[ 36 ]

335 17 0
                                    

Dian's POV

"Ate Ash paano na 'to. Nalaman niya ata..."

"Na alin? Na aalis ka pa-Japan?"

"Ermm.. oo." Ito yung inaalala ko kanina pang paggising. Ramdam ko yung cold treatment ni Mari sa akin. Noong una hindi ko alam kung bakit pero bigla kong nakita notifications ko, now I know. Simula noong una alam kong ayaw niyang may tinatagong sikreto kasi nga mag-best friend kami. Nagtatampo na siguro sa akin dahil wala akong pasabi na balak ko na palang pumuntang Japan after graduation. Hayz Marikoi kung alam mo lang.

"Dian hindi sa nanghihimasok ako ah, pero bakit mo kailangang ilihim? Kaibigan mo siya diba? Huwag mong sabihin dahil sa kanila ni Coleen yun?" Natahimik nalang ako. Totoo naman. Nakwento ko naman noon sa inyo.

"Ate Ash ganun nga nakwento ko naman na noon."

"Pero mali iyon. Ako mismo naranasan ko na. Hindi nga lang kita pinigilan noon dahil hindi pa tayo masyadong nagiging close." What? Naranasan na niya 'to?

Ash's POV

Flashback (POV is also in the past)

"Yoohoo ate Ash!!" Palapit na si Gabo sa pwesto ko. Jusko parang bata kung tumakbo. Act normal and stay cold Ashley.

"Oh ano na naman?" Sabi ko tapos naramdaman ko yung akbay niya sa akin saka pagpatong ng ulo. Kunwari chill lang ako but deep inside it's the opposite. Shh lang kayo baka makaabot sa katabi ko.

"Wala lang miss kita." So pa-fall. Charot lang. Nakakakilig naman 'tong Gabrielle Skribikin na 'to. Kung hindi lang duwag 'tong taong 'to matagal na sigurong kami.

Sa totoo lang hindi ko alam kung ano kami eh. Super close friends lang ba talaga kami? Minsan hindi ko alam kung ano pinaparating sa akin ni Gabb eh. Tapos minsang ibalik ko gestures sa kanya kilig din. Kami ba? Or not?
Napapaisip din ako kaya hindi ako umaamin kasi baka hindi naman na kailangan...

"Ate Ash, pwede magpaalam?"

"Magpaalam para saan?"

"May gusto po akong ligawan." Ouch.

(Present POV but still in the past)

After a few days pinakilala niya sa akin si Ella. Medyo lutang pero mabait naman. Maganda naman siya parang model talaga. Kung ako rin talaga si Gabb liligawan ko rin 'to. Pero wala eh kay Gabo lang 'tong puso ko yiieeehhh. Yak ang harot.

I felt comfortable with them naman. Kahit paano hindi niya kami napapabayaan. Every time na magkasama kami we still get to talk our future plans. Yes we have. Balak talaga naming maging mag-business partners and settle as neighbors para madalas kami maka-catch up sa isa't isa. We want to be travel buddies as well.

Pero kahit na ganun letseng pag-ibig ang sakit. Masaya ako sa kanya pero minsan nakakadurog ng puso. Lalo na noong nalaman kong M.U. na sila. Konting ligaw pa sila na. It was this time din, na nakatanggap ako ng scholarship sa Japan. Nagh-hesitate pa ako noong una kung it-try ko 'to o hindi kasi naalala ko lahat ng plano namin.

Pero noong naging sila na officially, napaisip ako bigla. Is it still worth staying for? Alam ko rin lahat ng plano nila eh. Almost exactly the same with ours. Parang kinalimutan na ako. Pero wala akong karapatang ipaglaban kasi who am I in the first place? Kaibigan niya lang ako, girlfriend niya si Ella nagmamay-ari ng puso niya.

So I chose the scholarship. Pero hindi ko nalang muna pinaalam kay Gabb kasi to be honest nahihiya ako. Saka it seems like busy siya sa relationship niya with Ella. So hindi ko na sila gagambalain. Siguro sa pag-alis ko, maayos lahat ng sakit na nararamdaman ko. Makalimot din ako.

But I was wrong. The day before my flight, doon nakaabot ang balita sa kanila of course including Gabb. I will never forget that night when she confronted me. At doon ko rin nilabas lahat ng nasa loob ko. Yes umamin ako, but it's too late. Established na talaga relationship nila. And yung pagsasama namin ni Gabb, it became awkward. She doesn't hate me or at least that's what I thought. Pero hindi na kami gaya ng dati.

Dian's POV

Na-mindblown ako sa kinwento sa akin ni ate Ash. Kaya pala iniiwasan niya si Gabb? Pansin ko tension sa pagitan nila eh.

Halos relate din kami ni Mari sa kanila. Hayz paano ko na aayusin ito?

—————————

Sweet Memory [SeBy/ Tamagoverse]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon