PROLOGUE

677 21 0
                                    


" Hurry up, Marco! Ivory's waiting for us!"

Saglit na nilingon ni Marco ang barkadang si Rainier Seth na nasa loob ng dala nitong pick up. Kasama nito sina Cindy at Grant na nakaupo sa backseat at tila naiinip na kakahintay sa kanya.

" I know,"pasigaw na sagot niya at halos takbuhin na papasok ang malaking bahay. Naiwan niya ang gift niya para sa kapatid ni Rainier na si Ivy at ngayon nga'y kailangan nilang bumalik sa bahay para kunin iyon imbes na dumiretso na lang sa bahay nina Rainier galing ng Saint Joseph College kung saan sila nag-aaral sa high school department bilang mga sophomore students maliban kay Cindy na grade five pa lang at kaklase ni Ivy.

Patakbo na ang ginawa niyang pag-akyat sa malaking hagdan patungong second floor ng bahay kung saan naroon ang kanyang silid. He didn't want to cause any delay dahil siguradong magtatampo si Ivy sa kanila kapag nahuli sila ng dating. Ivy's three years younger than them at nag-aaral sa elementary department ng parehong escuelahan na pinapasukan nila.

Mabilis niyang binuksan ang silid at kinuha ang nakabalot na regalo sa night table. Agad siyang lumabas ng silid at bababa na sana nang mapadaan sa silid ng mga magulang. Medyo nakaawang ang pinto at mula sa labas ay kita niya ang kanyang mommy Francisca na nakatayo sa harap ng nakabukas na bintana na tila lagpas sa malawak na bakuran ang tanaw. At gaya ng dati, hawak nito ang isang larawan na kahit hindi iyon kita ni Marco sa mga oras na iyon ay alam niya kung sinu-sino ang mga nandun.

Hindi namalayan ng binatilyo na napakuyom na pala siya at medyo nalukot ng konti ang wrap ng hawak na regalo. He cursed in his mind. Nagagalit siya sa mga magulang. He's angry for his mom's love and patience with Martin, his dad. Sure, he tried to hide his affairs pero kilala sila sa buong San Jose kaya alam niyang alam ng mommy iyon mommy niya ang mga usap-usapan tungkol sa kung sinu-sinong babae ang katagpo ng asawa. Pero sa hindi malamang dahilan ni Marco ay ni hindi niya narinig minsan man na sinaway ng kanyang mama ang asawa.

Pumasok si Marco sa loob ng silid ng mga magulang. He just couldn't let his mom have a petty party for herself. Gusto niyang ipaalala dito na siya si Francisca Garcia- Vallarta, isa sa pinakamayamang babae ng San Jose o ng buong Leyte kung tutuusin. Hindi ito dapat magmukmok sa loob at hayaang saktan ni Martin dahil sa mga kalokohan nito.

" Mom..."

Nakita niyang mabilis na pinahid ni Francisca ang mga luha nito bago siya nilingon. Ang hawak nitong litrato na nakita na niya noong isang buwan nang hindi sinasadya ay mabilis na ipinasok sa bulsa ng suot nitong maong pants. Hindi mapigilang mapatiim-bagang ni Marco nang maalala kung sino ang mga nasa larawan. 

" You want to tell me about it?," mahinahon ang kanyang tinig na kabaliktaran ng tunay niyang nararamdaman sa mga oras na iyon. Patuloy pa rin ang mahigpit na hawak niya sa regalo na nakalimutan na niyang siyang dahilan ng kanyang pagmamadali kani-kanina lang.

Isang tipid na ngiti ang ibinigay ni Francisca sa kanya at umiling. " Walang dapat na ikwento, Marco. Not this time."

He took a deep breath to calm himself. Ganito ba talaga kamahal ng kanyang ina ang kanyang ama na kaya nitong pagtakpan ang mga pagkakamali nito?

" I know what's going on, mom. People talk a lot about-"

Isang pilit na tawa ang ibinigay ni Francisca sa kanya at agad na humarap ulit sa nakabukas na bintana at nanungaw doon. Halatang ayaw salubungin ng ina ang kanyang mga mata.

" You've been listening to gossips, Marco Vallarta and that will not make you the best lawyer in this town. You will need solid proof than just mere rumors."

" Wala ka bang gagawin? Hahayaan mo na lang ba si daddy sa mga kalokohan niya?"

" Walang ginagawang masama ang daddy mo, Marco! He's been the best husband and father we both could ask for!"

" But that's not what I'm seeing right now. He's hurting you, mom!"

Nilingon siya nito at nakita niya ang pamumuo ng mga luha sa mga mata nito. Tama ba na ipilit dito ang topic na iyon na alam niyang ayaw pag-usapan ng kanyang ina? Did he cross the line?

Marahang umiling ang kanyang mommy Francisca. " May mga uri ng pag-ibig na hindi mo pa nakilala, Marco. Pagdating ng araw na makilala mo sila, sana ay handa kang tanggapin at intindihin ang mga iyon gaya ng ginagawa ng ama mo."

Sasagot sana siya pero ang malakas na busina mula sa sasakyan ni Rainier ang nagpaalala sa kanya sa dahilan kung bakit siya bumalik sa bahay imbes na dumiretso sa San Simon pagkatapos ng klase.

"Your friends are waiting, son. Go on now. Enjoy the party and come home early," ani Francsica na para bang gusto nitong tapusin ang kanilang usapan.

He took a deep breath before he started to walk toward his mom and gave her a kiss on the forehead. " A love in any form is still love, mom. I will go now."

Pinagmasdan ni Francsica ang paglabas ng anak mula sa silid. Isang malungkot na tingin ang isinunod niya sa binatilyo na para bang mas mature na ito kaysa sa kasalukuyang edad na labing-apat. Piping ipinagdasal na sana ay nakahanda ang anak sa kung anuman ang malalaman nito sa takdang panahon...

AETERNUM SERIES 1: A TWIST OF FATE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon