PART 6

35 4 1
                                    

Natapos ang araw at agad pinauwi ang mga studyante mula sa Class 5-C marami mang nangyari ngunit agad nila iyong kinalimutan dahil magsisimula na ang klase nila kinabukasan.

Kahit may pagaalinlangan dahil sa mga nangyare kanina ay pinilit parin nilang hindi ipahalata ang kaba dahil alam nilang magsisimula na ang debluyong haharapin nila.

"Start na ng Class natin in 5 minutes!!"anunsyo ni thea sa klase.

Lumipas ang limang minuto at pumasok ang magandang babae.

"Okay.Good Afternoon 5-C!"
mahinhing bati ng kanilang adviser na ms.chrisz,dalaga pa ang teacher kaya maraming nagbabalak na mga tarantadong estudyante ang manligaw sakanya.

Bumati pabalik ang mga estudyante at umupo.

"So ngayon magkakaroon tayo ng eleksyon for our new class officers for this year.."nilibot niya ang kanyang mata sa paligid at pekeng ngumiti.

Iba't-ibang pangalan ang kanilang ibinigay at napasama na doon sina ethan at andrei.

"Ma'am i Kaito Takahashi nominate Ethan Gonzales for president.."
naghiyawan ang grupo ni ethan,ang ilan sakanila ay pumayag na si ethan nalang ang presidente ng klase ngunit tumutol naman ang grupo ni andrei dito.

"Si ethan nanaman?"
nagrereklamong sabi ni raniel sa klase at kumamot sa ulo.

"Shut the fck up!" maotoridad na sabi ni ethan sa klase.

Ang ilan sa kanila ay napagpasyahan na manahimik na lamang dahil sa baka mabinat ang binata.

Iba't-ibang opinyon ang maririnig at parang mga baliw na bubuyog ang 5-C.

"Okay,tutal hindi narin naman kayo magkakasundo,at sigurado ako na magkakaroon nanaman ng duwelo sa pagitan ng grupo nina ethan at andrei so i decide na si....Ethan nalang Ulet ang presidente niyo"pinatayo ni ms.chrisz si ethan at katulad noon ay nagsimula ng magturo si ethan kung sino ang gusto niyang maging officer ng klase nila.

Pumunta sa gitna ang binata at siniguro niyang nandito ang babaeng papahirapan niya nilibot niya ang kanyang paningin sa klase nila.

"Ang gusto kong maging bise presidente ko ay si......"tumigil sandali ang binata at tumingin sa babaeng nasa pinakadulong upuan.

"...ay si Mc Mia Casiano...siya yung gusto kong maging bise presidente ng klaseng ito at slash alalay ko.."
tumingin si ethan sa dalaga at ngumisi dito.

Maraming iba't-ibang reaksyon ang namutahi sa Class 5-C ngunit agad din iyong nawala ng hampasin ni ethan ang lamesa na nagbigay kilabot sa lahat.

"Who gave you all permission to talk shitty things again?"Nagkaroon ng warak ang lamesa kaya agad na silang tumahimik at nanatili nalang nakikinig sa mga sinasabi ni ethan.

"Ikaw..Casiano tumayo ka rito sa tabi ko!bilis!"agad na naglakad si mc papunta sa harap at walang ganang tumabi kay ethan.

"Simula ngayon,ako ang masusunod sa loob at labas ng klaseng ito!Understood?!"Agad sumangayon ang lahat kay ethan,dahil takot silang mabugbog nito.

"At ikaw naman Casiano..palagi kang nasa tabi ko,naiintindihan mo ba?" walang ganang tumingin ang dalaga kay ethan at tumango.

'The Class President,Vice President by sections must go to the principal office now!'

Napukaw ang atensyon ng lahat dahil sa nakakabinging anunsyo mula sa malaking speaker na nakalat sa buong campus.

"Bullshit na speaker yan ang sakit sa tenga!"naiinis na sigaw ni Jenny.

Nakapamulsang lumabas si ethan ng klase na sinundan naman ni mc.

"Bagay silang dalawa.."
mahinang bulong ni aira ngunit nagpasalamat ang lahat ng hindi na narinig yon ni ethan.

