinusundan ko siya.

"Sinong nandiyan?" di ko na alam ang gagawin ko. Baka asarin ako nitong may gusto ako sa kanya pag nakita niya ako.  "Meow meow." napa facepalm nalang ako sa ginawa ko. Sana gumana.

I Hate That I Love You (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon