(Hindi totoong pangalan ang ginamit ko dito upang matago ang identity namin. Hindi rin sakto yung dialogues but the point is there naman.)
2008
Parang tanga lang ako noon. Umiiyak ako habang pauwi galing sa bahay nila. Sobrang sakit talaga ng nararamdaman ko noon, pero kung masaya siya kahit masakit para sa akin kailangan kong tanggapin ito.
—
Hinihintay ko ang friend kong si Kuya Lewell dahil ipapakilala niya ang boyfriend niyang si Gary. Oo, pareho silang lalake, but I’m fine with that. Kahit hindi ako bi okay lang naman sakin na may mga kakilala akong ganun kahit onti sila.
Nung nagtext sila na nasa labas na sila ng dorm ko saka na ako lumabas. Syempre nakakahiya nung time na yun, 15 years old pa lang ako. Oo nagdodorm din ako dahil nagaaral ako noon sa isang high school ng isang tanyag na unibersidad sa Manila at hassle umuwi dahil taga Fairview ako. Hindi rin ako kagwapuhan at 5’6″ lang tangkad ko, si kuya Lewell kasi gwapo yun. Maputi, 5’9″ ata ang height basta mas matangkad siya sakin at talagang gwapo. Siguro may itsura din ang boyfriend niya kaya nakakahiya.
Paglabas ko, nakita ko agad si Kuya Lewell kasama si Gary. Dun ko pa lang nakita si Gary. Hindi naman siya kagwapuhan pero mukhang ayos naman siya. Mukhang mabait at tahimik.
“Kuya Lewell! Siya na ba si Kuya Gary?”
“Oo Paolo siya nga. Siya sa Gary boyfriend ko.”
Ngumiti naman si Kuya Gary sakin. Kuya tawag ko sa kanila dahil nakasanayan ko nang tawagin ng kuya ang isang taong mas matanda sakin. Dahil nga 20 si Kuya Lewell, kuya tawag ko sa kanya.
—
Nung matapos ang araw na yun naging close kami ni Kuya Gary. Kung tutuusin mas close kesa kay Kuya Lewell, kaya tinuring ko na siyang parang tunay na kapatid dahil siya ang nagpuna sa pagmamahal na hinanap ko sa tunay kong kapatid dahil kamao niya lagi ang nakakasalubong ko pag umuuwi ako sa bahay.
Nung pinakilala sakin ni Kuya Lewell si Gary, 4 na buwan na sila nun. Three months after nung pinakilala sakin si Kuya Gary, bigla siyang nagtext sakin.
“Paolo, pwede ba tayong magkita sa Megamall?”
“Sige kuya Gary pero bakit? Anong gagawin natin?”
“Kanta lang tayo. Sige na.”
Pumayag naman ako syempre. At pumunta naman ako sa Megamall agad, at dun ko siya nakita, medyo malungkot.
Kumanta kami sa Timezone nun, halos lahat ng kinanta niya ay mga kantang alam kong kinakanta nila ni Kuya Lewell kaya sige lang. Pagkatapos kumanta ay pumunta kami sa dorm ko na isang jeepney ride lang from Mega. At doon sa dorm ko nilabas niya ang tunay niyang saloobin.
“Wala na kami ni Lewell.” Sinabi niya ito habang umiiyak.
“Hala bakit naman?”
“Hindi ko alam sa kanya. Biglaan na lang.”
“Sige kuya, iiyak mo lang yan. Promise ko sayo tutulungan kita. Kung kailangan mo ng kausap or anything nandito lang ako.”
—-
Simula nung naglabas siya ng loob sakin naging madalas ang aming pagsasama. Madalas gumimik, madalas magmall, madalas kumanta, pero hindi niya parin makalimutan si Kuya Lewell. Pero dahil sa pagsasama namin, mas nakilala ko siya. Sobrang bait niya, sobrang maaalalahanin, parang iba na ang nararamdaman ko para sa kanya. Hanggang sa dumating ang isang araw nung kumakain kami sa isang resto noon.
“Kuya. Alam mo parang iba na nararamdaman ko sayo.”
“Anong iba?”
“Ewan ko ba, hindi ko masabi eh.”