SWMHC-01

79.3K 234 3
                                    

"Ma? Aalis kayo? Bakit ngayon pa?" Naiinis kong tanong sa kanila. Hindi manlang kasi nila naalala na birthday ko na sa isang araw. 

"Bunso, pasensiya na. Emergency lang," paliwanag ni Mama. 

Pero kahit panong pilit ko na intindihin ay hindi ko talaga matanggap. Lagi na lang silang ganyan, puro sa company ang attensiyon. Paano naman ako? Isa pa, that's my 18th birthday! Tapos wala sila? Fuck! 

"Bye, baby! Don't worry babawi na lang kami, ah?" 

Lumapit si Papa sa'kin sabay halik sa nuo ko. Umirap muna ko bago sumagot, "Ano pa nga bang magagawa ko?" bulong ko.

"Tsaka nga pala, dahil hindi pa namin sure kung kailan ang balik namin. Pinapunta muna namin dito si Jonathan, para bantayan ka." 

Nanigas ako sa sinabi ni Mama. Kumaway na sila sa'kin at sumakay na sa sasakyan, at no'n lang pumasok 'yung sinabi sa'kin ni Mama kanina. Kaya mabilis akong tumakbo pahabol sa sasakyan.

"ANO?! Ma, 'di ko narinig yata! Anong si Jonathan?!" Pahabol kong sigaw, pero wala na. Nakalayo na sila at naiwan akong kinakabahan.

Hindi ako makapaniwalang napapayag nila si Jonathan para maging bantay ko. Hindi ko naman na kailangan ng bantay eh. Hindi 'to pwede. Hindi talaga!

Si Jonathan San miguel, crush ko simula pagkabata kaso ang daming hadlang saming dalawa. Tulad na lang ng 5 years gap namin, pero naniniwala naman akong age doesn't matter at sana siya rin. Char. At ito ang pinaka-matinding hadlang, pinsan ko siya. Maiksing pangungusap pero malaking problema.

Mabilis na tumibok ang puso ko nang may kumatok. Hudyat na nandiyan na siya.

"Hi!" Nakangiti siya agad sa'kin pag bukas ko pa lang ng pinto. Sobrang lakas tuloy ng tibok ng puso ko kaya napasara ulit ako ng pinto. Napahawak ako sa dibdib ko at sobrang nangangatog ang mga tuhod ko.

Kumatok ulit siya.

"Buksan mo 'to? Okay ka lang ba diyan?" Nag aalala niyang sigaw sa'kin.

Kaya naman dahan dahan kong binuksan 'yung pinto. Napatitig agad ako sa kanya matapos ko siyang tignan mula paa hanggang ulo. Parang biglang lumiwanag ang paligid. 'Yung kagwapuhan niya, isang tingin mo pa lang makalaglag panty na sabay tulo laway.

"Okay ka lang? Pwede na bang pumasok?" Bahagya siyang ngumisi kaya napanganga ko.

"Ahh..."

"Ahh?" Nganga niya ring balik sa'kin habang ginagaya 'yung mukha ko.

"Ahh! Wala, pasok ka hahaha!" Natatawa kong sabi. Ang awkward, nakakainis kasi 'tong utak ko. Nag day dream ba naman sa harapan ni Jonathan. Kagigil.

"Ang tagal din nating hindi nag kita, ah? Dalaga ka na! Dati uhugin ka pa! HAHAHA!" Tawang tawa niyang sabi. 

"Ah, dito ka na lang mag kwarto sa guess room," aya ko at sumunod naman siya.

Habang umaakyat ng hagdanan, nailang akong bigla dahil sa maiksing paldang suot ko. Bahagya ko 'yong hinawakan at sumulyap sa kanya na nakasunod sa'kin. Hindi ko alam kung bakit ganito 'yung naramdaman ko. Para kasing nadisappoint pa ko dahil sa pagkabusy niya sa phone kesa tignan ako.

Mukhang mas gugustuhin niya pang mabulag bago ko tignan.

Pagdating namin ng kwarto, napabuntong hininga na lang ako dahil sa kanya. Busy pa rin siya at nakatuon ang attensiyon sa cellphone niya.

"Thank you, pahinga muna ko." Sulyap niyang ngiti. Tumango na lang din ako at lumakad paatras para tignan siyang maigi bago niya isara 'yung pintuan. Ang gwapo niya talaga.

Sex with my hot cousinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon