29: A True Friend Knows

28 0 0
                                    

Daniel









Our final examination week have started. Nag patuloy ang lahat matapos 'nang isang eye opening na sinabi ni Summer na nadinig ng buong College of Mass Communication. Pero kahit anong preach pa ng pinaka matalino niyong kaklase o pinaka magaling na tao sa gobyerno, kung lahat ay kurap, wala 'din.

If a lot is doing it, more people will join them. Bandwagon?

Hindi ko alam bakit hindi magawan ng paraan ng tatay ko. Dahil sa walang ebidensya na makakapag tunay na hindi si Summer ang gumawa ng bagay na 'yon, at mas may ebidensya pa na she cheated?

I have always hated school

Bakit nga 'ba ako pumapasok? Ika-nga ni Summer, secured na ang future ko kaya bakit pa?

Pero gusto kong pumasok kasi nandito sila. Nandito ang mga kaibigan ko na kahit kailan hindi umalis sa tabi ko. We even gained an angel.


"Na-review mo na 'to?" Tanong bigla ni Ethan 'nang mapansin niya atang nakatulala lang ako. I feel bad for Ethan and Summer. Kailangan nilang mag pa-alipin sa mga libro para mag tuloy tuloy ang scholarship nila

"Kahit naman bumagsak ako, tagapag-mana parin ako e" huminga ako ng malalim no'n bago ko pa dagdagan ang sinabi ko "kung mataas naman ang makukuha ko, hindi nila iisiping nag aral ako, kasi marami 'nang nakakaalam na anak ako ng may ari ng school 'diba?"

Kapag may nangyayari kay Summer, sobrang nadadala ako. Pakiramdam ko kapatid ko 'yung sinasaktan

Napansin kong sinara ni Ethan ang libro niya at ngumiti saakin "eh ano naman kung anak ka ng may ari ng school? Dapat nga mainggit sila 'diba? Daniel Kang, ang tagapag-mana ng Golden Ring University" sabi niya at may pag hand gesture pa "proud na proud ako kasi kaibigan kita. Alam ko na nag aral ka, alam ko na pinag hirapan mo ang lahat, alam ko na hindi mo basta basta nakuha 'yung scholarship na meron ka, even you're an heir"

Napangiti ako sa sinabi ni Ethan at tumango "I only need a few friends..."

"That will believe on me" pag papatuloy niya sa sinabi ko










Dean









Exam na namin sa isang subject kung saan magkaklase kaming mag ka-kaibigan. It feels so empty na tatlo lang kaming nag hahanda para sa huling exam sa semester na 'to

"Nag memory plus gold ako bago mag review, ewan ko nalang kung hindi pa ako makasagot" narinig kong sabi ni Daniel kaya natawa kami bahagya ni Ethan


"Sakit ng ulo ko, gusto ko ng house and lot" biglang sabi ni Ethan na muling nag patawa saamin. Ibang iba ang first impression ng mga tao sa mga kaibigan kong ito. Maybe until now, iba parin ang tingin nila sakanila. Sabi nga nila, masama tayo sa mata ng ibang tao, but who cares? As long as may taong handang maniwala sayo at isasama ka paangat sa buhay, those words won't matter.

Usually, ang first impression kay Daniel, spoiled brat na gangster sa school. Bad boy ba kung sabihin nila, but in reality, he's a scaredy cat at mabilis siyang mapatawa. Sobrang energetic niya 'din at hindi ka niya hahayaang ma-bored.

Kay Ethan? I didn't had this impression of him but most of the guy students here thinks that kaya siya nakakakuha ng scholarship ay dahil lang sa mukha niya. Some girls wanted to be with him at handa pa talagang mag bayad. For me? When I first saw Ethan, alam ko na isa siyang hard working student. I also had the same impression na seryoso siya pero hindi, sobrang nakakatawa 'din siya

Wendy, she really knows how to hide her pain. She shows how beautiful her smile is at kung gaano ka-positive ang buhay niya. Wendy is the nicest person I've ever met.

Ang impression ng mga tao kay Chanmi? Dumidikit siya sa kung sino ang magaling para masabi na magaling 'din siya. That wasn't my impression of her, unang kita ko palang sakaniya, I know how soft of a person she is. Mahal na mahal niya si Summer. She's too soft, that's why she got hurt by the people's words. Minsan, hindi naiisip ng ibang tao kung gaano kalaki ang epekto ng isang salita sa isang tao


Well, Summer, she smiles a lot. She looks pretty when she makes faces. I love to look at her when she's studying. Her presence makes me feel happy, pero kahit anong ganda mo, anong galing mo, may mga tao paring maiinggit at pipilitin kang hilahin pababa hanggang sa lahat ng mabuti mong nagawa ay nakalimutan na nila


"Mr. King" napatingin ako sa prof ko 'nang may ituro siyang upuan at doon ako pinaupo. Akala ko by apelyido kaya kay Daniel ako tumabi

Tumingin naman ako sa paligid at nakita ko si Daniel na nakaupo sa harap ng teachers table. Talagang ngumiti pa siya at may pag sign of the cross. Papasa 'yan.

Si Ethan naman ay nasa may kabilang gilid, sa tabi ng bintana. Ako, malapit sa unang pintuan ng classroom "Pass the questioners and start answering"

Pagka-pasa saakin ng test paper ay agad ko 'nnag binasa ang instructions. Multiple choice ang unang test. Binasa ko ang tanong mula sa number 1 hanggang number 5 para isahang sulat nalang 'nang may mapansin ako sa sagot ko.

These letters seems familiar. I'm pretty sure I saw these patterns somewhere

Endless Game [Doyoung / Sejeong] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon