Chapter 5. Naughty

4 0 0
                                    

Nandito parin ako sa sala habang nakatingin dito sa Boss ko. Iiwanan ko nalang ba talaga syang ganto. Well, kasya naman sya sa sofa kase malaki ang sofa ko. Alangan namang dun ko pa sya patulugin sa kwarto ko tapos ako ang dito mahiga sa sofa. Definitely No. Oh sige bahala kana dyan lasing ka naman eh.

"Ysabel Please... don't leave me like that. I really love you... Please..." napahinto ako dahil sa kanyang mga binigkas. Ganun nya ba talaga kamahal yung babaeng nakita ko sa office? Kahit lasing na lasing na sya yun padin yung bukam-bibig nya. Akala ko ba playboy sya, na papalit palit lang sya ng mga nagiging girlfriend nya. But now, right before my eyes he is only a pathetic love loser. Yan ang bagay na ayaw kong makita coz I was once like that.

Tiningnan ko sya, pikit naman ang mata nya pero nagsasalita sya. Kukuhanan ko nalang siguro sya ng blanket sa kwarto tutal meron naman akong care kahit konti. Baka lamigin pa sya dito at magkasakit.

Pagkabalik ko nilagay ko nalang ang kumot sa buo nyang katawan. Ni hindi ko tinanggal kahit anong damit na suot nya. I'm not interested to see what's beyond that expensive suit. Kahit pa malaki katawan nya, wala akong pake.

Nang makapasok sa kwarto agad akong dinalaw nang antok. Pasado ala una na din kase.

3rd Person POV

Mula sa pagkakahiga sa sofa, wala sa sariling tumayo si Josh. Habang naglalakad sya patungo sa kwarto isa isa nyang hinuhubad ang kanyang damit simula sa sapatos, medyas, tuxedo, long sleeves, belt at slacks. Hanggang sa ang natira nalang sa kanya ay boxer shorts. Ganito sya matulog sa kanyang bahay. Nakasanayan na ng katawan nya ang ganitong bagay, dahil sa tuwing magbe-break sila ni Ysabel pumupunta sya sa bar at kapag lasing na sumasakay sya sa taxi at nagpapahatid nalang sa condo nya, pero iba ngayon dahil sa masyadong kalasingan hindi na nya nagawang makapara ng taxi. Ang secretary nya pa ang nag-uwi sa kanya.

Oo ang relasyon nilang dalawa ni Ysabel ay magulo. Yung tipong away bati. Break ngayon tapos sila na ulit bukas. Pero sa tuwing magbe-break sila ni Ysabel palaging umiinom si Josh out of frustration. Pero ang break-up nila ngayon ay malala kaya nagpakalasing sya ng sobra sobra.


Unconsciously nahiga nalang sya basta sa kama. Masyado na syang lasing para mapansin pa ang mga bagay bagay. Para mapansin pa na wala sya sa bahay nya at may katabi syang babae sa kama. Dahil narin sa pagod ni Kath hindi narin nya napansin na may tumabi na sa kanyang pagtulog.



Kathlyne



Kinaumagahan. Ano ba naman yan ang ingay ingay ng alarm clock ko. Panira ng tulog antok na antok pa naman ako ngayon. Nagmulat na ako ng mata, pero....



"Hwaaaaaaaa" sigaw ko dahil mukha ni Sir Josh ang agad na bumungad sa akin. Naitulak ko sya kaya nalaglag sya sa sahig kasama ang kumot ko. Agad kong inagaw sa kanya ang kumot ko dahil maikli ang suot kong denim shorts. Pero isa pala iyong pagkakamali dahil lumatad sa akin ang hubad nyang katawan.



"Hey what was that for? Bakit mo ako tinulak?" asar nyang tanong habang gumuguhit ang kilay dahil sa inis.



"Why are you here the last time I check you... you were in the sofa. How come you are here?!!!" medyo pagalit kong tanong I drop the honorifics dahil wala naman kami sa kompanya at isa pa nandito sya sa pamamahay ko.



Hindi naman sya sumagot sa halip ay iginala nya ang tingin sa kabuuan ng kwarto ko, like he is suspicious that I have this nice room. Pero nang mapatingin na naman ako sa ano nya ay napaiwas agad ako ng tingin.



"Magdamit ka nga!!!!" sigaw ko na naman, napatingin naman agad sya sa katawan nyang nakabalandra sa pagmumukha ko. Gumuhit ang ngiti sa labi nya.



"Huh, ke-bago bago mo palang as my secretary sinisigaw sigawan mo na agad ako. Hindi ako gina-ganyan ng mga dati kong secretary ah. How rude of you Miss" pero bakit hindi ko maramdaman ang galit sa tinuran nyang iyon parang mapang-asar pa ang paraan nya ng pagkakasabi ng mga salitang iyon.



"I'm so sorry but to inform you Sir we are not in the office and right now you are in my house. So, will you please put your clothes on. It's so awkward" pahayag ko, mind that the way I said those words are a lil bit sarcastic.



"Owws matapos ang nangyari sa atin gaganyan-ganyanin mo na ako. Is that the right attitude after you use my body?" hindi parin naaalis ang mapanuya nyang mga ngiti sa labi. Huh? At anong mga pinagsasasabi nang lalaking ito ngayon? Ano ako nahihibang. I'm pure and I will protect my purity no matter what.



"Wala naman pong nangyari, tyaka wala naman po akong balak dyan sa katawan nyo. Kahit siyasatin nyo pa po bawat himaymay ng katawan nyo, wala po akong ginalaw dyan" pahayag ko, I should raise my head cause I'm not guilty of his accusations. So, I did.



Hindi nya pinansin ang huli kong sinabi sa halip ay nagtungo sya sa bintana, pinalis nya ang kurtina upang makapasok ang init na nagmumula sa araw. Tiningnan nya ang view at mukhang namangha pa base narin sa kanyang naging ekspresyon.



"This suite is nice. Is this yours?" bakas sa kanyang tanong na hindi sya magtataka kung sasabihin kong hindi ito akin. Wow masyado naman ata nya akong minamaliit. Kung hindi dahil sa akin tyak dun na sya natulog sa parking ng bar. 



"Yes" sagot ko pero binalik ko din agad ang tanong. "Why?"



"Really? This is much nice that my condo. I bet this is so expensive" mukhang naniwala naman sya na akin ito. Agad syang naglakad pabalik sa harapan ko, nakabalot parin sa akin ang kumot.



"Wala ka talagang pagnanasa sa katawan ko?" titig na titig sya sa mata ko. Tapos pinalandas nya ang kamay nya sa abs nya pataas sa dibdib nya. Animo'y nang-aakit. Asa ka namang maakit mo ako. Iniwas ko naman ang mga mata ko. He is naughty, tunay ngang playboy sya.



"Hahaha, by the way Good Morning Kath. What can you offer for breakfast? Gutom na ako, medyo masakit din ulo ko hangover" tinalikuran nya ako at aakalain mong naglalakad lamang sya sa sarili nyang bahay ng nakahubad. Lol ang laki ng pwet nya, naconscious naman ako bigla sa akin. Dumiretso sya sa pinto at lumabas na ng kwarto. Naiwan lamang akong mag-isa dito sa loob. 

Ganyan ba talaga sya. Ang komportable nya masyado ah, feeling bahay nya. Teka masundan nga baka kung ano ano pang paglilikutin nun sa kusina.

-yahyouknow-




In Dark Side of LoveWhere stories live. Discover now