Start writing your story
Mari's POV
"Ano Mari excited ka na bang hanapin si Dian?" Tumango ako sa tanong ni ate Sela.
Umaasa ako na sana hindi pa huli ang lahat. Masyado ako naging late para alamin kung anong nararmdaman ko at ni Dian. Kaya pala ang bigat ng nararamdaman ko noong nag-away kami. Hindi lang dahil sa pangakong walang taguan ng sikreto, kundi dahil ayaw ko siyang mawala sa tabi ko. Sounds selfish right?
Noong binigay ni Coleen yung naka-Japanese na sulat hindi ko muna siya pinansin kasi kinakabahan ako sa nilalaman nito. Pero alam niyo sana inencode ko na kaagad. Naabutan ko pa sana si Dian. Tanga-tanga ko talaga! Who would have thought na yung iniiyak niya noon sa bonfire ay yung pagsakit ng puso niya dahil sa akin. Hayz.
Time Skip
"Ay finally nakarating na tayo sa hotel!" Masiglang sabi nila Coleen at dumirtso na silang lahat sa kani-kanilang room. Ako naman mag-isa lang. Pero hindi bale at least walang maingay at para may space si Dian... wait ano iniisp ko?
Nakatanggap naman ako ng message kay ate Sela. Sabi niya pahinga muna kami tapos dinner na mamaya. Bukas pa naman yung start ng tour so we can lounge around the hotel.
Pero alam niyo, hindi ko feel humiga lang eh tapos manood ng tv. Hindi ko rin naman masyadong mag-gets mga palabas dito. What if maglakad-lakad muna ako nang mag-isa? Magmuni-muni saglit. Bukas hindi ko na magagawa yun kasi panigurado mabilis silang maglalakad.
Hindi ko na ipinaalam sa kanila kasi paniguradong bubungarin ako ng mga tanong at baka may sumama pa sa akin. Gusto ko muna mapag-isa.
Habang naglalakad ako nakakakita ako ng maraming couples. Kami sana si Dian yun....
Ang c-cute ng mga ngiti ng Haponesa rito, pero mas cute kay Dian...
Teka wag naman puro Dian ah.
Bigla naman akong napadaan sa isang konbini. Balita ko masarap onigiri rito. Masubukan nga.
Pagpasok ko pumili na kaagad ako ng flavor tapos dinala ko na kaagad sa counter. Babae ito maikli buhok gaya ni...
teka Dian?
"May I have your..." halatang gulat ito nang makitang ako ang nasa harap niya. Wala rin kasing nagsabi sa mga kakilala naman sa Japan na pupunta kami.
"Akin na onigiri mo." Kinuha niya at pinunch sa counter. Basta nag-transaction ganun.
Pero bakit kaya nagt-trabaho siya rito?
"Part time job lang ito. Hindi pa masyadong kalakihan kita ko so kayod saglit." Nabasa niya ata utak ko.
"Mahal kita Dian, sana malaman mo." Mabasa niya kaya?
"Alam ko na ngayon." Ay wow.
"Sino sino pala kayo? Sila Ate Sela?"
"Uhmmm.. oo marami kami."
"Daya hindi kayo nagsabi." Nagpout siya. Ang cute heehz
"Aba malay ko sa kanila. Sila nagd-decide eh."
"Kakarating niyo lang ba? Saka bakit mag-isa ka lang?"
"Unang una yes. And mag-isa lang ako kasi nagpapahinga sila. Napag-isipan kong lumabas kasi di ko feel magrest."
"Hindi ka nagpasama? Samahan na kita patapos naman na shift ko." Bigla akong kinilig aba'y ewan ko ba.
———————
BINABASA MO ANG
Sweet Memory [SeBy/ Tamagoverse]
FanfictionBased on the song "Sweet Memory" by MACO.