30: CCTV Footage

32 0 0
                                    

Dean








Mabilis lang natapos ang exams sa unang araw. Finals na nga talaga dahil halos lahat ay cover to cover "Mr. King, paki tulungan naman akong dalhin 'to sa office" utos saakin ng prof namin. Marami kasi ang test papers kaya hindi niya kakayaning buhatin 'yun mag isa


"Ako na sa iba" sabi naman ni Ethan at kinuha ang kalahati saakin. Sumunod na kami sa prof namin papunta sa college department namin at nilapag na ang mga test papers. Nag hintay naman si Daniel saamin

"Thank you Mr. King and Mr. Lee" nag bow kami sa prof 'nang mapatingin ako sa consultation room. Lumabas mula room si Trixie at ang assistant secretary sa aming college. Nag tama pa no'n ang mga mata namin pero agad 'din siyang umiwas at lumabas na ng office

"Kakain ba tayo?" Bungad saamin ni Daniel 'nang lapitan namin siya para makalabas na ng office "dun nalang ulit sa may karendirya" tumango kami ni Ethan no'n at nag simula 'nang mag lakad

"Daniel, wala bang CCTV sa may locker area?" Tanong ko bigla kaya napatingin silang dalawa saakin

"Meron, bakit?"

"Possible kaya na ma-check natin 'yon?" Nag isip si Daniel no'n dahil usually ay security lang ang pwede mag check ng mga CCTV footage sa school

"gusto mong tignan?" Tumango ako no'n at ganoon 'din ang ginawa niya "hindi natin pwede basta basta mache-check ang CCTV footage dahil students lang tayo but kaya kong gawan ng paraan"

"Okay lang ba?" Tanong ko at tumango naman siya

Dali dali na kaming pumunta sa security office no'n at umpisa palang ay hinarang na kami, "sir Daniel, hindi po kayo pwede rito" sabi ng isa sa mga staffs

"Sabi ni dad, alam mo na raw na pupunta ako?" Nag taka naman no'n 'yung staff at parang nag isip "nawawala kasi 'yung cellphone ko at gusto ko makita sa CCTV kung sino ang kumuha"

"Tatlo po talaga kayo sir?"

"Hindi, hihintayin ko sila" sabi ni Ethan at tumango saamin. Good, kailangan ng look out at distraction sa nag babantay para hindi niya mapansin na matagal na kami sa loob. Pinakita ko ang cellphone ko ky Ethan para sabihin na mag text siya kung mayroong something

"Siya kasi nakapansin 'dun sa kumuha kaso 'di niya maalala 'yung mukha" sabi ni Daniel para payagan 'din akong makapasok

"Sige po sir, bilisan niyo nalang ah" dali dali kaming pumasok kung nasaan lahat ng CCTV no'n. Sobrang daming camera at may dalawang nag babantay 'don

"Saan po dito 'yung pwedeng ma-review 'yung mga footage?" Tinuruan naman kami 'nung isang nag babantay no'n at binigyan pa kami ng upuan ni Daniel "ano na Dean?"

Hinawakan ko ang keyboard no'n habang iniisip kung anong date ang ilalagay ko "bago, mapag bintangan si Summer, ang araw na na baril si Yuta" mahina kong sabi at agad na tinayp (type) 'yung date na 'yon

Lumabas lahat ng footage sa iba't ibang CCTVs dito sa school no'n "ito 'yung sa locker area" pag turo ni Daniel sa isa sa mga CCTV. Finast (fast) forward namin 'yon at wala namang odd na nangyari

"How about two days after" sabi ko at nilgay ang date na nasa isip ko "24 hours 'bang gumagana ang CCTV?"

