Burnokz POV:Tahimik ang paligid habang nakamasid ang aking dalawang mata sa labas nitong classroom namin. Halos hindi ko na magamit ang cellphone ko dahil ang daming paper works ang pinapagawa samin araw-araw. Hindi ko akalain na ganito pala ang dadanasin ko sa college. Ibang iba na pala ang college life kesa sa high school at senior high.
Halos wala akong maayos na tulog dahil araw-araw nalang may assignment, araw-araw may test. 32unit pa.
Pakiramdam ko bibigay na ang katawan ko sa pagod. Masyado ko nang napapabayaan ang aking sarili. Nabawasan din ng ilang kilo ang aking timbang. Sa tingin ko mga anim na kilo ang nabawas sa aking timbang.
Humugot ako nang isang malalim na buntong hininga.
Gusto ko nang sumuko pero iniisip ko na ginagawa ko 'to para sa magulang ko. Gusto kong suklian ang mga paghihirap nila kaya nag-aaral ako nang maayos. Pero sa kalagayan ko ngayon, hindi ako makaka pagtapos ng hindi nagmumukhang bangkay.
Ilang buwan na rin ang nakalipas, gusto ko mang kamustahin si Mr. Anonymous pero hindi ko magawa dahil nahihiya ako. Ang tagal ko nang hindi nagpaparamdam sa kanya.
Sa tingin ko kaya mas lalong gumugulo ang isip ko dahil pakiramdam ko kulang na kulang ako kung hindi ko nakakausap si justin. Si Mr. Anonymous. Alam kong hindi naging maganda ang simula ng pakikipag ugnayan namin sa isa't-isa. Pero dahil sa Messenger, naging magkaibigan kami. Naging maayos ang pakikitungo namin sa bawat isa.
Nagkatikiman pa nga eh. HAHAHA.
Hindi ko na namalayan na gumuhit na pala ang malawak na ngiti sa aking mga labi. Sa tuwing inaalala ko ang pangyayaring 'yon. Pakiramdam ko bumabalik ang dati kong sigla. Bumabalik ako sa nakaraan na ang saya-saya ko habang kausap sya, ka chat sya.
Kamusta na kaya sya?
May girlfriend na ba sya?
Siguro may trabaho.
Baka naman may asawa na.
Sana naman wala pa.
Biglang bumigat ang pakiramdam ko habang iniisip ang mga posibleng nangyari sa buhay ni Mr. Anonymous ngayon. Alam kong lalake sya at alam ko rin na hindi nya ako magugustuhan kasi lalake rin ako. At babae rin naman ang gusto ko.
Pero bakit parang ang laki-laki ng kulang sa buhay ko. Ang laki ng puwang dito sa puso ko na pakiramdam ko sya lang ang makaka puno sa puwang na ito.
Napabuntong hininga ako habang pilit na iwinawaksi sa aking isipan ang mga alaala ng nabuo namin ni justin sa loob ng maikling panahon.
Kailan kaya kami ulit magkikita?
"Joseph, tara kain na tayo." Natauhan ako nang banggitin ni Marie ang pangalan ko.
Si Marie yung palaging kasama ko sa tuwing kakain kami sa cafeteria, sa tuwing may mga group activities sya palagi ang ka-grupo ko.
Mabait naman syang tao pero minsan nagbibigay sya ng motibo para lang mapansin ko sya. Hindi pa ako handa sa mga commitment kaya wala akong balak na ligawan sya. Studies ang priority ko. At hindi ang mga ganung bagay.
"Ah... Teka anong oras na ba?" Niyugyog ko pa ang aking ulo bago ibinaling ang tingin sa wristwatch ko. 1:30pm na pala.
Ilang minuto nalang ay magsisimula na ang last subject namin. 4hours ang next subject namin. Kaya kailangan kong mag-ipon ng lakas upang hindi ako mapagod at mabagot sa oras ng klase.
Tumayo na ako at isinukbit ang aking sling bag sa balikat at nagpatiunang lumakad.
"Sya nga pala Joseph. Ang group report natin tapos na ba?" Tanong nya ngunit hindi ko sya pinansin. "Natapos ko na kasi ang akin. Yung sayo natapos mo na ba?"
