Mr. Anonymous is active now •
Mr. Anonymous:
Hays!... Sige na hindi na ako mangungulit.
Bye na.
(༎ຶ ෴ ༎ຶ).
(seen)~~~~~~
Hays hindi ko alam kung bakit nangungulit ang isang 'to. Hindi ko sya kilala at dahil anonymous ang pangalan nya sa FB. Ang hirap alamin kung babae ba sya o lalake. Pati ang mga uploaded photos. Halo-halo at puro creepy picture pa. Feeling close ampota. Tsaka ang sabi nya ayaw nya raw makipag chat sa mga bakla or part ng LGBTQ.
TCH. Ano namang pakialam ko.
Humugot ako ng malalim na buntong hininga at nag salongbaba sa bintana. Tinatanaw ang bakanteng lote na napapalibutan ng ibat-ibang uri ng punong kahoy, naglalaguang mga halaman at nag tataas ang mga damo.
Nasa kwarto lamang ako buong maghapon. Wala akong balak na lumabas dahil wala rin naman akong kakausapin. Ang pinsan kong bugok nasa kwarto nya rin at ayaw makipag usap sakin.
Akala nya naman gusto ko rin makipag-usap sa kanya.
Kung hindi lang sya gwapo. Malamang nakipag suntokan na ako sa kanya. Medyo may kayabangan din kasi at 'yon ang pinakang ayaw ko sa lahat. Yung akala mo kung sinong siga.
Pasalamat lang dahil 'crush' ko sya. HAHAHA
*TOKTOKTOK*
tumayo ako at pinagpag ang aking puwetan bago tuluyang tinungo ang pinto upang alamin kung sino ang kumakatok dito.
Pinihit ko ang seradura nang pintuan at bumungad sakin ang nakataas kilay na mukha ni justin. "Bakit?"
"Hugasan mo raw yung pinggan." Walang ganang sambit nya. Tumaas ang sulok ng aking mga labi at tinitigan sya ng masama. "Tinitingin-tingin mo?"
"Pinagkainan mo ang lahat ng 'yon tapos ako ang pahuhugasin mo? Like what the 'F' . Ikaw ang mag hugas nu'n." Sarkastikong sambit ko kaya nag-iba ang kulay ng kanyang mukha. Ang kaninang madilim na mukha ay mas lalo pang dumilim habang naka salubong ang mga kilay kaya napa ismid ako.
"Pwede ba sundin mo nalang ang ini-utos ni pap—..."
"Ini-utos ni tito o baka utos mo?" Singhal ko at pinanliitan sya ng mata.
"Talagang ginagalit mo ako?" Asar na tanong nya kaya napatawa ako.
Nagulat na lamang ako ng bigla nyang hapitin ang beywang ko kaya biglang nagtaasan ang balahibo sa buong katawan ko. Pakiramdam ko binalot ako ng takot at kaba.
Ngiting asong idinikit nya ako sa pinto at idiniin ang aking katawan sa katawan nya. Ramdam ng aking balat ang malulusog nyang masel at abs sa t'yan.
"Susundin mo ako oh, magiging miserable ang buhay mo dito sa bahay namin." Ngiting asong sambit nya kaya tiim-bagang akong tumitig sa kanya.
"Pwede ba. Bitawan mo nga ako. Kung nababakla ka sakin. P'wes ngayon palang sasabihin ko sayo, na hindi ako pumapatol sa mga lalakeng katulad mo. Bitaw... Ang sabi ko bitawan mo ako..." Halos balutin ng boses ko ang buong silid kung saan kami naroroon.
Isang malakas na tawa lamang ang naging sagot nya kaya pakiramdam ko umakyat ang lahat ng dugo ko sa aking ulo.
"Bakit naman ako nababakla sayo?" Nakangiti nyang tanong. "Babae ang gusto ko at hindi lalake. 100% straight yata to boy!"
Napahagalpak ako ng tawa dahil sa sinabi nya kaya biglang nawala ang ngiti sa kanyang mga labi.
"100%? Gaano ka kasigurado? HAHAHA... According sa mga research walang 100% na lalake. Kasi may posibilidad na mag ka gusto rin sila sa mga kapwa nila lalake."
Hinigop sya ng hangin at ibinuga sa mukha ko kaya nahampas ko sya sa noo. Mabuti nalang at mabango ang hininga nya dahil kung hindi baka kanina pa ako nag collapse dito sa kinatatayuan ko.
"Walang manners. Tinuruan ka ba talaga ng magandang asal nina tito at tita? Ang bastos mo." Galit na sambit ko. Mukhang na-insulto sya dahil sa sinabi ko kaya inilapit nya ang mukha nya sa mukha ko. Ilang inches nalang magtatama na ang aming mga labi kaya halos hindi ako huminga. Ni hindi ko magawang igalaw ni katiting na bahagi ng aking katawan. Dahil oras na magkamali ako ng galaw.
Mawawala na ang pagiging virgin ng mga labi ko. At ayokong ang isang ungas na lalakeng ito ang makakuha ng first kiss ko.
Isuntok man sa buwan. Talagang hindi ako papayag.
"Wag mong dinadamay si papa at mama. Baka pagsisihan mong dinawit mo sila sa usapan natin." May halong pagbabantang tugon nya kaya mas lalong lumakas ang kabog ng aking dibdib. "Kung ayaw mong hugasan. May reward ako sa kasipagan mo."
Halos matuod ako sa kinatatayuan ng bigla nyang hagurin ng halik ang aking mga labi. Isang minuto? Isa't kalahati? Jusko!... Dalawang minuto.
Naitulak ko sya ng ubod lakas at tumama ang kanyang likod sa pader. Nakangiting nakatingin sakin. "Ako na ang maghuhugas. Nakuha ko na ang gusto ko." Sambit nya sabay talikod.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Pakiramdam ko nag yelo ang buo kong katawan dahil sa ginawa nya. Sinampal ko ng ilang ulit ang aking noo. Pilit na iniisip na panaginip lamang ang nangyari.
Gusto ko nang magising dahil sa nangyari ngayon. Hindi na virgin ang lips ko. (-̩̩̩-̩̩̩-̩̩̩-̩̩̩-̩̩̩___-̩̩̩-̩̩̩-̩̩̩-̩̩̩-̩̩̩)
Ayoko ng mabuhay!
Lord kunin nyo nalang po ako. Ang labing iningatan ko sa loob ng labing siyam na taon. Nawala na ang virginity sa loob lamang ng ilang minuto.
BINABASA MO ANG
Mr. Anonymous (chatting) [COMPLETE]
Teen Fiction"Expect the unexpected." •(unedited)• Title: Mr. Anonymous (chatting) Genre: Teen Fiction, Romance, Humor. Type: Epistolary / BL, BoyxBoy. Author: MrGlens WP