Special: Faith

275 21 4
                                    


It's the third day of our trip in Japan, and andami na ring nangyari at may madadagdagan pa. Magkakasama kami ngayong lahat pati na rin si Dian. Gulat nga kami noon kasi nakita namin sila ni Maring magkasama. Nalaman nalang namin na nililigawan na ni Dian si Mari. Ang speed noh? Sana all. 

Andito kami ngayon sa Disneyland para maalog-alog din kami. Mga nagawa kasi namin in the past few days puro pagkain, lakad, saka pictures eh. Para naman daw may thrill din sa bakasyon namin nagdecide kaming pumunta rito. 

"YAAASSSS DISNEYLAND!" Did I mention already na kasama sa bucket list ko ang pagpunta rito? Or "we" rather? Kasama ito sa goals namin noon pang high school kami. Well I guess natupad din namna kahit paano. Ay don't get me wrong, okay na ako. Mas magiging okay dahil... malalaman niyo rin guys. 

"We do not have all day guys! Punta na kayo sa mga gusto niyong puntahan!" Sabi nila Alice. Ginawa naman namin ito. Ang problema nga lang, puro mag-jowa andito hayz. Ako nalang ata single dito. 

"Oh sa akin ka na sumama para hindi ka ma-urat sa mga mag-jowa."  Sambit ni Ash. Ngumiti ako at sumama sa kanya. 

Time Skip 

"Ang funny ng itsura mo kanina ah. Ahahahaha." Tse! Tawang-tawa 'to ah. Paano kasi nag-roller coaster kami. Na-haggard tuloy ako. Bahala nga 'to. Sungitan ko nga. 

"Hindi bagay sa'yo magsungit. Tara na nga." Saka hinablot kamay ko. Ang lambot niya... 

"Oh bati na tayo ah." Dinala niya ako sa Tangled Area. Tapos pinapatugtog yung "I See The Light", na pinagmulan ng pagkakaibigan namin. Parang kamakailan lang nalulungkot ako sa tuwing maririnig ko 'to. Pero ngayon hindi na. Instead I just feel happy and contented. Wala na akong mabigat na nararamdaman. 

"Yaaayyy!" Sabihin niyo nang mukha akong bata, pero childhood ko Tangled eh. 

Time Skip 

Nakabili kami ng popcorn na parang lantern yung bucket. Ang amazing huhu. Kung pwede lang magpuslit ng maraming ganito ginawa ko na eh. 

"Oh Feito ito yung address oh." May inabot siyang papel na naglalaman ng address.. 

"Ohh Okayama. Malayo ba 'to?"

"Yep." Ay malayo.. pero hey there's always a way right?

"If aalis ako ngayon mga anong oras na ako makakarating doon?" 

"Well depende sa transpo.. teka aalis ka ngayon? Gabi na ah." 

"Ayokong patagalin pa 'to."

"Hay pag-ibig. Alam mo hatid na kita sa bullet train station. Doon ka na sumakay para mas mabilis. Ako nang bahalang magpaliwanag kila Sela." Saka nagtungo na nga kami roon. 

Excited na akong makita siya. Ilang months na rin kasi simula noong bumalik siya rito dahil sa family business nila. Tuloy parin naman siya sa pagv-vlog. 

____________

Next special chapter will be the LAST. 

Sweet Memory [SeBy/ Tamagoverse]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon