2 Pesa Dilla

50 15 0
                                    

2

Nasa school bus na kami at namamangha ako sa nakikita kung mga maka-bagong istraktura, mga mas dobling nagtata-asan na building at may mga robots narin. Namamangha ako sa aking nakikita, may pumisil naman ng aking kamay kaya duon ko nabaling ang aking atensyon, tiningnan ko naman ang babaeng tinatawag ko na ate.

"Malapit na ang skwelahan dito kaya kaya kung may mapansin kang kakaiba ipagsantabi mo nalang wag mong papansinin, hintayin mo ako sa labas ng room mo wag kang lalabas hanggat wala ako, kahit anong mangyare wag kang lalabas." Ani nya habang hawak parin ang aking kamay.

Tanging tango lamang ang aking nagawa at huminto naman ang bus na sina sakyan namin, tumigil kami sa paaralan na walang makikitang puno o kahit ne damo, puro building at mga makabagong bagay ang nakikita ko.

Naghiwalay kami ng babae at kusang humakbang ang aking mga paa, parang kabisadong-kabisado ang lugar samantalang ngayon lang naman ako naka-punta dito, nasa hallway na ako at maraming akong nakakasalubong.

Ngunit wala itong mga mukha blanko lamang ang aking nakikita, ngunit di ako kinikilabutan para bang sanay na akong makakita na ganito ang mga tao sa lugar nato, lumiko ako sa isang pasilyo at pumasok ako sa silid kong saan may nagtuturong guro, napatingin naman sila sila sa gawi ko, parehas din ng ibang tao na nakita ko kanina wala din silang mukha pero yung pakiramdam na sa akin talaga nakabaling ang kanilang atensyon, ang mga tingin nila ay nag bibigay sa akin ng kilabot sa aking balat.

Napatigil naman ang guro sa pag tuturo ng may marinig kaming pagsabog sa labas ng school kaya agad ko namang tiningnan ang bintana, may nakita akong mga taong armado maraming baril at iba't-ibang armas, nagpapatayan narin ang mga tao sa labas, agad namang nag panic ang mga kaklase ko isa-isa silang nag labasan at ang iba rin ay natatamaan ng ligaw na bala, ang mga dugo nila ay tumatalsik sa aking damit.

Nag hintay Lang ako sa loob ng silid hinihintay ang babaeng tinatawag ko na ate, di parin tumitigil ang putukan sa labas, maraming bangkay ang nag kalat.

Ilang oras ang lumipas at may narinig akong kaluskos mula sa labas, agad naman akong napatingin at nag tago para sa kung sino man ang dadating.




Pesa Dilla Where stories live. Discover now