Lumabas na ako sa kwarto ko at dumiretso sa kusina. Bago makarating sa kusina nakita ko ang mga nakakalat nyang necktie, tuxedo at mga medyas. Parang ahas na nagbalat. Kumuha naman ako ng basket at inilagay doon ang mga pinaghubadan nya. Naabutan ko si Sir Josh na naka-upo sa dining table at kinakain yung cake na regalo sa akin ng Strategic team. Wow basta basta nalang nya pinakialaman sa ref at kinain ang cake, at home na at home sya ah. Nakasuot narin sya ng slacks at white long sleeves pero iilan lang ang nakabutones dito kaya kita parin ang dibdib nya.
" So, it was your birthday yesterday." pahayag yun hindi tanong, tuloy tuloy lang sya sa pagkain nya ng cake ang kalat panga nya kumain eh.
"Yes Sir" sagot ko na lamang, nakatayo padin ako sa harapan nya dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko. Magluluto ba ako?
"Belated Happy Birthday then, sorry for causing trouble to your day" marunong naman palang syang bumati at mag-sorry.
"Thank you po sir" kumakain pa din sya at halos maubos na ang cake sa plato. Hinayaan ko nalang sya at hindi na pinansin, hindi din naman ako mahilig sa sweets. Mabuti nalang din dahil baka masayang lang naman yun kase ang laki laki nun.
"About this cake, pantanggal ko kasi ng hangover ang sweets so pasensya na" weird naman nya, bakit feeling ko mas pampasakit nang ulo yun. Kase ako kapag kumakain ako at naparami ako sa sweets sumasakit ang ulo ko.
"Ok lang po" sagot ko, pero di ko talaga ma-take na pantanggal hangover nya yun.
"Diba sabi mo sakin na nasa bahay mo ako, so just call me Josh when we are outside the company. I am not your Boss here. Even though you didn't tell me na ikaw ang masusunod dito, I read it through your lines naman" napaiwas naman ako bigla ng tinggin sa kanya, ito na ba 'yung time na dapat akong magsorry kase baka mamaya kapag pasok ko sa office nya, you're fired agad ang bumungad sa akin.
"I'm sorry for my behavior a while ago" tapos tumungo ako, ayaw ko pa mawalan ng trabaho. Baka maghirap ako. Magastos pa naman ako sa mga pagkain.
"Silly girl, I am truthful here, I am not joking around. Tutal tama naman yung sinabi mo, at lahat ng mga iniisip mo up to now, so just call me Josh" tumayo na sya tapos kinuha ang kamay ko at nakipag-kamay sa akin.
Matapos yun ay nagtungo naman sya sa sofa, inabot nya ang remote tapos binuhay ang TV. Ano ba namang trip nya at sa National geographic channel nya inilagay. Mga tigre tuloy. Kinawayan nya naman ako nung napansing nakatunganga lamang ako sa kanya.
"Kath hali ka dito, the tigers are really interesting" tapos ti-nap nya pa yung sofa. Iginigiya na maupo ako sa tabi nya.
"No sir look at the time its already 7:15 at exactly 8:00 I need to be in the company. Kailangan ko nadin pong magluto para makakain tayo" tiningnan ko ang orasan, kinakailangan kong magmadali na kundi late talaga ako pag nagkataon. Buti sya boss, okay lang ma-late.
"I said just call me Josh, cut the sir and sir josh. Don't use 'po.' It looks like you're making me old. And I feel na magka-age lang tayo. Ilang taon kana ba?" Ooops nasanay na kasi ako sa pagtawag sa kanya ng Sir at paggamit ng po kapag nakikipag-usap sa kanya.
"I just turned 25" maikli kong sagot
"See I told you we are of same age. 25 lang din ako, so don't use honorifics kapag nasa labas tayo ng kompanya" tapos binaling na naman nya ang tingin nya sa TV. Tumalikod na ako nang bigla syang magsalita. "If you want you can call me love since nandito naman tayo sa bahay mo, walang makakarinig. Its fine with me" akala ko pa naman matino na syang kausap mukhang may konting tama pa ng alak sa utak.
![](https://img.wattpad.com/cover/106959391-288-k901373.jpg)
YOU ARE READING
In Dark Side of Love
RomansWhat will you do if life has taken its toll on you? The fate isn't in your side anymore. You became a nobody suddenly, trying to live in this harsh society. Who will help you? Who can you lean on? There are times when you thought of giving up, imagi...