3 Pesa Dilla

37 12 0
                                    

3



"Hellian andito na si ate?" Mahinang usal ng babaeng kakarating palang.

Agad naman akong lumabas at lumapit sakanya, yinakap nya muna ako at tiningnan taas baba ng aking katawan, ng makitang wala namang galos pero maraming mantsa ng dugo dahil sa mga kaklase kong namatay.

Nag simula na kaming mag lakad at pag may naririnig na kaluskos o mga barilan ay agad kaming mag tatago ng naka labas na kami sa loob ng skwelahan na yun, lakad takbo ang aming ginawa ngunit kami ay di naging alisto may nakadakip sa amin.

"Hellian wag na wag mong bibitawan ang kamay ko." Ani nya sa mahinang boses na may bahid na panginginig.

Nanginginig nadin ako at gusto ko narin maiyak pero pinipigilan ko dahil maraming naka paligid sa amin, mga armadong lalaki na may dala-dalang malalaking armas. ibang mga klaseng armas dahil malaki ang bala nito at sobrang dami ng pasikot- sikot.

Kinulong kami sa loob ng isang kulungan ngunit para din itong malaking box na may rehas, madami din ang tao sa loob na baka Isa din ito sa mga nahuli ng mga lalaking aramado na nanghuli din sa amin.

Ipinasok na kami sa hawla at katahimikan ang bumalot sa amin walang nag sasalita, walang nag tatangkang basagin ang katahimikan na bumabalot sa loob ng hawla, may lumapit sa aming isang lalaki mas matangkad kumpara kay ate, side ang buhok at makisig ang pangangatawan, nag usap sila ni ate at parang kilalang-kilala na nila ang isa't-isa.

"Hellian si Ron, kaklase ko." Ani nya habang nakalahad ang kamay ni kuya Ron sa aking harapan.


Nakipag shake hands naman ako sa kanya, may nakita naman kaming nag sidatingan na mga sasakyan, mukha iyong mamahalin. marami silang lumabas isa-isa sa sasakyan nila, mga mayayamang tao, pumasok sila sa isang mansyon na parang safe house, may nakita naman kaming kasama namin sa hawla na nakatakas, agad naman namin sinira ang mga bakal na rehas dahil sa wala namang nag babantay, naka alis na kami sa hawla at nag panggap bilang isa sa mga nakapilang mayaman, maraming pasikot-sikot marami ding mga gwardya, maraming pinto at kwarto, di ko alam pero kinikilabutan ako.

Ang nasa unahan namin ay isang matabang Chinese at may kasamang dalawang batang kambal na siguro ay apat na taong gulang lamang, ng pumasok na ang lalaki at ang dalawang bata sa loob ng silid ay agad naman akong sumilip.





And I saw a breathe taking scene......







Pesa Dilla Where stories live. Discover now