PROPERTY THREE

13.8K 286 11
                                    

THIRD PERSON POV

SOMEWHERE IN ITALY...

SA LIBLIB na lugar sa Italya, naroon ang pitong kalalakihan na may kaniya-kaniyang hawak na mga de kalibreng baril habang ang dalawa sa pito ay nakaupo lang sa bubungan ng kanilang dalang sasakyan, parehong klase ng sasakyang Porsche ngunit magkaiba ang kulay ng mga 'yun.

Sa lenggwaheng Italyano ay nagsalita ang lalaking may salpak na mamahaling sigarilyo sa bibig nito,"Hey Boss, wala ba kayong balak simulan ang habulang daga? I'm already bored here.",ang kaniyang pangalan ay Liargo ang isa sa mga matatalik na kaibigan ng kambal na Valiente at isa ring magaling na Assassin ng organisasyong LUMIERE MAFIA.

"Oo nga naman, Boss. Mahigit isang oras na rin tayong andito. Kanina pa nangangati ang mga kamay ko na bumaril. Excited pa naman din ako.",dagdag ng isa pang lalaki na may subong lollipop sa bibig nito habang nakasimangot, siya'y si Marcus, isa sa limang kaibigan ng kambal, ang well-talented hacker ng kanilang organisasyon.

"Masyado kayong atat parehas. Hayaan niyong manginig pa sa takot 'yang peste na nasa kotse ni Keiron. 'Di ba, Kuya?",sabay tingin ni Keiren sa kapatid na si Keiron. Sinagot lang siya nito ng tawa habang tahimik naman sa tabi nito si Keiran.

Silang tatlo ang talagang matatawag na matalik na kaibigan ng kambal dahil mula pa nang sanggol sila ay sila-sila na ang palaging magkakasama not until they had gone to their junior days and that's where they met Liargo and Markus. Ang HARRISON TRIPLETS ay ang pinaka-kaalyado ng LUMIERE at sila din ay mga pinsan ng kambal na VALIENTE.

"Ilabas mo na lang kaya 'yan, Keiren. Sige ka, baka ma-bored si kambal Keiran at barilin ka na lang n'yan bigla .",pananakot pa ni Keiron sabay ngisi kay Keiran na sinamaan lang siya ng tingin.

"Hala ka, Ren! Hahaha.",sabay na asar at tawa nila Liargo at Marcus kay Keiren na nakasimangot sa kapatid nitong si Keiron. Kulang na lang ay ngumuso ito. Daig pa ang bata.

"Ano na, Boss? Ilabas ko na ba 'yun?",tanong ni Keiren sa kaniyang kaibigan na nasa itim na sasakyang Porsche pa rin. Hindi ito sumagot kaya sa isa na lang siya tumingin, humihingi ng sagot, kay Zechariah.

"Palabasin mo na. Kayo na lang ang makipag-habulan d'yan. Siguruhin niyong hindi 'yan masyadong makakalayo sa inyo.",walang ganang utos ni Zechariah sabay higa sa bubong ng kaniyang sasakyan at tumitig sa kalangitan habang nagmumuni-muni.

Napangisi nang tila'y mga demonyo ang limang lalaki sa narinig, halatang mga natuwa. Nagtapunan sila ng bawat tingin saka sila umayos sa kanilang postura habang si Keiren naman ay binuksan na ang likod ng sasakyan ng kambal niyang si Keiron.

Bumulaga sa kaniya ang isang lalaking may naka-busal sa bibig nito habang nakatali sa likod ang dalawang kamay, mahigpit iyon kaya panay ito daing dahil sa pagtatangkang alisin 'yon sa pagkakagapos. Kumakawag din ito habang halata sa mga mata ang sobrang takot at kaba. Kanina pa kasi nito naririnig ang mga pinag-uusapan ng mga taong dumukot sa kaniya.

Bakit a-ako n-nandito?

Walang emosyon na hinila palabas ni Kiren ang kanilang puntirya, wala man lang siya pakialam kung nasasaktan ito. Mahigpit niya itong hinawakan sa buhok upang hindi makatakas sa kanila. Sabubot, rather.

Pinaglakad niya ito sa harap ng kaniyang mga kaibigan at pinaluhod sabay pinatungo sa lupa, sa sobrang paggalaw nito ay inis na sinipa ni Keiren ang lalaki sa tagiliran ng tyan nito na ikinatigil ng kawawang lalaki habang umuungol sa sakit na kaniyang natanggap na sipa.

"Urhmm!",puno ng sakit at kirot siyang namilipit sa lupa, pakiramdam niya'y nabalian siya ng buto banda sa kaniyang dibdib.

"Kulit mo masyado, tch.",maikling aniya ni Keiren. Nawalan siya ng pasensya kaya ayon at nasipa na niya ang pobreng lalaki.

OWNED BY THE MAFIA TWINS Where stories live. Discover now