5 Pesa Dilla

31 13 0
                                    

5



I woke up feeling dizzy and my left shoulder is aching, akala ko ibang panaginip na ngunit ng minulat ko ang aking mga mata.

I'm here again..

I'm with them again, ako ay nag tataka bat ganito ang aking panaginip, bakit ako bumalik dito.

Unang mukha na bumungad sa akin
Ay si kuya Ron, nakahiga ako sa lap nya. sinubukan kong umupo ngunit parang may pumupunit sa aking balikat, inalalayan ako ni kuya Ron umupo ng hawakan ko ang balikat ko ay doon ko lamang napagtanto na tinahi pala ito.

"I didn't punch you, tinamaan ka ng ligaw na bala mag i-isang buwan kang walang malay." Ani nito habang inaayos ang gamit sa babaan nya.

Nasa school bus kami, hinanap ko naman kaagad si ate ng makitang papalapit sa akin ang babaeng tinatawag ko na ate ay agad naman ako nitong niyakap, nag aalala ang mga mata nya, napansin ko ring may dala-dala silang dalawang bag.

Lumabas na kami ng school bus na kanina namin inuukupa, napag alaman ko din na binuhat ako ni kuya Ron sa mag i-isang buwan na yon, kahit masakit ang balikat ay ininda ko nalamang iyon.

"Wala na bang masakit sayo?" Pag tatanong ulit ni ate sa akin at tiningnan ako taas hangang baba.

"Wala." Matipid kong ani

Nagpatuloy kami sa pag lakad at sa lahat ng dinaanan namin puro bangkay. sira na gusali at mga tuyo na, na dugo sobrang lansa at ang iba ay inu-uod, di ko alam pero parang totoo to na pangyayare, ang tahi ko sa balikat ang mabahong amoy ng dugo, at napapagod ako sa pag lalakad.

"Pupunta tayo sa tinitirhan natin ngayon para makalipat ulit tayo." Ani ni kuya Ron

Tumango ako at sinundan silang mag lakad habang hawak parin ni ate ang aking kabilang kamay.




Pesa Dilla Where stories live. Discover now