Rrrriiiinnnnnggg!!!!
Tunog ng alarm ng cellphone ko. Alas-syete na nang umaga at kailangan ko ng bumangon. Umpisa na ng semester at ayaw kong malate.
Maaga pa naman kung tutuusin pero kailangan ko pang sunduin ang girlfriend ko sa bahay nila.
Si Kate. Sya ang girlfriend ko ng halos isang taon na. Mahal ko sya hindi dahil sa maganda sya pero dahil sa napakabait nya at napakamaalaga.
Wala na akong mahihiling pa at sinumang lalake ay talagang maiinlove sa kanya. Napakaswerte ko at ako ang kanyang minahal sa dinami-dami ng nanligaw sa kanya.
Gusto ko pa sanang mahiga pero tumunog ulet nag cellphone ko at nagpop-up ang message ni Kate sa messenger at sinasabing maligo na ako at alam nyang nakahiga pa ako.
Kabisado na talaga nya ang ugali ko, sabi ko sa sarili, napangiti nalang ako at bumangon para maligo.
Dumating ako sa bahay nila mga bandang 7:30 ng umaga, at tumuloy na ako sa loob dahil nakabukas naman ang gate. Hindi naman sila sobrang mayaman pero alam mong nakakaangat sila buhay. Meron silang business na pangexport kaya management ang kinuha ni kate kasi gusto nyang sundan ang mga yakap ng kanyang mga magulang. Ako naman ay civil engineering dahil gusto kong magtayo ng mga building at mga tulay.
Papasok na ako sa loob ng marinig kong kausap ni Kate ang kanyang mommy.
“Anak, uuwe na kuya mo dito at dito na sya titira ulet kesa gumawa pa sya ng gulo dun sa probinsya. Sobrang sakit na nang ulo ng lola mo sa kanya at hindi na sya kayang displinahin ng lola mo.”
“Eh kelan naman po uuwe dito si kuya, Ma?”
“ Sa weekends, uuwe na sya dito. Nakabook na ang flight nya at mga tanghali sya makakarating dito.”
Hindi na sumagot si Kate at napalingon sya kung saan ang kinaroroonan ko. “Steven, andyan kana pala, kanina ka pa ba?”
“Ah eh, hindi naman, halos kakadating ko palang.” Pakamot kong sagot kay Kate.
“Good morning po tita” bati ko sa kanyang mommy.
“ Good morning din iho. Buti at andito ka na. O sya sige na at baka malate pa kayo sa eskwelahan, mag-ingat kayong dalawa ah at wag magbulakbol. Iho, ikaw na bahala dito kay Kate ah. “ Dire-diretsong salita ng mommy ni Kate.
“Opo tita, ako pong bahala kay Kate.”
Humalik na sa pisngi si Kate sa kanyang mommy sabay alis namin sa kanilang bahay.
Sa loob ng sasakyan, tahimik lang si Kate at tila malalim ang kanyang iniisip. “Hon, bakita malalim ang iniisip mo? Me problema ba?” tanong ko, pero mukhang alam ko na kung bakit sya ganyan.
Naikwento na kasi saken ni Kate noon ang tungkol sa kuya nya. Hindi daw sila in good terms nito dahil sa sobrang pasaway at walang direksyon ang buhay. Pinadala daw ito ng papa nya sa probinsya para dun sana sya matuto pero parang mas malala pa daw ang ginagawa. Imbis na ang negosyo nila ang asikasuhin, eh puro alak at barkada lang daw ang ginagawa.
“Ah eh, wala hon, meron lang akong naalala.” Pagsisinungaling nito.
“Hon, it’s about your brother ano?” Tanong ko
ulet sa kanya. Napatingin ito sa akin at nagulat sa aking sa aking sinabi.
“Pano mo nalaman ang tungkol kay kuya? Narinig mo ba ung pag-aaway namin ni mommy kanina?”
“ So inaaway mo pala ang mommy mo kanina, kaya pala parang may naririnig akong maingay pag dating ko sa inyo, hehe”
“ Eh kasi naman, uuwe na dito ulet si kuya, eh di magiging magulo nanaman dito sa bahay. Hay naku, kainis talaga.” Pagmamaktol nya.