"Halos lahat ng CCTV ay pinapatay na by 8:30PM, pero 'yung CCTV sa labas ng school, sa mga dapartments, at sa ibang areas na tago ay hindi. 'Yung mga CCTV na hindi alam ng lahat na naroon" pag eexplain ni Daniel

There are hidden CCTVs

"Kung talagang may ibang taong gumawa nito kay Summer, I think alam niya ang galawan ng CCTV, but not those who are hidden" tumango ako sa sinabi ni Daniel dahil tama siya

Hinanap namin ang ang camera kung saan tago ang CCTV no'n at agad 'din naming nakita 'yon. 24 hours nga siyang umaandar. 6AM, our school will be open for the students. 5:30AM naman sa mga teachers "sabi ko na may nag pa-plano nito" tumaas ang balahibo ko sa aking braso 'nang may makita akong figure ng isang lalaki sa locker area

"Gumagalaw 'yang CCTV kapag naka-detect ng tao" finast (fast) forward namin ni Daniel 'yon para hintayin na humarap 'yung lalaki pero dali dali siyang bumaba ng hagdan 'nang magawa niya ang maitim niyang balak "shit"


Shit nga talaga

" 'yung araw na nakita ako ni Summer, 'diba galing siya ng school no'n?" Right

"Yes she came home late dahil nag encode siya" dali dali kong nilagay ang date na 'yon. Buti nalang at madali akong makaalala ng mga dates "let's check by 6:30PM"

"Si Trixie 'yan 'diba?" Lumapit si Daniel sa monitor no'n kaya napatingin 'din ako 'don. Si Trixie nga "lumabas na si Summer pero si Trixie hindi"

"That means, hindi tinapos ni Summer ang encoding, probably, Trixie finished it dahil by 7:47PM, 'dun lang siya lumabas" napalunok ako dahil ayokong isipin na estudyante 'din ang may gawa nito kay Summer

"Pero sino 'yung lalaki? Hindi siya naka-uniform ng kung ano 'mang college e" I pursed my lips dahil kahit ako, hindi ko maisip kung sino ba 'yon









"Sabi nila they did a proper investigation? Bakit hindi nila chineck (check) ang CCTV? Tignan mo, mayroon palang ganyan" sabi ni Ethan matapos naming sabihin sakaniya ang mga nakita namin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.









"Sabi nila they did a proper investigation? Bakit hindi nila chineck (check) ang CCTV? Tignan mo, mayroon palang ganyan" sabi ni Ethan matapos naming sabihin sakaniya ang mga nakita namin

"Hindi ko muna sasabihin 'to kay dad because for sure, patitigilin niya tayo sa ginagawa natin dahil matatakot siya na mabahiran ang pangalan ng school and also.... I don't want to ruin our family's school" tumango kami kay Daniel dahil gets namin ang sinasabi niya

"Tama, kailangan muna natin mag ipon pa ng informations dahil hindi 'rin clear kung 'yung lalaki ba ay sa locker talaga ni Summer pumunta. 'Yun ang una nilang iisipin no'n, sure ba tayong locker ni Summer 'yon" sabi ko at sumubo ng pagkain ko. Ngayon lang kami nakakain

"Kung si Trixie ay may gawa nito, she might got help from someone who has higher position in this school" sabi ni Ethan at ang gesture naman si Daniel no'n na 'money-money-lang-yan'

"Naalala mo niyo ba 'yung nakabangga ko si Trixie the day before the start of our final exam?" Nag isip naman silang dalawa no'n at agad 'ding tumango

"Bakit?" Tanong ni Daniel matapos niyang makainom ng tubig

"Nahulog 'yung mga gamit niya no'n 'diba? May napulot akong papel no'n at puro letters lang ang nakasulat" sabi ko

"Letters? Random letters?" Tanong ni Ethan kaya tumango ako

"Tapos 'nung exam natin kanina parang kapareho 'nung letters na nakasulat 'don. I mean 'yung sagot ko kanina, kapareho 'nung mga nasa papel" pag tutuloy ko "iisa lang naman ang exams ng buong mass comm 'diba"

"Baka answer key" nanlaki ang mata ni Ethan no'n at tumango ako. Ayun 'din ang naisip ko

"Kung 'yung sagot mo at 'yung so caled answer key ay pareho, feeling ko perfect ka niyan sa exam" biglang sabi ni Daniel na bumasag sa serious atmosphere namin kaya natawa kami

Someone really planned this

Endless Game [Doyoung / Sejeong] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon