Prologue:

2.3K 45 0
                                    


Malakas ang buhos ng ulan at pag kidlat pero hindi nagpapaawat sa pagtakbo ang isang babae sa isang liblib na lugar. Kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan ay naghahalo ang luha sa pisngi ng babae.

Panay din ang kanyang lingon sa kanyang likuran para tignan ang mga lalaking sumusunod sa kanya. Hindi niya alintana ang pagsusugat ng kanyang paa at sa ibang parte ng kanyang katawan dahil sa mga sangang nakausli sa mga puno.

Please god help me. Usal na panalangin niya sa kanyang isip.

"Bumalik ka dito hindi ka makakatakas samin!" Rinig niyang sigaw ng isang lalaking humahabol sa kanya.

Dahil sa narinig niya mas lalo niyang binilisan ang kanyang pagtakbo, labis rin ang kabang nararamdaman niya sa takot na baka mahuli siya ng mga ito.

"Mga gago! Anong katangahan 'iyang ginagawa niyo? Barilin niyo ang babae na yan baka tuluyan 'yan makatakas mayayari tayo nito kay boss!"

Mas lalo siyang napaluha dahil sa narinig niya, sa isip niya hindi na talaga siya makakaalis ng buhay sa kanyang kinaroroonan. Pero ayaw na niyang bumalik sa boss ng mga ito, mas pipiliin niya na lang ang mamatay kaysa makuha pa siya ng mga ito at ibalik sa boss nila na tinalo pa si satanas sa sobrang sama nito.

Bang

Bang

Bang

Napayuko siya ng simulan siya nitong barilin, pakiramdam niya isa siyang baboy ramo na tinutugis at sabik na sabik ang mga ito na makuha siya.

Bang

"Ahhh..." Sigaw niya ng madaplisan siya ng bala sa braso.

"Kung ako sayo hindi na ako mag aaksaya ng oras at pagod para tumakbo. Hindi kana makakatakas sa boss namin, dito kana mamamatay hahaha."

Hindi niya pinansin ang sinabi sa kanya ng lalaki mas binilisan niya na lang ang pagtakbo. Habang tumatagal mas lalong lumalakas ang pagbuhos ng ulan kaya hindi na niya nakikita ang mga dinadaanan niya, pati ang pagkidlat ay nagdadala sa kanya ng labis na takot.

May nakita siyang puno na pwede niyang pagtaguan kaya nagmamadali siyang nagpunta roon. Nang makarating siya padausdos siyang napaupo patuloy lang ang kanyang pagluha. Hindi niya alam kung anong nagawa niyang mali para maranasan niya ang ganitong pangyayari sa buhay niya.

Hindi siya masamang tao, lagi niyang sinusunod ang kanyang mga magulang. Hindi siya kailanman gumawa ng mali o nanakit ng kapwa niya, para parusahan siya ng ganito. Napatingin siya sa sugat niyang nalilinis ang dugo dahil sa ulan.

"Mommy... Daddy... Ano na pong gagawin ko? Paano ako makakatakas sa mga masasamang tao? Tulungan niyo po ako." Umiiyak niyang sabi.

"Nandito ka lang pala pinahirapan mo pa kami. Sabi ko naman sayo diba? Hindi kana makakatakas kay boss dito kana mamamatay."

Napapikit na lang siya ng mariin ng matunton siya ng isang demonyo na isa sa humahabol sa kanya.

Nakangisi ito habang nakatutok sa kanya ang hawak nitong baril.

------

Please don't forget to comments and votes. 😊 Thank you baby readers😘😊

I'm Owned By A Mafia Boss. [ On-hold.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon