Chapter 8. No Good Morning

5 0 0
                                    

Nagising ako dahil nag-alarm ang phone ko 5:30 am na. Iniadjust ko kasi ito ng 1 hour sa normal kong gising na 6:30 syempre dahil nadin may kasama ako ngayon dito, kung dati rati ay maluwag akong makakakilos ng walang iniintindi pwes iba na nagyon.


"BLAGGG" agad akong napabalikwas sa higaan ko at dali-daling tumakbo sa kitchen.


I was in total shock to what I witnessed. What happened here? MY KITCHEN WAS IN FREAKING DESPAIR. IT WAS IN CHAOS. The kitchen utensils are in mess. The pan was rolling in the floor. Egg shells are everywhere. The countertop is soaking with different condiments, and is dripping down to the floor.


Right at this moment I want to lose consciousness. Napahawak na ako sa ulo ko habang hinihintay ang pagbagsak ng katawan ko sa lapag but suddenly a man only wearing boxers short and apron appeared in front of me. Emanating an apologetic look towards me, a forced smile was plastered on his face.


"ANONG GINAWA MO DITO SA KITCHEN???" sigaw ko habang nanginginig sa galit. Ito ang unang beses na nagkaganito ang kusina ko.


"I ... was just... trying to cook.. uhmm.. omelette and adobo" putol putol nyang paliwanag, hindi sya makatingin ng diretso sa akin at kakamot-kamot sa kanyang ulo.


"WHY DID YOU TRY TO COOK IF YOU DIDN'T KNOW A SINGLE THING ABOUT IT AT ALL" nagpupuyos parin ako sa galit, sana ginising na nya lang ako kung ganun din naman ang mangyayari. Nakakainit ng ulo, umagang umaga ito kaagad ang bubungad sa akin. ANG DAMING NASAYANG!!!


"They say... a man who can cook looks ... cool, so I was just trying to cook" hindi parin sya makatingin sa akin. Napatingin naman ako sa phone nya na nasa countertop din at basa narin ng mga kung ano anong condiments. Mukhang nanonood sya sa youtube ng mga tutorials sa pagluluto.


"This scenario was helpless; I don't want this to happen again." mahinahon na ang pananalita ko, ano pa bang magagawa ko. Nangyari na lahat ng mga kaguluhang ito. Mukha naman syang batang napagalitan ng nanay nya.


"I promiseee, and don't worry I'll call someone to clean all this mess" hindi ko na sya inintindi at dire-diretsong sinuri ang refrigerator kung may mga natira pa ba na mga pwedeng iluto. Sa kasamaang palad, wala ng natira kahit na ano.


Nagtungo ako sa malapit nang umawas na trash bin upang tingnan ito, nakita ko ang mga sunog at lamusak na omelette. Naubos nya ang binili naming na 2 trays of egg ng wala man lang napapakinabangan. Sayang na sayang yung mga sangkap. Pati yung meat sayang din.


"Dapat ginising mo nalang ako" nasabi ko nalang sa kanya.


"I'm......" hindi ko na pinatapos ang sasabihin nya agad akong pumunta sa kwarto ko, nawalan na ako ng ganang kumain. Agad akong nag-ayos at naghanda para pumasok. Lumabas agad ako ng walang pasabi at nagdiretso sa elevator.


Sakay na ako ngayon sa LRT ayaw ko kasing sumakay sa jeep, dahil na nga sa klase ng suot kong damit. Takaw atensyon pa. Nakarating din naman agad ako sa kompanya 20 minutes before 8:00.


Agad akong nagpunta sa table ko at inasikaso ang mga papeles para sa araw na ito at ang mga dapat papirmahan at mga appoinments ng President. Maya maya pa ay may nagpasa sa akin ng mga papeles na ipapacheck for approval.

In Dark Side of LoveWhere stories live. Discover now