6
May natatanaw na ako na Mall na sira nadin dahil sa marami na itong basag na salamin, madami ding sirang sasakyan na nadadaanan namin.
Pumasok kami sa Mall upang maka-kuha ng can goods dahil maliit nalang daw ang mga pagkain na naiipon namin.
May narinig kaming kaluskos kaya agad kaming tumago sa likod ng mga damitan, tunog ng baril at nag mamaka-awang tao ang aking nakita sa harap ng lalaki, isang sikat na artista pinapatay ang lalaking nag mamaka-awa, pinatay nya Ito dahil sa may dala itong mga dilatang pagkain.
lahat ngayon sa oras na ito wala ng batas, lahat nag papatayan para maka-kain, agad kaming lumisan duon ng makakuha ng sapat na pagakain.
Hindi ko alam kung anong oras na dahil sa kapal ng hamog at medyo kulay red narin ang kalangitan, ilang oras din ang nilakad namin bago may tinuro na isang bahay na sira si kuya Ron.
Malapit na kami sa bahay na tinuro ni kuya Ron ng biglang bumiyak ang lupang aming tinutung-tungan, napatakbo naman kami dahil sa may lumabas na lava mula dito, umu-ulan din ng napaka-lakas, masakit sa balat ang ulan kaya nasusugatan ang aking braso dahil natatamaan Ito ng ulan.
Nagdurugo narin dahil sa lakas ng pag Tama ng ulan sa aking balat, para itong mga blade na pag tumatama sa balat mo ay masusugatan kaagad.
May tumigil na sasakyan sa harap ko at masasabi kong makabagong sasakyan ito, babae at lalaki ang nasa loob, pina-pasok kami ng babae sa loob at sa pag pasok na pag pasok ko ay kaagad akong nawalan ng malay dahil siguro sa sobrang pagod at medyo kulang din sa pahinga.