CHATTING: 27

1.2K 40 2
                                    


Burnokz POV:

Hinila ako ni justin papunta sa labas nitong cafeteria. Hindi na ako tumanggi kaya nagpati-anod na lamang ako sa takbo nang oras at sa kung anong mangyayari sa susunod na mga minuto. Humugot ako nang malalim na buntong-hininga habang nakamasid ang mata sa paligid.

Halos malusaw kami dahil sa titig ng mga estudyante na halata sa mga reaksyon ng kanilang mga mukha ang pagkabigla, hindi makapaniwala.

Sino ba naman ang hindi mabibigla sa tagpong ang parehong lalake, daig pa ang mag syota.

Dinala nya ako sa mini park nitong campus.

Huminto kami sa tapat ng lamesa na gawa sa kahoy at napapalibutan ng mga bangko na kahoy din. Bumuga ako nang hangin bago humarap sa kanya.

Bakas pa rin sa bawat mukha namin ang hindi makapaniwala. Ang pagkasabik na bumalot sa aming mga mukha, ang saya na bigla na lamang kumawala sa aming mga sarili. Pakiramdam ko'y huminto ang oras, iniisip na kami na lamang ang natitirang tao sa mundo.

"Kamusta Kana?" Tanong nya, bahagya pang nanginig ang boses kaya gumuhit ang ngiti sa aking mga labi. 'kinakabahan ba sya?' bulong ko sa aking isipan.

Tumikhim ako upang ayusin ang aking tinig. Ayokong pumiyok at mas lalong ayokong gumaralgal ang aking boses. "Ito, ayos lang... Na miss kita nang sobra. Akala ko hindi na tayo magkikitang muli. Mabuti nalang mabait ang tadhana kaya pinagtagpo muli ang landas nating dalawa."

Napabuntong hininga sya at hinawakan ako sa magkabilang balikat. Deritso ang mga matang nakatitig sa aking mukha. Napa-iwas ako nang tingin dahil sa pagkailang na bumalot sa aking pagkatao.

"Talaga bang na miss mo ako? Eh hindi ka nga nag rereply sa mga chat ko sayo." Usal nya kaya kunot-noo akong tumingin sa kanya.

Umangat pa ang sulok ng aking mga labi. Hindi makapaniwala sa kanyang sinabi.

Nang magsimula ang pasok, nawalan na ako nang oras upang mag Facebook, Messenger o sabihin na natin mag cellphone.

Dahil sa mga patong-patong na mga gawain sa bawat subject namin.

"Bibihira na lang kung gamitin ko ang aking cellphone. Gagamitin ko nga pero for educational purposes lang dahil sa mga activities, projects, research sa bawat subject namin. At kung major ang pag-uusapan, malamang sa calculator nakatuon ang atensyon ko at hindi sa social media." Paliwanag ko. Napasimangot pa ako dahil pakiramdam ko hindi sya naniniwala sa mga sinabi ko.

"Hindi ako nagbibiro. Tsaka naranasan mo na rin naman siguro ang ganung mga pangyayari dahil dumaan ka rin sa college, remember." Usal ko. Gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi habang nanliliit ang mga mata at hinapit ang aking ulo, ginulo ang aking buhok.

"Alam ko naman 'yon. Syempre naranasan ko rin ang mga bagay na 'yon. At masasabi kong napakahirap pag college student kana." Sambit nya. Nakahinga naman ako nang maluwag-luwag dahil maintindihan nya kung bakit hindi ko nagagamit ang social media accounts ko.

"Sya nga pala, baka gusto mong bumisita sa bahay. Si mama lamang ang kasama ko du'n, dahil si papa nasa business trip nya sa Thailand." Masayang sabi ko. Ipinagdadasal na sana pumayag syang bumisita sa amin. Sayang naman kasi ang uportinidad. Tutal malapit lang din naman ang pinagta-trabahuhan nya kaya pupwedeng sa bahay na lamang sya muna pansamantala.

"Pwede ba?" Tumango ako bilang pagsang-ayon. Ang pag guhit ng ngiti sa aking mga labi ay hindi mapawi-pawi.

"Teka saan ka tumutuloy ngayon? Kasi pwede ka naman sa bahay mamalagi, hanggang sa matapos mo ang trabaho mo dito." Ani ko.

Mr. Anonymous (chatting) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon