PROPERTY ONE

17.1K 374 21
                                    

AELLA

Brrttt... Brtt.. Brrrtt..

Nagising ako sa patuloy na pag-vibrate ng aking cellphone, oo nga pala, sigh... Nakalimutan kong i-off ang silent mode. Kahit na nais ko pang matulog ay pinilit ko ang aking sarili na tumayo upang maghanda na para sa pagpasok ko sa trabaho.

Ayaw ko pa namang ma-late. Naku talaga, oh.

Hindi pupwede ang tatamad-tamad sa kompanya. Iyon pa naman ang pinaka-unang regulasyon nila r'on.

Kaya heto ako, kahit na puyat p'ay pipiliting makapasok huwag lang ang masisante dahil paniguradong mamamatay ako sa gutom nito.

Isama pang baka makatanggap ako ng isang malakas na hampas sa ulo ko galing s'aking kaibigang si Kana, ang matalik kong kaibigan mula pa noong kami'y nasa Junior High palang hanggang ngayon. Hindi nga kami mapaghiwalay ng babaeng 'yon. Jusme! Kambal tuko nga tawag sa'ming dalawa sa opisina pati na rin ng iba pa naming mga kaibigan.

Nang matapos ako maligo at kung anu-ano pa sa CR, tinungo ko na ang aking cabinet. Kumuha ako roon ng casual wear, wala ko sa mood mag-formal clothes.

Matapos kong masuot ay naglagay naman ako ng light make up sa'king mukha. Naglagay rin ako ng manipis na lipbalm sa aking kissable lips. And there! Bagay na sa'kin ang itsura ko, salamat na lang talaga at namana ko sa aking lola ang magandang lahi niyang spanish.

Lumapit ako sa mga sandals ko at pinili ang itim na wedge sandal na nagpatangkad pa sakin ng kaunti.

Well, matangkad na kasi ako, mana kay Lola.

'Di pa ba matangkad ang 5'7 ½? Hahaha.

Dala ang isang shoulder bag na may lamang mga papeles at iba pa'y kinuha ko na ang susi ng apartment.

Lumabas na ako at pinad-lock ang pinto.

After that...

Sumakay na ako ng tricycle at nagpababa sa terminal ng mga UV express which is nakasakay naman ako agad...

By the way, before ko pang makalimutan.

Ako nga pala si AELLA SERANO, anak ng mag-asawang may sariling market place sa Rizal, hindi ko na kailangan pang sasabihin ang pangalan ng aking mga magulang dahil malalaman niyo rin naman kalaunan.

I'm a certified public accountant ng Valiente Empire; ang pinaka-kilalang business sa industriya, swerte ko nga pati na rin ni Kana dahil natanggap kami bilang empleyado ng kompanyang 'yon.

Kung tatanungin niyo ang physical appearance ko, ang masasabi ko lang ay maganda po ako (iyon ang sabi ng mga nakakakilala sa'kin, no joke po 'yon) matangkad din ako na bihira lang sa mga pilipinang babae dahil nga may lahi ako kahit papano, almost 5'8 ang height ko and may waistline na 27 at Cup C po ako which pinagmamalaki ko (hehe) nasa lahi din po namin 'yan same with my perfect round bum.

See? Sexy po ako, model type daw sabi nila. Pero wala kong balak mag-modelo.

Tumigil na ang UV sa harap mismo ng VE Bldg.

Pagkababa ko'y saktong pigura ni Karina ang nasilayan ko, nakangiti pa siya at may dalang take out na pagkain. Saan kaya galing 'yon?

Lumapit ako sa kaniya,"Bakit ka nandito sa labas, Kana?",sabay ng aking tanong.

Ngumiti siya at umangkla sa kanang braso ko, nako po, huwag sanang matapon ang kung ano mang pagkain na nasa supot, sayang pa naman kung matatapon lang.

"I'm waiting for you, ang tagal mo so I decided to just take out some breakfast for both sa'tin. Hindi ka pa naman mahilig mag-umagahan.",kaniyang lintanya habang papasok kami ng elevator.

OWNED BY THE MAFIA TWINS Where stories live. Discover now