"Oo." Walang gana kong tugon. Nasa tapat na kami nang cafeteria, itinulak ko paloob ang pintuan nito at pina unang pinapasok si Marie. Sumunod naman ko sa kanya sa pinakang sulok nitong cafeteria.
Paboritong lugar. Malapit sa tinted glass wall nitong cafeteria.
"Ako nalang ang o-order." Tumango na lamang ako. Tinatamad ako ngayon. Gusto kong matulog nalang buong maghapon. Pero hindi pwede dahil May test kami sa major subject namin.
"Chicken noodle soup lang ang akin. Tsaka isang royal." Sambit ko. Tumango na lamang sya bago tumalikod. "Dagdagan mo nalang din ng dalawang pirasong saging." Pahabol ko. Bumaling sya sakin at tumango bilang pagsang-ayon.
Walang gana kong ibinalik ang aking atensyon sa lamesa. Nakatitig na para bang lulusawin ito nang aking mga mata.
'miss na miss na kita justin. Kailan kaya tayo magkikita muli?' bulong ko sa isip ko.
Nakatitig lamang ang aking paningin sa table napkin habang nilalaro nang aking mga daliri ang toothpick.
'sana wala ka pang girlfriend.' natampal ko ang aking noo. Dahil sa iniisip.
"Ihahatid nalang daw dito ang in-order ko. Sya nga pala, nakapag review ka ba?" Nakangiting tanong ni Marie. Napailing nalang ako dahil nakalimutan kong mag review. Sa sobrang dami kong iniisip. Nakalimutan ko na may test pala kami.
"Madali lang naman ang test. HAHAHA." Pabiro kong tugon. Natawa naman sya dahil sa sinabi ko.
"Sya nga pala. Wala ka bang balak na mag girlfriend, mukhang ga-graduate tayo, tapos ikaw single pa rin. HAHAHA..." Jusko. Bakit ko naman uunahin ang girlfriend, girlfriend na yan.
"Dagdag lang yan sa iisipin ko. HAHAHA." Taas kilay kong tugon.
"Ito na po ang order nyo." Natahimik ako. Inilapag ng crew ang order namin. Tumama sa kamay ko ang kutsara na ipapatong nya sana sa pinggan ko kaya nahulog ito sa sahig.
Agad kong ini-usod ang aking upuan upang pulutin ang kutsara.
Ngunit kamay nya ang nahawakan ko kaya napatingin ako sa kanyang mukha.
"Justin?" Usal ko.
"Joseph?" Banggit nya.
Halos hindi ko ma-igalaw ang buo kong katawan dahil sa saya na aking nararamdaman. Hindi ko inaasahan na pagtatagpuin ulit kami ng tadhana. Hindi ko inaasahan na mangyayari ang tagpong ito.
Gumuhit ang napakalawak na ngiti sa aking mga labi. Hindi ko alam kung ano ang unang kong gagawin.
Yayakapin ko ba sya. Hahalikan ko ba. Sasabihin ko ba na namiss ko sya nang sobra.
Pakiramdam ko maluluha ako sa tagpong ito.
Bumalik ako sa reyalidad ng yakapin nya ako ng sobrang higpit. Yung bigat ng kanyang pag hinga alam kong miss na miss nya na ako. Alam kong matagal nya na akong gustong makita.
Gumanti na rin ako nang yakap. Wala akong pakialam sa iisipin ng mga estudyante dito sa loob ng cafeteria.
Ang mahalaga nag kita na ulit kami ni justin. Matagal ko rin itong pinangarap. Ipinagdasal.
At sa wakas ang tadhana na mismo ang syang gumawa ng paraan upang magtagpo muli ang aming mga landas.
Ngayon, sasabihin ko na sa kanya itong nararamdaman ko. Sasabihin ko na kung gaano ko sya ka-mahal. Kung gaano ko sya namiss sa loob ng ilang buwan.
BINABASA MO ANG
Mr. Anonymous (chatting) [COMPLETE]
Novela Juvenil"Expect the unexpected." •(unedited)• Title: Mr. Anonymous (chatting) Genre: Teen Fiction, Romance, Humor. Type: Epistolary / BL, BoyxBoy. Author: MrGlens WP