PART TWELVE

0 0 0
                                    

Beatrice'Pov,

Simula nung umamin si xack sa akin.
sa bahay na nila ko tumira.
Oo dito na nila ko pinatuloy
Nung una hindi ako napayag kasi nakakahiya sa magulang ni xack.
Kababae kong tao nakikitira ko sa boyfriend ko.
Yes official na kami ni xack.
Nung una kinakabahan ako maraming katanungan at hindi mawala walang takot sa dibdib dahil hindi pa kami ok ni mama. wala pa kong lakas ng loob para kausapin at umuwi sa lugar namin.
Friday ngayon kaya maaga kaming nagising ni xack.

Mga mamsh. Hindi kami magka tabe ni xack ha. Hehe. Nasa kama ako at sya naman ay sa baba.
Mas gusto raw ni xack sa baba kasi malamig pero kapag nakikita ko sya nangangatog sa lamig hahaha.
gentleman eh.
At yung mga magulang ni xack wala dito nasa america.
Nakita ko na sila sa Video call sa cellphone ni xack .
Ang ganda ng mama niya . ganun narin yung kapatid nyang si Xylene may lahi silang American.
Kaya mapuputit makikinis sila.

" Wifey, are you ready?

" uhm. Hindi pa husby eh. Onti nalang matatapos na.

" ok wait kita sa kusina. bumaba kana lang wifey ko. . Sabay ng pag kindat neto.

" oho ser. Ay husby hahaha.

Tatlo lang kami nila xack dito sa bahay nato.
Nalibot ko na sya. Grabe sobrang laki.
Mansyon na yata to eh.
May six bedrooms and five guest rooms. Akala moy hotel sa dami ng kwarto.

Nag handa nako para bumaba.
Ito yung third day ko sa bahay nato.
nung una nangangapa pako. But nasanay narin ng mag tagal.

Napag usapan na nga namin ni xack si Angel.  Naging ok naman ang lahat kaso may part sa puso ko na pangangamba.

FLASHYBACK.

" Paano na si angel. Diba mahal mo pa sya?

" no. hindi ko na sya mahal.

" uhm. Kasi hindi parin maalis dyan sa isip mo si angel . natatakot kase ako na baka hindi ko maalis dyan sa puso mo yung babaeng iningatan at inalagaan mo ng taon.

" Bea. Listen to me ok.
Si Angela ay ala ala nalang sakin.
Oo aaminin ko nasa isip ko pa sya dahil nga yung memories nya sakin. but gusto kong tulungan mo ko para mawala sya sa isip ko. please.

" uhm. Hindi ko alam. bastat gagawin ko yung best ko .

"Thanks. pangako ko sayo hindi kita sasaktan at iiwan ayokong iparamdam sayo yung mga bagay na hindi mo diserve maranasan. mahal na mahal kita Bea . sana paniwalaan mo lahat ng sinasabi ko sayo.

" Uhm. Sigi.

" ahh. Bea. May question ako .

"Ano yun?

" may problema kaba? Kasi three weeks ka ng hindi pumapasok . tapos nag lasing kapa kagabe.

Hindi ko na talaga kayang pigilan ang luha ko. Sa puntong ito umagos na yung luhang gusto ng kumawala kanina pa.
Hinawakan naman ni xack ang dalwa kong kamay at hinalikan ito .

" Kasi. "Sob" si mama pinalayas ako samin.

" but why? . Kunot noo nitong tanong.

" kasi *sob* nag away kami .

" then ?

Huminga muna ko ng malalim para masabe ko sa kanya ng maayos. sasabihin ko lahat ng mga nangyare ayoko ng secrets. ang bigat na ng dibdib ko. Gusto ko na rin lumaya sa sakit.

" uhmmm. naalala muba nung last na hinatid mo ko samin?

" yes.

" Pauwi na ko ng marinig kong pinag chichismisan ako ng kapit bahay namin. *sob* sinabe nilang may boyfriend raw akong tomboy . At hinuhuthutan ko lamang raw to. nag pintig yung dalwa kong tenga. kahit na mas matanda sila sakin sinagot ko sila. *sob* ayoko kasing pinag uusapan ako lalo nat mali. ang mas masakit dun *sob*

Hindi ko na mapigilan yung luha ko humagulgul nako sa sobrang galit.
Tahimik at kunot ang nuo ni xack ng tignan ako neto.

" s-si mama *sob* kinalat na piniperahan raw kita. na gagaya raw ako kay papa. *sob*

Kwenento ko yung nangyari kay papat mama. Kung bakit galit na galit si mama sa mga tomboy.
Nung una nagagalit si xack dahil hindi naman lahat raw ng tomboy ay napatol sa lalaki. may ibat ibang kasarian raw ang mga to.
Sadyang hindi alam nung naka relasyon ni papa na straight ba syang Lesbian. si xack ay isang straight na Lesbian. tinanong ko sya kung naaatract sya sa malalaking katawan.
Hindi raw. maaari paraw na magka gusto sya sa mga transwoman yung beki na nag patanggal ng potutoy and nag palagay ng vagina. kasi sure na babae raw to kahit na retokada.
Halata rin kay xack ang pagka diri sa mga lalaki.

" i promise na gagawa ako ng paraan para maalis yung masamang tingin ng mama mo sa aming mga Lesbian. bastat mag tiwala kalang sa akin.

" uhm . Opo. Uhmm

"Thanks..
At niyakap ako ni xack. Ngayon gumaan ang pakiramdam ko dahil nabawasan yung sakit na dinadala ko.
I promise rin na gagawin ko lahat para sa kanya no matter what.

End.

'Senorita, tawag naraw po kayo ni ser xack. kakain naraw po.... Pag tawag saakin ni Yaya Ysabell. Nakaka madam naman yung senorita. Humarap ako kay yaya Ysabell.

"Uhm. Ate . Pwede po bang tawagin nyo nalang akong Bea kasi po hindi ako sanay na tinatawag na ganun. Tyaka hindi po ako yung amo nyo.

" sabe po ni ser xack yun senorita.

"Ako nalang po ang kakausap sa kanya basta pong wag ng senorita. please.

"Opo seno ay Bea hehe.

"Salamat po ate Ysabell.

" Nanay nalang iha.

"Aww. Thanks again Nanay.

Kaya mabilis akong naging komportable sa bahay nato dahil mababait lahat ng mga katulong nila dito.
Nakita kong nakaupo na yung magkapatid.

" Ate Babie. lets eat.

" Xy, Bea not Barbie ok.

" kuya hindi naman naglalayo iyun. tyaka kamukha naman nya si barbie eh.

" ewan ko sayo xy. kumaen kana nga dyan.

" haha. ang cute nyong dalwa.
Okay lang sakin na barbie itawag mo sakin xy. ang cute ko kasi xack kaya naapriciate lang ng kapatid mo hahahaha.

" psh. totoo naman na mukha kang barbie eh. ayoko lang ng pronouncesation nya. Dapat barbie not BABIE.

HAHAHAHAHAHA. .. Sabay kaming napatawa ni Xy ng mag boses si xack ng pang babae. Hahahaha. nakakatawa sya. para syang bakla.
Si xack kasi ay boses lalaki. Like KayeCal.hindi sya umiinom ng pang palaki ng voice since birth ganun na sya. Then si Xylene may accent kaya hindi mo maiintindihan minsan yung sinasabe nya.

" Lets Eat. Malelate na tayo.

"Opo. ..
Sabay naming sagot ni Xylene.
Habang natatawa kaming nagtinginan. ang cute ng husby ko.

# NEXT CHAPTER GUYS

FORGET AND FORGIVE (GxG)Where stories live. Discover now