Kabanata 34

25.6K 419 80
                                    

Kabanata 34

"Janine, umuwi na tayo."nanginginig kong sabi sa pinsan ko.

Bahagya naman kumunot ang noo niya sa sinabi ko. "Huh? Dito na tayo mag dinner."

Agad akong umiling. "Hindi na. Sa condo na lang. Sige na, umuwi na tayo, please?"tanong ko at nilingon si kuya Levy na naguguluhan din nakatingin sa akin.

"What's happening? Bakit parang namumutla ka, Princess."Kuya Levy asked worriedly.

"Si Drake... andito siya. Kaya umuwi na tayo! Sige na! Please? Umuwi na tayo..."sabi ko.

Nanlaki ang mga mata ni Janine sa sinabi ko. Napasinghap naman si kuya Levy at nag iwas ng tingin sa akin.

"Ano? Si Drake andito? Paano? Nakita mo ba?"sunod-sunod na tanong ni Janine sa akin.

Umiling ako. "Hindi—"

"Eh, paano mo nalaman na andito siya?!"Natataranta na sigaw niya sa akin.

"Nakita siya ng kambal! Lumapit at kinausap niya raw ang kambal..... umalis na tayo, please?"

"Teka nga! Hindi kita maintindihan. Paano ka nakakasigurado na si Drake ang lumapit sakanila?"naiinis na tanong sa akin ng babae.

"Sinabi sa akin ni Yuan na kamukha raw nila ang lalaking lumapit at yumakap sakanila!"naiinis ko ring sigaw sakaniya.

Her mouth parted at what I said. Umiling-iling siya at nilapitan ang mga anak ko.

"Baby boy, tell me about the man who went to you and hugged you."aniya sa bata.

"About the handsome man, tata?"inosenteng tanong ni Yuan sa bata.

Naguguluhan namang tumango si Janine. "Yeah. A—about the handsome man,"

"Oh. We don't know him tata but we looked like him. "namamanghang sabi ni Yuan at ngumiti sa akin.

I couldn't smile back.

"Really?"Janine asked in amusement.

Sabay naman tumango ang kambal. I sighed heavily and went to them. Hinawakan ko ang kambal sa magkabilang kamay ko.

"Let's home,"sabi ko dahilan nang pag lungkot nila.

"Mommy, I want to eat dinner here."malungkot na sabi ni Hillanine sa akin.

My heart heaved while looking at her sad eyes. Nagbuntong hininga ako at saglit na binitiwan ang kamay niya at hinaplos ang pisngi niya.

"But mommy is tired already, Hillanine. Sa condo na lang tayo mag di-dinner, okay? Mommy will cook your favorites."malambing na sabi ko sakaniya at nag angat ng tingin kay kuya Levy.

"Kuya pabuhat naman si Yuan.... umuwi na tayo,"sabi ko at nag iwas ng tingin sakaniya.

Hinawakan ko si Hillanine at naunang nang naglakad papunta sa parking lot ng mall. Tahimik naman nakasunod sa akin ang tatlo.

"Mommy, I want to eat dinner here!"sigaw ni Hillanine at nagsimula nang umiyak.

Nagbuntong hininga ako at binuhat siya. "We will go home, Hillanine. Sa condo na tayo kakain. Mommy will order the foods you want, okay?"malambing na tanong ko sakaniya.

Sunod-sunod naman siyang umiling. Tears keep on falling from her beautiful eyes. "No! I want here, mommy!"sigaw niya habang umiiyak.

Huminga ako ng malalim at hindi na lang siya pinansin. Nang makarating sa sasakyan ni kuya Levy ay binaba ko si Hillanine at inayos ang magulo niyang buhok. My heart sunk in pain while looking at her messy face. Her beautiful eyes were red and swollen. Patuloy pa rin ang pag agos ng mga luha niya.

Unwanted Love (Love Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon