Our Little Infinity

2.5K 9 1
                                    

"Naniniwala ka ba sa forever?"

"Shit!" umupo ako sabay lapag ng bag sa mesa.  "Seriously! Forever?"

Umupo ang baliw kong bestfriend sa harap ko. "Oo. Forever. Eternal Love. Infinity." at talagang may stress pa kada syllable ah.

"Sa tingin mo naniniwala ako diyan?"

"Ewan sa'yo. Kaya nga tinatanong di ba?!"

"Gaga! 2 years akong naghintay tapos maniniwala akong may forever."

Ngumiti siya. "Bitter ka pa rin talaga kay Cris."

"Hindi no. Bakit ko naman siya pag aaksayahan ng panahon para isipin pa after niya akong paasahin ng almost two years."

"Sinabi ko naman kasi sa'yong bakla yun."

"Hindi nga siya bakla. Ang gwapo niya namang bakla no. Sabi niya nga study first."

"Sus. Naniwala ka naman. Ang totoo kasi niyan, naglalandian lang kayo. Ikaw naman itong si tanga. Nilandi. Nainlove. Nagexpect. Ayun nasaktan."

I sighed. Bakit pa kasi kailangang siya ang pag-usapan. "Pwede mag-order ka na lang ng makakain natin bago ko pa ipasak 'tong cellphone ko sa bibig mo."

Tumawa siya. "Oo na. Magmuni ka muna diyan. Mahaba pa ang susuungin kong pila." kinuha niya ang inabot kong 50 pesos.

"Kung ano ba yung sakin. Yun rin ba sayo?!"

Tumango ako at tsaka na siya naglakad papunta sa pila.

Nilaro-laro ko yung minion design na ballpen sa kamay ko habang nakikinig ng music mula sa iPod.

Habang hinihintay ko si Camille sa pagoorder. Muling bumalik sa alaala ko ang almost 2 years namin ni Cris.

Panira kasing I Swear This Time I Mean It na kantang to ng Mayday Parade. Naalala ko na naman siya at lahat ng tungkol sa little infinity naming dalawa.

Ibinagsak ko sa kama ang cellphone ko matapos kong ibaba ang tawag ni Rico. Nakakainis na siya. Lagi na lang siyang ganito. Sobrang nasasakal na ako. Sobrang nahihirapan na ako sa relasyon namin.

"Ano ba?! Sinabi ko naman kasi sayong mga kaibigan ko lang ang kasama ko. Wala ka bang tiwala sakin?"

"Syempre meron. Pero kahit na. Ayokong lagi kang nasa labas. Ayokong may iba kang lalaking kasama. Gusto ko ako lang."

"Rico. Ano ba! Eto na naman tayo. Nagpapaka-childish ka na naman. Sinabi ko nga sayong ikaw lang. Hindi pa ba sapat yun."

"Pagkatapos ng klase mo. Umuwi ka na. Diretso agad sa boarding house mo. Naiintindihan mo ba!"

Hindi ko alam pero noong nasa iisang campus pa kami hindi naman siya ganito. Hindi naman siya possessive. Pero nagbago siya. Nagbago ang pakikitungo niya sakin ng mag college ako at maiwan siya sa high school. Masaya ako noong una dahil ramdam ko na nag aalala lang siya sa kalagayan ko pero ng tumagal nakakasakal na. Yung tipong parang wala akong ginagawang maganda.

Pinulot kong muli ang cellphone ko. Iniscan ang contacts. Ayoko na munang isipin si Rico.

Cris... 0906*******

Eto nga yung number ng kaibigan ng kaklase ko. Matext nga.

'Hi!'

'Sino po ito?' nagreply siya.

'Carmi po. Yung classmate ni Rave.'

'Ah. Oo. Hello :) Kumusta'

'Okay naman. Ikaw? Ano nga pala full name mo?'

Mga Kwentong May Hugot (short stories compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon