My Ears Are Open

143 14 2
                                    



Nasa room na kami ngayon at nag aantay sa susunod na prof namin. Kanina pa yung time niya pero wala pa rin siya at alam na namin kung bakit wala pa siya.

"Jax, nagugutom ako" hindi ko pinansin si matt, dahil hindi naman bago yun. Lagi siyang gutom akala mo may alaga siya sa tyan. Lagi pang kumakain yan sa klase kahit may mga teacher na nag tuturo wala kasing nakakapigil sa gutom nya. Sinukuan na rin siya ng mga teacher kaka saway dahil di nya naman sinusunod hahaha

"Kain tayo, jaaaaax" tsk tsk pang aaya nya na akala mo bata at ako ang tatay nya.

"Ako rin, nagugutom nako. Kain muna tayo, matagal pa naman si sir." at eto pa ang isa sa si Bryle, parehas talaga sila ni matt laging gutom. Pero ang pinag kaiba lang nila si Matt malaman si Bryle naubusan ng laman.

"Kakakain lang natin kanina, gutom nanaman kayo?" tanong ko sakanila.

"Syempre, mabilis lang matunaw yung pagkain sa tummy namin" Sabay nilang sinabi. Mapag kakamalan mo nga silang kambal dahil lagi silang parehas ng sinasabi.

At dahil talo ako, nag lalakad na kami papuntang canteen ng makita ko si sir na nag lalakad papunta samin. Hinila ko silang dalawa para mag tago sa pinto ng canteen.

"Si sir yun ah!" sigaw ni matt kaya agad kong tinakpan bunganga nya. Buti na lang di narinig ni sir.

"Bat parang ang bilis nya naman?" takang tanong ni matt. Kasi kapag gantong oras nasa kabilang building pa si sir.

"Bumibilis na yata" natatawang sabi ni Bryle.

Nalagpasan na kami ni sir kaya dumiretso na kami sa canteen para makabili ng pag kain.

"Dalhin nyo na lang sa room yan, baka maunahan tayo ni sir" suway ko sakanilang dalawa.

"Bakit? Natatakot ka? Eh baka nga kahit maubos na namin to dito e maunahan pa natin si sir sa room" oo nga no? pero parang bumibilis si sir.

"Bilisin nyo lang"

Kumain na silang dalawa, hindi nako bumili kasi busog pako at di ako katulad ng dalawang 'to na parating gutom.

Mga 10 minutes din silang kumain kaya nag madali na kaming umakyat sa room para maunahan si sir. Sa kabilang hagdan na kami dumaan para di nya kami makita.

Binuksan namin ang pinto at laking gulat namin na andun na si sir at nag sisimula na mag turo. Dahan dahan kaming pumasok at payukong pumunta sa mga sariling upuan. Pag ka upo namin nakita namin si sir na nakatingin samin kaya nag tawanan ang mga kaklase namin.

"Akala nyo ba hindi ko kayo nakita?" natatawang sabi ni sir, okay naman 'tong prof dahil nakiki sabay din sya samin sa mga tawanan. hindi sya terror. Mabagal lang talaga sya maglakad dahil sa katandaan na rin.

"Nagutom, sir eh hahaha" sabay kindat ni matt dito.

"Kelan ka ba nabusog matt?" sabay sabay nag tawanan mga kaklase ko syempre kasama ako don bwahahahaha.

"Tss" bulong ni matt. Pumunta na kami sa mga sarili naming upuan at nag simula na mag turo si sir. Mahirap yung subject nya pero mukhang madali lang dahil magaling sya mag turo at lahat ng katanungan sa isip mo, nabibigyan nya ng sagot kahit hindi mo pa naitatanong sakanya.

"Okay, class dismissed" Aniya at lumabas na. Siya na yung last subject ko para sa araw na 'to.

Silla matt  may 2 subjects pa, di rin kasi kami tugma ng schedule. Apat na subjects lang kami mag kakaklase. "Una nako, pre." paalam ko sakanila at tinahak na ang daan papuntang trabaho.

"Oh jax, ang aga mo yata?" takang tanong ni nate.

"Maaga kasi dismissal e."

"Nga pala, may nag iwan ng sulat dito para sayo daw."

"Para sakin? Sino naman daw yun?" sila ba yun? Gusto ata talaga makipag laro.

"Hindi ko kilala. Babae na matangkad" sabay abot ni Nate ng sobre.

"Salamat, mag papalit muna ko" pag papaalam ko rito at pumunta na sa room namin kung saan ang staff lang pwede pumasok. Binuksan ko ang sobre dahil walang pangalan na nakalagay sa labbas.

"Let's start the game, Jax." she really want to play huh? gamit dugo ang ipinang sulat dito. So gross

Itinabi ko na lang ito sa locker ko at nag bihis na para matulungan si nate.

"Anong nakasulat?" bungad ni nate sakin, mukhang curious din sya.

"Gusto nya makipag laro." alam ni nate ang mga gawain ko noon, dahil kasama ko siya dati.

"Babalik ka nanaman ba?" matagal na kasi kaming tumigil dun. Dahil gusto na lang namin mabuhay ng tahimik

"Depende." i saw him sigh.

"Mag ingat ka lang, Jax. Mukhang iba yang nag aaya sayo ngayon." pag papaalala nito at saka umalis papuntang staff room.

Alam kong iba to ngayon. Dahil sila mismo ang pumupunta para mang aya ng laro, hindi ko rin pwedeng tanggihan dahil pinupuntahan na nila ako sa bahay at ngayon sa trabaho ko. Kung gusto nila ng laro, ibibigay ko hindi naman ako madamot.

"May happy card po kayo ma'am?" tanong ko sa isang customer.

"Wala, jax" kilala nya ko? wala naman akong nametag na suot ngayon.

Agad ko siyang dinapuan ng tingin at nakangiti ito. "Shocked?" she asked.

i shrugged " I don't, You're pretty huh" Her smiles fade.

"Want to hear something?"

"My ears are open for your stories." i winked at her.

"There's someone whom you loved the most lost .. his fingers" she smirk and leaves my hanging.

Tumakbo na agad ako palabas ng marinig si nate na sumigaw "San ka pupunta?"hindi ko na pinansin si nate at dumiretso na papuntang bahay. Hindi ko alam kung nagbibiro lang sya o hindi pero kailangan kong masigurado ang sinasabi nya.

Pag karating ko sa bahay agad kong hinanap si papay na nakayuko at may tinitignan sa baba, agad ko siyang nilapitan at sinigurado ang kalagayan. Kinuha ko agad ang kamay nya para tignan kung naputol pati mga daliri sa paa. Walang naputol sa lahat.

Nakahinga ako bg maluwag ng makita okay si papay na kanina pa nag tataka at nag tatanong kung anong meron. "Ano bang nangyayare, anak?" hindi ko na lang pinansin si papa at agad na pumasok sa kwarto ko.

Well played huh. You got me.

Agad na tumunog ang phone ko hudyat na may nag text. Kinuha ko ito at binuksan ang mensahe.

"I got you there. Let's play more"

Black Collection Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon