CHAPTER NINE.

559 25 0
                                    

Author's Pov.

Nakangiting  nilagay ni Darlina ang huling ulam na niluto niya na sinigang na baboy. Napangiti siya ng malungkot habang nakatingin sa mga ulam niyang niluto.

Adobong manok, pansit na canton, at ang panghuli ay ang sinigang na baboy. Lahat ng niluto niyang ulam, ay ang mga specialty ng mommy niya na itinuro sa kanya.

Marami pa siyang alam na lutuin dahil maraming naituro sa kanya ang mommy niya, pero gusto niyang lutuin itong  mga specialty nila ng mommy niya. Gusto niya itong ipatikim sa mga kasamahan niya sa bahay na kumupkop at nag alaga sa kanya.

Kagabi pinag isipan niyang mabuti ang mga sinabi sa kanya ni D.A. At heto siya ngayon naghahanda ng almusal para sa mabubuting taong tumulong sa kanya,na maialis siya mula sa impyernong lugar ni Fredo.

At bilang pasasalamat nilutuan niya ang mga ito ng lutong ulam, at naisipan niya na rin na maglinis nitong mala-mansyon na bahay. Hindi naman maraming linisin, lalo na napapansin niya tuwing sabado at linggo may pumupunta sa kanilang limang katulong para maglinis nitong bahay.

Pero never pa ang mga ito nagluto para sa kanila, na ayon kay Aidel hindi daw talaga sila nagpapaluto sa mga katulong. Mahirap daw magtiwala, baka daw hindi nila alam nilagyan na pala ng lason ang pagkain nila. Akala niya nagbibiro lang siya sa sinabi niya pero hindi.

Kaya pala pagkatapos mgalinis ng mga katulong ay umaalis na rin ang mga ito agad. Kaya naman niya ang maglinis lalo na't sinanay rin siya ng kanyang mommy sa gawaing bahay. Na kahit may mga katulong sila ay iniiwanan siya ng mga ito ng kanyang mga gagawin na utos rin ng mommy niya.

Saka hindi rin naman siya mahihirapan sa paglilinis lalo na't malinis naman talaga itong bahay. Nang makuntento siya sa pag aayos sa lamesa ng mga pinggan, umakyat siya sa taas at isa isang kinatok ang mga kwarto ng mga kasama niya.

Na katok na niya ang lahat ng pintuan ng kasama niya, except lang kanila Abernathy at D.A na magkatabi lang pala ang kwarto. Kwarto kasi nilang dalawa ang nasa hulihan, medyo nakaramdam pa siya ng kung ano sa puso niya ng malaman niyang magkatabi lang pala ang kwarto nila Abernathy at D.A.

Lalo na sa mga kwento sa kanya ni Aidel na mukhang malaki ang pagkakagusto ni Abernathy kay D.A. Kinatok niya ang kwarto ni Abernathy ng bumukas ito, nakataas ang kilay nitong nakatingin sa kanya. Lumikot ang mga mata niya at hindi makatingin sa dalaga na matalim ang pagkakatitig sa kanya.

"What?" Mataray na tanong nito sa kanya.

"Ahm... Kasi... Ano--"

"Don't waste my time Darlina!" May pagbabanta sa tono nito.

"K-kakain na. N-nagluto ako." Nauutal na sabi niya.

Mas lalong tumaas ang kilay nito at lalong tumalim ang pagkakatingin sa kanya.

"Marunong kang magluto...?" Tanong nito na parang may pagdududa.

"O-oo. Tinuturuan ako ni mommy magluto noong bata pa ako."

"Siguraduhin mo lang na walang lason 'yang niluto mo, dahil sinisigurado ko sayo na bago ako mamatay isasama kita sa hukay."

Bago pa siya makapagsalita ay malakas na nitong sinarado ang pintuan. Napasimangot siya pagkatapos ay bumuntong hininga. Lumipat siya sa kabilang kwarto para katukin ang kwarto ni D.A pero pagtingin niya dito, laking gulat niya ng makita itong nakasandal na sa pintuan ng kwarto nito at titig na titig sa kanya.

I'm Owned By A Mafia Boss. [ On-hold.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon