Kathlyne Collins
24 yrs old, isang simpleng empleyado sa kompanyang kanyang pinapasukan
mahiyain,walang kaibigan,takot magtiwala,walang tiwala sa sariling kakayahan,mahina ang self confidence,palaging nagtatago sa nakaraan...Kathlyne.
"Kath dalhin mo ito sa table ni Mr.Peters, you know it na naman sa 25th floor office of the President" utos ni Ma'am Laiza habang tinuturo yung mga papeles sa table nya. Si Maam Laiza ang Section Chief ng Strategic planning team namin dito sa kompanya. Ako isang simpleng office clerk lang.
"Sige po Ma'am" nagmamadali akong lumabas para madala na kaagad yung mga papeles sa opisina ni Mr.Peters.
Dahil ayokong makasalamuha ang mga tao dito sa kompanyang ito binilisan ko ang aking lakad at nang makadating sa tapat ng nasabing opisina ay kumatok agad ako.Walang sumasagot kaya tiningnan ko kung bukas ang pinto , pagkapihit ko bukas ito , nagdadalawang isip pa ako kung papasok ba ako o hindi . May grupo ng mga lalaki na padaan kaya tumungo agad ako at walang anu ano ay pumasok na sa opisina ni Mr.Reyes. Ayaw na ayaw ko na makikita nila ang pangit kong mukha dahil baka pintasan lang nila ako.Iginala ko ang aking mata sa loob ng opisina nya masyadong malinis ito at napakaayos ng mga gamit nya.
Biglang bumukas ang pinto nasa may harap ako ng table nya kaya yumuko agad ako pagkapunta nya sa table nya ay umupo agad sya.
Meet Josh Peters ang panganay na anak ng Chairman ng Peters Inc. 25 yrs old
President ng Kompanya, isang Engineer, mala dragon kung magalit, palaging seryoso, strikto, bibihira ngumiti, ang inaasahang magmamana ng kompanya, idagdag na natin ang pagiging gwapo nito, pambihira nitong charm at makamandag na mga titig.
"Do you know the word PRIVACY?" maawtoridd nyang tanong sa akin
"I'm SORRY Sir" mahinahong sagot ko habang nakayuko pa din
"Why are you here? Give me an acceptable reason" mahina pero nakakatakot nyang sambit
"Sir kasi po may pinadala po kasi si Ma'am Laiza na mga papeles dito sa opisina nyo" kabado na ako.
"Is that urgent?" tanong ulit nya
"No Sir"
"Get Out! Wait for five minutes then knock in the door" utos nya sa akin
Lumabas agad ako dahil nangangatog na ang aking tuhod dahil sa matinding takot tiningnan ko ang orasan ko its already 4:30.
Excatly 4:35 i knock in the door .
"Come In. Put that on my table then Get Lost"
Nagmamadali ko naman na nilagay yung mga papeles sa kanyang table at bago ay nagbow muna ako sa kanya sign of respect.
"Ahhh report to me tomorrow, you'll be my secretary cause i need one" hindi maproseso ng utak ko ang mga binanggit nyang salita.
"A--no po" Ako? Secretary? Nagloloko ba sya? Sa limang taon kong pagtatrabaho sa kompanyang ito I remained low profile. Ayoko sa mga posisyong kagaya ng isang Secretary, palaging busy, maraming ginagawa tapos palagi pang napapalitan. Sa loob ng limang taon na'yun nanahimik ako dahil ayoko sa kahit na anong promotion. Gusto ko simple lang dahil wala naman akong pamilyang binuhuhay. Mag-isa lang ako sa buhay kaya ayos na ako sa pangkaraniwang sweldo sa opisina, hindi na ako naghahangad ng kahit na ano pa.
"You heard me, and I know you understand it, don't make me repeat myself. Kapag hindi ka nagreport bukas you're fired" hala ano ba naman itong napasukan kong ito. Isa na nga lang akong taong walang hangad na kahit ano sa buhay. Basta simple lang at nakakakain ng tatlong beses sa isang araw ayos na ako. Ayoko ng ganito, kabalitaan pa naman sa buong opisina namin na madalas magpalit ng Secretary itong si Mr. Peters at bali-balita din na lahat ng 'yun ay naka-fling nya. Ano yun sesisantehin nya kapag sawa na sya? Ayaw ko pa naman mawalan ng trabaho. I don't want to be jobless.
"Y--es Sir" yun nalang ang naging sagot ko. Siguro hindi naman applicable sa akin yun kase simple lang naman ako kumpara dun sa mga pang runway fashion show nya na mga naging secretary.
Pagkalabas ko ng opisina nya nagmadali na akong bumalik sa opisina ni Ma'am Laiza. Paano na'to?
"Oh Kath bat natagalan ka yata? " tanong sa akin ni Ma'am Laiza.
"Ah Maam kase po kinausap pa po ako ni Mr. Peters" paliwang ko sa kanya. Actually napakabait nyang Senior sa akin.
"Tungkol saan?" takang tanong nya sa akin. Paano ko ba ito sasabihin?
"Ah Maam ano po kasi..... sabi nya po sa akin..... simula po bukas..... sa kanya na daw po ako magrereport kase.... ako na daw po ang Secretary nya" pahinto hinto kong paliwanag hindi ko parin talaga lubos maisip ang napasukan kong ito.
"ANOOOOO???" nagulat si maam sa sinabi ko, masyado naman syang makapag-react porke crush nya si Sir Josh. Bata pa yang si Maam Laiza ko, 27 palang sya, wala din namang kumukwestyon sa pagiging Section Chief nya sa ganyang edad dahil alam nilang lahat ang kakayahan nya. At isa pa napakabait nya, pero alam naming lahat na patay na patay yan kay Mr. Peters kase palakwento sya, at ako palagi ang kinukwentuhan nya dahil nga sobrang tahimik ko.
"Opo Maam kapag hindi po daw ako pumayag tatanggalin nya daw po ako sa trabaho" malamlam ang boses ko habang tinuturan ang mga salitang iyon.
"Ommmmyyyy I'm proud of you Kath, secretary kana ng gwapong yun, nako araw araw mo na masisilayan aang kagwapuhan nya. Move on nako sa kanya eh may nanliligaw na kase sakin ngayon tyaka hindi naman nya ako mapansin pansin date. Supladong yun, hmmmp" singhal nya. Kahit kailan talaga napaka-jolly ni Maam Laiza. Gantong ganto na sya simula ng makilala nya ito. "GOSSSHHH mas mataas na posisiyon mo sa akin, let's celebrate ayain natin ang buong team. My treat. Mamimiss kita Kath" sinsero nyang pahayag sabay yakap sa akin.
"Nako hindi naman po, hamak na Secretary lang po ako" turan ko naman. Ano kayang mangyayari sa akin.
"Ahhh basta I'm so proud of you. Tyaka saan kapa ang pogi ng boss mo. Kyyaaaaahhhh" impit nyang tili. Napakamot nalang ako sa ulo.
-yahyouknow-
Pasensya na po sa wrong grammars at mga typo errors subukan ko pong ayusin hahaha
VOTE and COMMENT po..... THANK YOU PO!
YOU ARE READING
In Dark Side of Love
RomanceWhat will you do if life has taken its toll on you? The fate isn't in your side anymore. You became a nobody suddenly, trying to live in this harsh society. Who will help you? Who can you lean on? There are times when you thought of giving up, imagi...