Simula

87 5 2
                                    

Masayang sumalubong ang umaga para sa paaralan ng St.Alyente International School.Dahil magsisimula nanaman ang klase para sa panibagong taon,unti-unti ng dumadami ang tao sa campus dahil sa pageenroll nila sa paaralang ito.Kilala ang school dahil may magandang reputasyon ito,may magandang records, at higit sa lahat sila ang nangunguna sa listahan ng pinakamalinis na paaralan para sa kanilang lugar na tinatawag nilang Alyente De Poblacion.

Samantala,nagtatawanan naman ang magkaibigang sina rizavel,christines,jannah at normilyn,sila ang tinaguriang 'The perfect four' ng campus.Kilala rin silang apat bilang galing sa mayayamang angkan sakanilang lugar,sa kabilang dako naman.Nandon ang magkakapatid na sina andrei,jian,dave at justin o mas kilala bilang'Vicente Brothers' ang magkakapatid ay lumapit sa grupo nila rizavel.

"Oh kamusta buhay.?"nakangiting tanong ni andrei at humalik sa pisngi ng kanyang nobyang si jannah.Alam ng magkakaibigan na hiwalay na ang dalawa ngunit dahil sa kasikatan,gagawin nilang maghalikan sa publiko.

"Eto maganda parin."nagmamalaking sabi ni rizavel.Napatawa na lamang si dave,hindi sila makapaniwala na malakas talaga ang confidence ng dalaga.

"Anong nakakatawa dave.?"sarkastikong tanong ni rizavel,napailing nalang si dave at pumunta sa cr kasama si jian. Naiwan sila andrei at justin doon para alamin ang section nila.Dahil sa dakilang tamad ang magkakapatid.

"Bro?sa tingin mo kaklase parin naten si gonzales.?"biglaang tanong ni justin kay andrei.Si gonzales ang pinakamatalik na kaibigan nila noon,ngunit ng may may mangyareng trahedya ay nagkawatak-watak ang grupo nila ng hindi nila inaasahan.

"Tanga!wag mo ngang isipin ang tarantadong animal nayun!"naiinis na sabi ni andrei,napatawa nalang si normilyn sa reaksyon ni andrei.Halatang may galit parin ang binata kay gonzales.

Samantala napatingin sila ng biglang may magsalita sa speaker.Ang speaker na kinaiinisan ng lahat sakanila,dahil sa taglay nitong lakas mambwisit.

'Good morning AIS,panibagong taon,panibagong kaklase nanaman,sana magbago na kayo,magingat kayong lahat lalong-lalo na ang nasa CLASS 5-C' pagkatapos ng anunsyo biglang kinabahan si christines sakanyang narinig.Pakiwari niya ay may hindi magandang mangyayari.Pero kailagan niyang manalig sa panginoon.Kailagan nilang tatagan ang kanilang loob.

"Mukhang sa section C tayo mapupunta ulet."napatingin naman sakanya si jannah at mahinang tinawanan ang kaibigan.

"Hay nako sis,hindi na tayo mapupunta sa bulok na section nayun."kinakabahan man ay pinilit ni jannah ngumiti.Kabado man ay pilit na pinapagaan ni jannah ang kanyang pakiramdam.

Samantala,hindi napapansin nila andrei na tila may nakatingin na pala sakanila sa malayo.Tinititigan sila ng masama na parang isang matulis na kutsilyo at kahit anong oras ay kaya silang patayin nito,mahinang nagsalita ang taong ito at sinabing.

'Magsisimula na,hindi na ako makapaghintay na mamatay kayo sa harap ko,nagdurusa,nagluluksa at nagmamakaawa.Mga hangal,walang puso.HAHAHAHA!' mala demonyong tumawa ang taong ito,unti-unti niyang naramdaman ang pagpatak ng luha niya dahil sa labis na galit sa mga taong nagkasala sakanya.Patawarin na sana ang kaluluwa nila sa kalangitan.

"Oh sino bang tinitignan mo riyan,halika na at nasa bulletin board na ang section mo."tinawag ng ale ang taong ito at sinimulan na nilang hanapin ang seksyon niya.

Nang malaman ng ale ang seksyon ng kanyang kasama ay marahan itong napangiti at hindi makapaniwala.Sa wakas natupad nadin ang matagal niyang pinakaaantay.

"Magaling,Magaling,napunta ka nanaman sa bulok na seksyon na iyon kung saan kasama mo ang mga mamayaman na demonyo na walang ginawa kundi ang pahirapan ang buhay naten,hindi na ako makapaghintay na mapatay mo sila.Malaki ang tiwala ko sayo alam kong makakaya mo yan,sige na simulan mo ng paikutin ang mga ulo nila." tumingin ang ale sakanyang kasama at hinawakan niya ito sa ulo,napangiti naman ang kasama niya sa sinabi ng ale at nagsalita ito.

CLASS 5-C DARK HELL SECRETS (under editing)Where stories live. Discover now