"Twiny, sabi ko naman kasi sayo. Ienjoy mo lang."
"Nageenjoy naman ako di ba? Pero natatakot kasi ako kung dumating na doon sa point na maiinlove ako sa kanya."
"Iniisip mo kasing masasaktan ka agad. Akala ko ba inienjoy mo lang?"
I know for a fact na sobrang sensitive ako sa lahat ng bagay. At ang ayoko sa lahat, yung hindi sumasabay sa trip ko.
"Hoy! Bakit hindi ka kumikibo. Akala ko ba aakyat tayo?" liningon ko si Al habang nakasandal ang pwetan sa motor niya at naka-akbay sakin.
Hindi siya sumagot.
"Ano ba?! Bakit ang tahimik mo."
"Wala." he looked away.
"Ang arte mo." inalis ko ang kamay niya at naglakad ako palayo.
"Camille. Camille." hinila niya ang braso ko dahilan para mahinto ako sa paglalakad.
"Ano ba?! Tinatanong kita tapos hindi ka sumasagot. Ano bang problema mo? Kung ayaw mo na. Eh di fine."
"Gusto nga kasi kita."
"Ang sensitive mo. Bahala ka nga!" inalis ko yung kamay niya sa braso ko at nagpatuloy maglakad.
Nagbeep ang cellphone ko.
From: Al.
Hindi kita magets. Umuwi na nga tayo.
Nakakainis. Siya itong hindi ko magets tapos sasabihin niyang ako yung di niya magets. Ang labo talaga ng lalaking 'to.
Bumalik ako sa may motor niya kung saan siya nakaupo.
"Umuwi na nga tayo." Saad ko sabay angkas sa motor nya.
Ang totoo niyan, hindi naman talaga ganito. Pero hindi ko alam. One week pa lang kaming magkakilala pero parang ang labo na na magkaroon ng 'kami'. One week pa lang kaming magkakilala pero away na kami ng away.
Hindi naman talaga siya pikonin, kaya nga nagustuhan ko siya kasi sweet naman talaga siya.
Noong 2nd day na magkakilala kami, sumama pa siya sakin uminum kaasama ang barkada ko para lang daw may magbantay sakin kung sakaling malasing ako.
"Oh!" Ipinatong niya ang suot niyang jacket kanina sa hita ko.
"Iinum ka tapos ganyan ang suot mo. Sa susunod wag ka ng magshoshorts."
Ngumiti ako. Hindi ko alam na meron pala siyang ganung side.
He never fail to surprise me with his other side kahit konting panahon pa lan kaming magkakilala.
"Ano ba!"
Ginulo niya ang buhok ko. "Susunduin kita after ng klase mo ah. May pupuntahan tayo."
"Saan naman!?"
"Basta. Sige na pumasok ka na." Ginulo niya na naman ang buhok ko.
Ngumiti ako bago tuluyang pumasok sa loob ng school building. Ang toto niyan gusto ko ng sumigaw sa sobrang kilig. Of all people na kilala ko, siya lang yung taong hindi ako nagagalit pag-ginugulo ang buhok ko.
Umangkas ako sa motor niya at humawak sa braso niya. "Tara na!"
Hinawakan niya ang kamay ko mula s harapan at inilagay ito sa bewang niya. "Kumapit ka sa bewang ko. Wag sa balikat."
Pinulupot ko ang dalawang kamay ko sa bewang niya at tsaka umandar ang motor.
"Anong ginagawa natin dito!?" Tanong ko sa kanya matapos kaming tumigil sa isang usual parking area sa lungsod.
"Kakain tayo sa hepa-lane. Sorry ah. Dito ko lang kaya. Hndi naman kasi kami mayaman." Nagpout pa siya.
Pinisil ko ang cheeks niya. "Okay lang. Hindi naman importante kung saan tayo kumain e."
Ngumiti siya."Alam ko naman yun ee. Ang mahalaga magkasama tayo. Halika na nga." Tsaka niya ako inakbayan at pumunta kami sa mga stalls sa street.
