Paano Mo Nalaman

1.5K 7 1
                                        

Lalake ako pero nagkataong lalake din hanap ko. Siguro mga 2nd year nang nagkagusto ako sakanya. 5″10 ang height, hindi maputi pero kayumanggi, hazel eyes, at mamula mulang labi. Take note makinis sya. Isa sa mga players ng basketball team sa school namin at given na siguro na maraming nagkakagusto sakanya.

Kung ako naman ang paguusapan ay isang lang akong malaking nevermind hahaha parehas kaming nasa section 6 sa isang paaralan dito sa Pilipinas  average students kung baga. Masasabing isa akong patay na bata dahil sobrang tahimik, walang reaksyon, at wala masyadong kaibigan.

Nagkataon na si ungas ay napakafriendly at nadamay ako sa kagaguhan nya. Pero alam mo yun parang special yung turing nya sayo?! Yung feeling na sayo nya lang ginagawa yung mga ginagawa nya like nakikipagharutan at nakikipaglokohan. (Alam kong assuming lang pero hahaha)

Naturingan ngang walang kaibigan kaya wala akong mapagsabihan ng aking nararamdaman. Ang parents ko sa computer ko lang nakikita kasi parehong nasa abroad. Isang only child na wala nangmahihiling pa pagdating sa pangangaylangang penansyal. pero kung pagmamahal ang paguusapan, masasabi kong wala ka nang dapat malaman. Isang napakamatanda yaya ang kasama ko buong buhay ko. Hindi rin nmn kami close kasi hindi rin sya pala imik. Pero gusto ko yung company nya na casual lang lagi ang paguusap namin, at puro oo o hindi lang ang mga sagot nang mga tanungan namin.

Hindi naman ako isang suwail na bata kahit papano alam kong pumirme pagmay bisita which is nangyayari lang pag umuuwi sila mama at papa. Masasabi kong lumalaki ako sa maayos at nasa tama. Mahal ko magulang ko kaya di ko na din dinadagdagan yung hirap nila s abroad.

Hindi ko naman sukat akalaing magkakagusto ako sa isang lalake kasi simulatsapul pempems ang putahing hilig ko. Pero ito talagang ungas na to ang asungot sa nananahimik kong buhay.

Lagi akong nasalikod pag nagkaklase kami at one time nagqiquiz kami nang bigla syang dumating, hingal na hingal, first subject namin yun kaya siguro nalate sya. Wala nang bakanteng upuan bukod sa tabi ko kaya wala syang nagawa kaya doon sya umupo.

“May papel ka?” Bungad nya sakin. Binigyan ko naman sya ng one whole.

“Salamat, last na may ballpen ka ba?”

“Meron kaso kulay blue” sagot ko

“Cge ayus na yun” inabot ko sakanya yung ballpen. Napaisip ako kung estudyante ba talaga sya at bakit simple school supplies ay wala sya.

Mga ilang minuto din at medyo patapos na ako nang bigla nanaman syang nagsalita.

“Pwedeng pakopya?” Sabay nag puppy eyes at nagsmile ng di labas ang ngipin.

“Abuso na hah?!” Bulong ko. At alam kong dapat ako lang makakarinig nun kaso narinig nya kaya tumawa sya. Pero pinabayaan ko nalang din at pinakopya ko na sya. Dito na nagsimula yung pamumulaklak ng damdamin ko para sakanya. Ansaveh? 

“Ok times up, sabi ng teacher namin, exchange paper.”

Since tapos na syang mangopya at tapos na din ako ay napagdisyonan kong sakanya na makipagpalit ng papel. Habang nagchecheck tumitingin lagi sya sakin pag tama yung sagot NAMIN. Napapatawa na lang ako kasi mukha syang baliw na kulang nalang mabali ung ulo nya kaka tingin saakin. And for the first time natawa ako nang malakas nung napunit nya yung papel ko dahil napadiin ata yung paggamit nya sa ballpen ko. Ang gago no natawa pa ako ehh nabutas na yung papel ko kaso unforgettable yung mukha nyang yun kaya talagang natawa ako nang malakas.

Dahil sa gawa kong ingay napatingin lahat yung kaklase ko pati na rin ang teacher namin na para bang nabigla na marunong pala akong tumawa, maslalo akong nahiya nung tinawanan nila ako kasama na din yung ungas na yon. Bottom line same score at same mistakes kaming pareho 29/40 ang score namin.

BoytoBoy EncountersMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon