PART 17

23 1 1
                                    

mia.

Naaalala ko ang gabi.kung saan ako binuhat ni ethan na parang isang sako ng bigas,pagkatapos niya akong inilapag sa kama.marahan niya akong hinalikan at agad akong nakatulog.

kinabukasan naman pagkagising ko.may almusal na nakahain at dala-dala ito nila andrei at jian.pagdating naman ng hapon biglang nangati ang buong katawan ko,hindi padin bumabalik si ethan sa kwarto kaya hindi ako naglakas loob na lumabas.

At naalala ko nanaman ang pagtayo ng pinakamamahal niyang alaga.

Pagdating ng gabi.Dumaan ako sa may bintana para umalis na.nag-iwan nalang ako ng sulat para alam nilang umalis na ako.ayon ang huling araw kong nasulyapan si ethan na mabait saakin.

what would i expect?alalay lang ako.

"Are you okay?" mahina ang boses na tanong saakin ni franco.

Nandito kami sa second floor.HQ ng 5-C,ito ang una naming pinuntahan pero hindi dito ang classroom namin.

"I know you're hurt,and i'm sorry." nanliit ang mata ko dahil sa sinabi niya.

bakit siya nagsosorry?

"So,ikaw pala si maria cheska mia?" lumapit siya saakin at hinila ang upuan papunta sa tabi ko.paano niya nalaman ang totoo kung pangalan.?

"Pinahanap saakin ni ethan ang files mo.Simula sa birthday.vital statistics.allergies.and all about you." tinignan niya ako mula ulo hanggang paa na para hang sinusuri ako.

"Ethan is crazy for you,hindi dahil sa kamukha mo si mailyn.her ex-girlfriend.dahil sa there's something about you na natatakot siyang malaman." kumunot ang noo ko dahil sa mga pinagsasabi niya.

"Ethan is a sweet man,he's 23 paulit-ulit sa grade 11 hanggang sa naabutan na namin si mailyn.mga bata pa ang mga kaibigan ko noon,bagito.bagita" sumingkit ang mga mata niya dahil sa pagtawa,parang chinese na hilaw siya.

"Ethan Niccolo Duke Trevor Gonzales."

Napatanga ako ng marinig ko ang totoong pangalan ni ethan.

Bat ang haba?

"Cajitna middle name niya.Cajitna is half american,chinese,lebanese and Gonzales is pure filipino."

Wala akong masabi kundi ang mamangha sa kinikuwento niya.may magandang lahi pala ito si ethan.

"Cajitna ang mama niya?" hindi ko napigilan ang magtanong,yea it's possible pero mas malakas ang kapit ng tatay kesa sa nanay.

"Nope,cajitna ang tatay niya at gonzales naman ang mama niya." dahan-dahang inilapag ni franco ang librong binabasa niya at seryoso tumingin saakin.

"Kaya nagkaganon dahil gusto ni ethan na huwag kalimutan ang apelyido ng yumao niyang nanay." tumingin siya saakin at sinusuri maigi ang mga mata ko.

"Namatay ang mama niya noong July 6,2018.pinatay siya sa hindi malamang dahilan at hindi rin namin alam kung sinong pumatay sakanya." nanlaki ang mga mata ko dahil sa impormasyong nalaman ko galing sakanya.

"Eh sino yung pinakilala saakin ni ethan?" hindi ko alam kung bakit lubos-lubos ang kaba sa dibdib ko.

"Ow,sila Mr.and Mrs.Perez ba?inampon nila si ethan at ang totoo niyang tatay hindi pa namin nakikita." tumayo si franco at lumapit saakin.

"Namatay sa loob ng paaralan si mrs.gonzales,namatay siya dahil sa bugbog." ano bang ibig niyang sabihin?teacher si mrs.gonzales?

"Yea,teacher siya Head ng Science Department sa St.Vineille International School sa Los Angeles,California U.S.A." mas lalong nadagdagan ang kaba saaking dibdib at hindi ko maintindihan kung bakit.

CLASS 5-C DARK HELL SECRETS (under editing)Where stories live. Discover now