PROPERTY TWO

3.5K 57 3
                                    

[Somewhere in Makati; 12:46 nn]

THIRD PERSON POV

Bumaba sa itim na sasakyan ang dalawang matipuning lalaki na puro itim ang kasuotan at bumagay sa kanilang bulto.

Sumunod namang bumaba sa isa pang sasakyan ang tatlong kalalakihan, ang isa sa kanila ang may mapaglarong ngiti.

"Magiging masaya ata ang pagpunta natin rito.",sabay ngisi ng kaninang mapaglarong ngiti ng isa sa tatlong lalaki.

"We're here for work."

Pumalatak ang lalaki sa biglaang sabat ng kaniyang kapatid,"I know that, kuya."

Sumenyas ang isa sa dalawang lalaking unang bumaba sa kanilang sasakyan kaya naman umayos na ang tatlong lalaking kanilang kasama.

"Balita?"

"One of our intel informed us that there's a phyton in the empire.",pagbibigay-alam ng panganay sa tatlong magkakapatid na lalaki.

Nakita nila ang pagngisi ng kanilang kaharap na kanina pa tahimik at mataman lang na nakikinig.

"Got a plan?",tanong ng lalaki sa katabi niyang kanina pa tahimik. Humarap sa kaniya ito ng may pagngising sagot.

Oh. He got a plan. Nice.

"What else?",he asked again. Mabuti ng isang bagsakan ang makuha nilang mga balita nang sa gan'on ay matapos na lahat.

"Isa pa sa impormasyon na binigay ng intel ay balak ng phyton na pabagsakin ang coven sa France.",napailing sa kaniyang pinaalam ang kaninang lalaki na may mapaglarong ngiti.

"It seems that this past five years, they're planning to take us down.",huling pagbigay alam nila.

Buntong hininga na lamang ang nagawa ng lalaking nagtanong at muli siyang nagtapon ng tingin sa kaniyang katabi.

Nakita niyang nakatingin ito sa kung saan, o mas tamang sabihin na nakatitig ito kaya naman sinilayan din niya ang lokasyon na tinitingnan nito.

Di kalayuan sa kanila ay may fast food, ang building ng Jollibee. Sa pangalawang palapag nito ay naroon ang isang babaeng nakatingin sa kanila na may gulat sa mga mata nito.

Who is she?

Biglang nilayo ng babae ang tingin nito sa kanila ngunit ang kaniyang kapatid ay nanatiling nakatingin sa babaeng halatang nagtataka sa nangyari.

"She's there.",banggit nito ng pabulong.

"Not now, hindi muna ngayon.",saad niya na kinalayo ng tingin ng kaniyang katabi.

"I know. Let's go.",saka ito pumasok sa loob ng sasakyan na agad sinundan ng iba pa.

Pinaandar nila ang kanilang mga sasakyan at nilisan ang lugar.

•••

KARINA

What happened to this girl ba? Kanina pa kasi ito tulaley.

"An'yari sayo?"

Tumingin siya sa'kin and again, tulaley na naman. She didn't answer my tanong. Like what the hell happened? Is something there na she's nakikita? Maybe a mumu kaya.

Kumain lang kami sa favorite fast-food niya, then she became ganito na. Parang nakakita ng kung anong nakaka-shock, my gosh.

"Wala lang 'to, Kana.",sabi lang nito and she sighed. Hmm, I don't think wala lang 'yun.

OWNED BY THE MAFIA TWINS Where stories live. Discover now