Kabanata 21

21.3K 381 87
                                    

Kabanata 21

"Ma'am, ayos lang po ba kayo?"

I blinked twice when I heard yaya Rona's voice. Huminga ako ng malalim at nag angat ng tingin sakaniya.

"Bakit yaya?"tanong ko pabalik.

"Kanina pa po kita kinakausap, Ma'am. Pero tulala po kayo... nakahanda na po ang dinner niyo."aniya.

I gasped at what she said. Kanina pa ako nakauwi sa mansion pero hanggang ngayon ay hindi mawala sa isipan ko ang nangyari kanina. Kuya Levy is crazy?! Mukha naman ayaw siyang kausapin ni Shane pero patuloy niya pa rin ito hinihila palayo sa amin. Wala rin naman kaming nagawa ni Janine kundi ang tignan at hayaan sila.

"Kuya is crazy over her again."rinig kong sabi ni Janine kanina na hindi ko masyadong naintindihan.

Umabot kami ng dalawang oras sa paghihintay sa pagbabalik ni kuya Levy pero hindi niya na kami binalikan! Kaya ang ending, nag grab na lang kami ni Janine.

"Ma'am?"

Tumikhim ako at tumango sa babae. "Oo, yaya. Thank you."sabi ko at tumayo na.

Pumasok ako sa dining room na si kuya Levy at Shane pa rin ang nasa isipan. Hindi naman siguro sila nag away diba? Sinubukan ko naman tawagan si kuya Levy at Shane pero pareho nilang hindi sinasagot ang tawag ko! I sighed heavily and shook my head. Hindi pa nga tapos ang problema ko, may bago na naman. I want to make sure that Shane is okay. Hindi naman sa wala akong tiwala kay kuya Levy. It's just that, sobra na ang pinagdaan ng kaibigan ko.

"Yaya Gel, paki tanggal nga nito."sabi ko at tinuro ang sinigang na manok.

Naguguluhan naman lumapit sa akin si yaya Gel. "Ma'am? Paborito niyo po ito ah?"nagtataka niyang tanong.

"Ayoko ng amoy, yaya. Baka hindi na fresh 'yung manok."sabi ko at kumuha ng kanin.

"Eh, Ma'am kaka-deliver lang po ng mga manok kanina."nakangusong sagot ng babae.

"Basta. Tanggalin mo na 'yan bago ikaw ang matanggalan ng trabaho,"tipid na sabi ko at nag simulang kumain.

Nanlaki naman ang mga mata ni yaya Gel. Lihim akong natawa nang nagmamadali siyang pumasok sa kitchen dahil ang sinigang na manok. Umiling-iling ako at nag patuloy na lang sa pagkain.

"Ano 'yan?"nakataas kilay na tanong ko kay yaya Rona nang ilapag niya sa lamesa ang isang brown paper bag.

"Pinadala daw po ni sir D—Drake."kinakabahan na sagot ng babae. "Gusto niyo po ba na itapon ko na?"

Tumingin ako sa paper bag at umiling. "Iwan mo na lang d'yan."sabi ko at inubos ang pagkain.

Nang matapos akong kumain ay umakyat na ako sa aking kwarto habang dala ang paper bag. Inilapag ko ito sa bedside table at nag tungo muna sa banyo para mag hilamos. Habang naghihilamos ako ay biglang pumasok sa isip ko 'yung pinadala ni Drake. Ano naman kaya 'yon at bakit niya pa ito ginawa? I thought he will stop chasing me. Nagbuntong-hininga ako at tinapos na lang ang ginagawa. Nang matapos ay lumabas na ako.

I looked at my phone, which is in the bedside table when it rang. Lumapit ako roon at kinuha 'yon. A smile appeared in my lips when I saw mommy's name in the screen. Agad ko itong sinagot.

"Hello, sweetie? How are you?"she asked on the other line as I answered the call.

"Hi, mommy. I'm fine, kakatapos ko lang nag dinner. Nasa spain na ba kayo?"tanong ko pabalik at umupo sa kama.

"Not yet, sweetie. Stop over. Pumunta ba d'yan ulit si Drake?"tanong niya at sinuway ang kapatid ko.

I sighed when I remember Drake. "Mommy about that Drake—"saglit akong napatigil nang maalala sina Yaya Gloria. Kahit naman nakakainis 'yung ginawa nila sa akin, Ayoko pa rin na mawalan sila ng trabaho. "Nothing, mommy."sabi ko at tumikhim.

Unwanted Love (Love Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon