CHAPTER EIGHT.

659 32 2
                                    

Author's Pov.

Nakangisi si Aidel habang nakasandal siya sa pintuan ng training room at naaaliw na pinapanuod si Luna, na nag e-ensayo sa espada niyang sobrang talim.

Wala itong takot na umiikot sa hangin habang winawasiwas nito ang dalawang espada, pagkatapos hinahagis niya ito sa ere at pareho niya itong sinasalo.

Pagkatapos ay muli itong iikot habang winawasiwas niya ulit ang hawak niyang espeda sa katawan niya. Hindi niya mapigilan ang mamangha sa babae na seryoso lamang at hindi iniisip na pwede itong mamatay anumang oras kapag nagkamali ito sa galaw.

Kumuha siya ng sigarilyo sa bulsa niya at saka niya ito sinindihan, nang tignan niya ulit ang dalaga napaurong siya, dahil sa espada nitong nakatutok na sa kanya.

"What the hell Luna! Mahilig ka ba talaga manutok ng espada mo!?" Inis niyang tanong rito.

Inismiran siya nito saka binaba ang espada. Bahagyang tumagilid ang mukha nito, at saka ngumisi.

"Sayo lang." Tipid nitong sagot sa kanya.

Kahit kailan talaga hindi palasalita si Luna, magsasalita lang siya kung galit na ito, o dikaya naman kung inis. Minsan naman kung magsasalita ito, tipid na tipid katulad na lang ngayon.

Kung hindi niya lang kilala ang kanilang boss na si D.A at hindi niya alam na wala itong kapatid. Iisipin niya talaga na ito ang nawawalang kapatid ng kanilang boss.

"Wow. I feel special, thank you, ah." Sarcastic na sagot niya.

Hindi siya pinansin ng dalaga dahil tumalikod lang ito sa kanya. Bumuga mo na siya ng usok mula sa kanyang sigarilyo, bago siya sumunod rito.

"Kamusta na siya?" Tanong nito sa kanya.

Hindi niya na kailangan tanungin kung sino ang tinutukoy niya, dahil sa isang tao lang naman siya nagpapakita ng concern, kay Darlina.

Oo, kay Darlina lang siya nagpapakita ng concern na hindi niya gawain. Sure, concern ito sa mga kasama niya pero hindi niya iyon pinapahalata. Pero kay Darlina, napapakita niya ang totoo niyang emosyon.

Hindi niya alam pero may kung anong mayroon si Darlina, na humihila sa kanila na protektahan nila ito at hindi niya matukoy kung ano ito. Nararamdaman niya na ganun rin ang nararamdaman ng mga kasamahan niya.

Except na lang kay Abernathy na laging tinatarayan si Darlina at si D.A na hindi mo mabasa kung ano ang emosyon nito para sa dalaga.

"Hindi parin siya lumalabas sa kwarto niya, mabuti na lang kumakain siya kapag dinadalhan ko siya ng pagkain." Sabi ni Aidel sabay buntong hininga.

"Hayaan muna natin siya, siguro nag a-adjust pa siya."

Tatlong araw na simula ng maisama nila si Darlina sa bahay nila, pero tatlong araw na rin itong hindi lumalabas ng kwarto ang dalaga.

"Tara lunch tayo chinese girl nagugutom na ako." Pag iiba niya ng usapan.

Sanay siyang tawagin itong 'chinese girl' dahil pure itong chinese. Yun nga lang dito siya sa pilipinas pinanganak at lumaki. Pero ang parents niya both chinese.

"Ikaw na lang. Kaya mo naman kumain mag isa." Sabi nito na nilingon siya.

Tinapon niya ang yosi na paubos na, nawala ang kanyang pagkakangiti at seryosong tinignan ang babaeng kaharap niya.

I'm Owned By A Mafia Boss. [ On-hold.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon