Chapter 9. If you can

3 0 0
                                    

Apat na araw na ang nakalipas simula noong sabihin sa akin ni Sir Josh na isasama nya ako sa London for business gathering/auction. Nalaman ko din pala na may magaganap na auction, mukhang makakasalamuha ako ng mga taong mula sa alta syudad. Ano kayang isusuot ko?


Right now, anong ginagawa ko? Wala naman, hindi naman ako busy sa kompanya. Wala namang gaanong umaakyat sa President's Office kase nga kakatapos lang nung isang araw ng board meeting. Shocked ako dahil hindi ko alam ang gagawin ko, pero go with the flow lang naman ako since sinunod ko lang mga utos ni Sir Josh. Yun nga lang bago ako kaya di maiiwasan ang pagkakamali. Okay lang naman daw sabi ni Sir Josh, just learn with my mistakes nalang daw.


It's already lunch time, nag-aya nga pala si Ate Laiza na samahan ko sya maglunch, syempre with the Strategic team. Kaya agad akong um-oo sa text nya. I quickly arranged the papers in my desk tapos ay agad tumayo upang magtungo sa Office ni Sir Josh.


"Good afternoon Sir" bungad kong bati sa kanya nakatuon kasi ang atensyon nya sa computer na nasa harapan niya. Mukhang regarding parin yun sa latest board meeting na naganap nung isang araw.


"Good noon too, why? Is there a problem?" hindi parin sya nakatingin sa akin. Masyadoong tutok sa ginagawa nya.


"Ahm I just want to ask your permission kase po I have a lunch to attend to." kung kanina ay sa computer sya nakabaling ngayon naman ay sa akin na. Mukhang nagulat sya sa sinabi ko. Nang makabawi ay agad din syang nagsalita.


"Huh?" tanong nya. 


"Ah kase po may nag-aya po ng lunch sa akin, iniisip ko po baka po magka emergency at hanapin nyo ako kaya nagpapaalam po ako?" mahinahon ang pagpapaliwanag ko sa kanya, fingers crossed sana payagan nya ako. Tyaka lunch time naman eh.


"Sinonagayasayomaglunch, WHY?" nakita ko ang pag alon ng adams apple nya parang may sinabi na pabulong pero di ko naman naintindihan kung ano ba 'yun.


"Ah, eh bawal po ba lumabas ng company?" nagulat naman ako sa malakas nyang pag WHY. Kung bawal naman pala edi sasabihin ko nalang kay Ate Laiza na pass ako. Kahit gustong gusto ko talaga.


"It's lunch time so pwede naman just be back exactly 1:30 pm" sa computer na ulit sya nakatingin habang nagsasalita.


"Thanks President" sambit ko kase pinayagan nya ako. Agad akong tumalikod at naglakad patungo sa pinto.


"Tskk" dinig ko na tumikhim si Sir Josh kaya naman napabaling muli ang tingin ko sa kanya.


"Sir?" agad na tanong ko sa kanya. Narinig ko ang pag 'tskk' nya.


He just gestured me to go away. Nasa kaharap na computer parin naman ang tingin nya, baka company matters lang yung pagtikhim nya.


Nasa labasan na sila Ate Laiza, Ziana at Beatriz hinihintay na ako. Nako nakakahiya naman naghintay pa sila.


Agad ko namang iginala ang aking paningin sa paligid. Bakit kaya wala si Kristoff?


In Dark Side of LoveWhere stories live. Discover now