Darlina Pov.
Nakangiti ako habang umiikot ikot sa salamin. Hawak ko sa magkabilaang gilid ng dress ko.
Beautiful. Sabi ko sa sarili ko.
Light pink siya na hanggang hita lang, nag poinytail rin ako para makita ang likod ko. May butas kasi ito sa gitna ng likod ko na umabot hanggang balakang ko, hugis V. Hinayaan ko rin na may kunting laglag na buhok sa magkabilang ulo ko.
Pati yung puting sandals kong suot na may takong na 3 inches ay bumagay sa suot ko.
Lumabas ako at nakita kong nakangiti ng malawak ang sales lady, na nag assist sakin. Naka thumbs up din siya.
"Wow Ma'am ang ganda. Bagay na bagay po sa inyo mas lalo po kayong gumanda." Sabi niya.
Nahihiya akong ngumiti sa kanya.
"Salamat." Sabi ko.
"Alam niyo po ba Ma'am, mas maganda ka pa po kay Ma'am Bianca."
Bianca? Parang narinig ko na ang pangalan na yan.
"Pero hindi ko po siya hate ah? Mabait po si Ma'am Bianca at sobrang kulit, kaya nakakalungkot lang talaga na namatay siya."
Nabalik ang atensyon ko kay ate chismossa dahil sa huling sinabi niya. Namatay yung Bianca? Pero bakit?
"Sino ba si Bianca?" Curios na tanong ko sa kanya.
Lumapit pa siya sakin at saka siya bumulong.
"Dating girlfriend po ni Sir DA."
Saglit akong natigilan dahil sa sinabi ni ate chismossa.
Saka ngayon ko lang na realize na lahat ng tao na nakakakilala sa kanya puro DA ang tawag sa kanya. Wala ba siyang complete name? As in DA lang talaga? Saka ngayon ko lang rin napansin simula ng tumira ako kanila DA never ko pang nalaman ang pangalan niya. Paano kasi DA ang tawag sa kanya ng mga kaibigan niya.
" Kung hindi mo rin alam Ma'am, sikat at kilalang kilala na tao si Sir DA, dahil isa siyang business man. May malaki siyang company na mina-manage, at may business siya sa ibat ibang bansa. Actually kanya ang mall na 'to, itong mall lang ni Sir ang may malaking mall dito sa buong pilipinas at sa ibang bansa. Nako, Ma'am kung iisa-isahin ko pa sayo ang mga business ni Sir malulunod ka,kaya to make it short, bigtime and as in mayaman na mayaman ang boyfriend mo. Kumbaga higit pa sa lotto ang napanalunan mo." Pag ku-kwento niya.
BINABASA MO ANG
I'm Owned By A Mafia Boss. [ On-hold.]
ActionWhat are you going to do, when you find out that the person you love is a mafia boss, whom you hate the most? Can you let go of your anger? Or distance yourself from the person you love? This is a matured content. WARNING:SPG/R-18.