"CAMILLE!"
"Bakit mami!?"
"Ubusin mo na nga yung tsokolate sa mesa habang mainit pa. Hindi yung nakatunganga ka diyan sa cellphone mo."
"Eh ang init pa e."
"Mas masarap nga yung mainit pa. Paglumamig na yan wala na siyang lasa, hindi na masarap."
Biglang nagtext si Al.
"Miss na kita. Pwede ba kita puntahan sainyo!?"
"Hala. Wag na. Magkita na lang tayo mamaya after ng pasok ko."
"Okay. I love you."
"Thank you."
We almost knew each other for a week. Pinayagan ko siya manligaw. Pero hindi ko pa rin makuhang sumagot ng I love you too. I like him and it's too far for me to feel more than that.
"Pero, nagbabago ang lahat, Camille. Ngayong lagi kayong nag-aaway mas lalo mong nararamdaman na mahalga siya sayo."
"Pero kasi natatakot ako. Pag napipikon siya. I always beg for him. Lagi ko siyang plini-please. Minsan hindi niya magets na joke lang yun. Should I stop before this gets worse?"
"Masaya ka pa ba sa kung anong meron kayo."
"Oo."
"Eh di push. Hanggat nageenjoy ka pa, go lang. Wag kang magdedecide na mga bagay na pagsisihan mo sa huli."
Tama nga sila. Hindi ako nagsisi dahil after almost two weeks, sinagot ko na siya. Mahal ko na siya, naniniwala kasi ako na hindi pagliligawan ang pinatagal, relasyon.
"Sabi niya hindi niya ako sasaktan pero hindi daw siya magpropromise. Ano bang ibig sabihin nya nun.?!"
"Ganun naman talaga sa isang relasyon di ba? Sinabi miya yung hindi siya makakagpromise dahil at some point hindi niyo maiiwasan magkasakitan. Ang importante sinabi niya hindi ka niya sasaktan. Sapat na yun para ipakita niyang mahal ka niya. Promises are cliche, it always bound to be broken."
Minsan nasasaktan ako the way he act, sbrang sensitive niya. Ako yung adjust ng adjust.
"And that makes your relationship worthwhile. Kung parehas kayong magpapataasan ng pride. Walang mangyayari. Pero dahil mahal mo siya, you take the risk of adjusting to him. Love is about taking risks while enjoying the momentum."
Ang isang tasa ng mainit na tsokolate na pinainum sakin ng lola ko taught me about relationship and love.
Ang isang relasyon parang isang tasang mainit na tsokolate, inumin mo na habang mainit pa, lasapin mo na habang nakakapaso pa. Minsan kasi kailangan mo mapaso, kailangan mo maramdaman yung sakit para maramdaman mong nagmamahal ka. At the end of the act of drinking hot chocolate doon mo marerealoze na worth it yung paso at init dahil ang importante naramdaman mo at masarap. Dahil paglumamig na ang tsokolate, wala ng lasa, wala ng sense, wala ng sarap at the end, parang relasyon.
Kaya okay lang mapaso, okay lang masaktan, okay lang mag adjust sa taong mahal mo. Dahil mahal mo yun. Saktan ka man nila, ang importante hindi ka nanakit.
Erase the what-ifs and buts na maaaring magpalamig ng isang tasa ng mainit na tsokolateng meron kayo.
Keep the heat up!
He kissed me and I tasted the chocolate in his lips. I love him and I couldn't wish for more.
#HugotStoriesIsangTasangMainitnaTsokolate
BINABASA MO ANG
Mga Kwentong May Hugot (short stories compilation)
HumorNaranasan mo na bang... Lumandi? Umasa? Mag-assume? Magpakatanga? Umibig at masaktan? Alam kong OO ang sagot mo! Pwes, oras na para basahin mo ang mga kwentong magbibigay aral sa buhay pag-ibig mo. Pramis, masaya 'to, nakakaiyak at nakakaloka. Based...