PART 12

27 5 1
                                    

-si ethan sana ang part na ito,kaso abuso na siya..si mia naman daw,oh wag na galet

Mia.

Pagkarating agad namin ni ethan dito sa bahay nila alliah ay nanahimik nalang ako dahil si ethan ay kainuman ang mga kaibigan niyang sina lex at mike nagkekwentuhan sila pero minsan nahuhuli ko siyang patingin-tingin saakin,parang biglaan ay nagiba ang mood niya ng lumapit sakanya si marie at hawakan siya sa mukha,napapatawa nalang ako dahil iritang-irita na ang mukha niya at ang mga kaibigan niya ay walang ibang ginawa kundi ang tawanan at iwan siya kasama si marie.

Nakakausap ko na ang iba kong mga kaklase at ang iba ay mga naging kaibigan ko na din  mababait din naman pala sila,kagaya ni aira nilapitan niya ako at niyaya papalapit sa grupo nila faye kahit malapit lang naman sila saakin,
nandito lang kasi ako sa gilid at tinitignan ang mga bituin nakahiligan ko na ito simula ng mahiwalay ako sa mga magulang ko at pumunta dito sa pinas..american life.

"Tara doon ka saamin mia"ngumiti si aira saakin ngunit tinitigan ko lang siya ng matagal,parang nakita ko na siya dati eh di ko lang maalala kung saan.

"Ang ganda mo pala aira" tumawa siya at nakita kong namula rin ang pisngi ni aira,mas lalo pa itong pumula ng hawiin ko ang buhok niya papunta sa balikat niya.

Napakaganda niya at natutuwa ako sakanya,napilitan nalang akong tumango at umusod kaunti,nginitian nila ako at ang isang lalaki na katabi ni faye (si jian) ay binigyan ang ng hotdog at mallows.

"Pagpasensyahan mo na kung medyo magulo sila,mga wild dogs lang yun!"tumatawa si norm na bumulong saakin naamoy ko nadin ang alak sakanya at sumisigaw-sigaw din siya kagaya ni andrei at kumakanta..tss mga baliw.

Nakita ko ang mga kaklase kong lalaki na dinagdagan ang beer at inisa-isa nilang binigyan ng beer ang mga kaklase kong babae,nagulat din ako ng bigyan ako ng beer ng lalaking nagnga-ngalang raniel,mukha kaming nasa disco bar nito dahil sa may party light pa at may malakas na tugtog pero mas nangingibabaw ang boses ni norm at andrei parang nakawala sa kural silang lahat..mga wild..

Dahil siguro narin sa groove ng mga kaklase ko ay napainom narin ako sa beer na hawak ko at nangalahati ito,ganon ba talaga?kapag ilang taon ka ng hindi umiinom ng alak eh mamimiss mo ito?sana all miss

"Nagiinom ka pala mia?" malakas na sabi ni thea na hawak ang cellphone niya at kumakain ng hotdog,halata sakanyang hindi siya pwedeng uminom kahit ako bawal din pero madalas breaking the rules will make you happy..

Pumalakpak ang kaklase kong si kaito at si markien daw ang pangalan nito sabi ni faye"Ayan na yung gitara ni timothy,let's sing everybody!"napalakas ang tawa ko dahil sa sinabi ni lex..

Tumigil sa pagsigaw si andrei dahil sinigawan siya ni armin napakamot ulo nalang siya at lumapit sa pwesto namin..

"S-so a-anong request niyong kanta?"nauutal na siya at halatang lasing na,narinig ko ang pagbungisngis ni markien at kaito dahil biglang nagsalita si andrei ng english..powtcha lupeeeytt!

"Show my goodnessh?" tumitirik ang mga mata niya na parang isang damong sabog

"Kahit kailan gobas ka parin!" nagtawanan ang mga kaklase ko dahil sa sinabi ng kapatid niyang si dave..

Napatakip ako sa tenga ko ng patayin nila ang tugtog at magtilian ang grupo nila  hilary at pati narin ang grupo nila jannah na akala mo may mga gwapong lalaking kumakanta pero sila hirato,kaito,minato at si takayuki silang apat lang ang kumakanta pero parang mga pipit na naulanan..

Huling kumanta si takayuki dahil chorus lang naman daw ang alam niya..

"Baby i am dancing in the dark,that you between my arms barefoot on the grass,licking sucking you is my life.."
napalakas ang tawa ko kasabay si eirah dahil pinalitan niya ang lyrics mamamangha na sana ako sa ganda ng boses niya pero walaa eh!tarantado..

CLASS 5-C DARK HELL SECRETS (under editing)Where stories live. Discover now