Sa kabilang dako naman pinagtitinginan naman ang isang dalaga at binata na magkasabay na naglalakad.

'They look meant to be for each other...'

Hindi na pinansin iyon ng binata bagkus ay direretso lang siya ng lakad hanggang sa marating nila ang principal office.

"Good Afternoon everyone!Kaya ko kayo pinatawag dito sa kadahilanang magkakaroon ng 5 days school fair activity..Para sa section niyo at para sa ibang mga estudyante.."pumayag ang iba sakanila at pumalakpak.

"Gusto ko sa actibidades na gagawin natin,niyo ngayong taon ay WALA NG GULO..."
lumingon ang kanilang principal kay ethan at mc.

Nang matapos ang kanilang meeting ay umalis agad sina ethan at mc para inanunsyo sa klase nila.

"Nandyan na sila ethan at mc manahimik na kayo.." maotoridad na sabi ni thea.

"5-C listen!Kagaya ng nakaraang taon may 5 days school fair activity tayo suggest kayo ng mga activity na magpapasaya saatin at sa iba pang estudyante..At isa pa walang gulong magaganap.!" Agad na nagisip ang iba sakanila at nagtawanan.

"Anong nakakatawang kagaguhan nanaman ang naisip mo kaito?"
nabaling ang atensyon ng klase kay kaito na parang natatae sa kakatawa.

"HAHAHA kingina naaalala ko nanaman yung nakaraang taon,yung pinasayaw kang nakaboxer shorts lang HAHAHA mukha kang kuwago doon hype ka HAHAHA.."parang may dumaang anghel dahil sa akward moment na nararamdaman nila imbis na makitawa sila ay napagpasyahan nalang nilang manahimik.

"HAHAHAHHAHAHAHAHA!"nagulat ang lahat ng biglang namutawi ang malakas na tawa ni ethan.

"Ang gago mo talaga kaito hype ka HAHAHA!"nagtawanan ang dalawang binata at napansin ni ethan na tahimik at ang atensyon ay nasa kanilang dalawa.

"Oh ganon padin ba night club sa loob ng room?"sumangayon ang ilan sakanila ngunit agad iyong kinontra ni alliah.

"Bawal yun..Hindi ko gusto yun,sasayaw ka ng nakaboxer ethan?HAHAHA tapos kapag nalaman ng ibang fan girls mo yun eh baka pagpiyestahan nila ang abs mo?"napangiti ng wala sa oras si ethan ngunit agad din siyang nabahala ng maalala niyang may amnesia pa ang dalaga.

Matalim na tinignan ni ethan ang dalaga at marahang lumapit dito.

"Baby you're driving me crazy again" husky ang boses ni ethan ng sinabi niya yun kay alliah.

Nanginig ang kamay ni mc at agad itong napasuka.

"Ang cringe niyo mga ulok!"
This time si andrei na ang sumigaw at agad silang nagtawanan.

"Woi Casiano anong arte mo dyan?"Inis na sigaw ni ethan at agad itong nilapitan ni thea si mc at marahang hinawi ang buhok nito.

"Ethan!nagsusuka siya ng dugo!"agad tumakbo si ethan may mc at nagulat ang lahat ng marahang bumagsak ang dalaga ngunit agad nasalo ng bisig niya ang katawan ni mc.

"She's cold!"namumutla ang dalaga ng tignan ito ni ethan.

Tumayo si naman si andrei at kinuha ang dalaga at mabilis itinakbo sa clinic.

"Ako na ang bahala sakanya pare,magplano na kayo rito para sa activity naten.." ngumiti si ethan at agad na sumangayon kahit na parang may kakaiba sa dibdib niya na hindi niya maipaliwanag.

"Ayos ka lang ba pare?"
narinig ni ethan ang tanong sakanya ng binatang si markien,masaya siya dahil pinapansin na siya ng dati niyang mga kabarkada ngunit hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya ng makita ang mukha ng dalaga at nasa bisig ito ng binatang si andrei.

"I'm okay"walang ganang sagot ng binata at pumunta sa harapan para magplano para sa darating na aktibiti.










A/N:bakit kaya ganon ang nararamdan ni ethan?

CLASS 5-C DARK HELL SECRETS (under editing)Where stories live. Discover now