Chapter 2

4.8K 97 11
                                    

"BRAD buhay ka pa ba?"

Agad siyang napatingin kay Rhino ng magsalita ito. "H..ha?"

"Kanina ka pa tulala. Parang kang nakakita ng multo."

Dahil sa sinabi nito, naalala na naman niya ang nangyari kanina. He's sure as hell that it's her. But what happened? Why can't she recognized him?

"Hoy!"

"What?" Nagtatakang tanong niya kay Ranz.

Umiling naman ito. "Ano bang nangyayari sa'yo?"

"Nothing." Sagot niya sabay inom ng beer.

"Uh? Girls? I think we should hang out some other time." Ani Lander saka siya inakbayan. "You see, this guy has something important to say."

"What? Pinaghintay niyo kami ng sobrang tagal tapos paaalisin din lang?!" Inis na sabi no'ng isa.

"I'm sorry about that. I'll just call you for out next meet up." Sagot ni Rhino pero tinignan lang ito ng masama no'ng isa. "No need. Because we never want to see your faces again." Hinatak na nito ang mga kasamahan. "Lets go girls."

Rhino smirked. "Well, not our lost."

"So what happened?" Nagulat siya hindi dahil sa tanong kundi dahil sa mga nagtanong.

"What the hell are you doing here?" Takhang tanong ni Rhino sa mga biglang pumasok na sina Xander, Kade at Adrian.

"Pambihira. Ang talas ng pandinig niyo ah. Kahit ilang kilometro ang layo basta chismis naririnig niyo." Iiling-iling na sabi ni Lander.

"I texted them." Si Ranz ang sumagot sabay ngiti ng alanganin. Tinignan naman nila ito ng masama.

"So ano ngang problema?" Tanong ni Kade pagkaupo nila.

Umiling si Rhino. "Mga chismoso. Buti pinayagan kayong lumabas."

"Anong tingin mo sa'min under? Psh! Kami ang batas." Sagot naman ni Adrian at nagbukas ng beer na iinumin pero hindi natuloy dahil may biglang nagbukas ng pintuan ng VIP room.

"Hi." She waved her hands to them then diverted her gaze to Adrian who immediately drop the beer on his hand and smiled at her sweetly.

"You only have one hour." Paalala nito sa asawa na agad namang tumango. "Yes ma'am."

Ngumiti ito at tinignan na naman silang muli. "I gotta go. Enjoy!" Anito at sinara na ang pintuan.

Pagkaalis nito, agad silang napangisi at tinignan si Adrian na pulang-pula na.

"Batas pala ah?" Kantiyaw niya.

"Hindi rin daw under brad." Gatong naman ni Rhino.

"Sobrang under lang." Sabi naman ni Ranz at sabay-sabay silang nagtawanan.

"Mga ugok! Sige tumawa lang kayo. Pasasaan ba't mararanasan niyo rin ang ganito. At kapag 'yon mangyari, hindi lang tawa ang aabutin niyo sa'kin." Matalim ang tingin na sagot ni Adrian.

"That's not gonna happen." Sagot naman ni Rhino na natatawa pa rin.

Umiling na lang si Adrian at tinignan siya. "Ano nga ba 'yong problema mo?"

Tumahimik ang lahat at tinignan siya ng seryoso.

"I saw her." Simpleng sagot niya.

"Who?" Sabay-sabay na tanong ng mga ito.

"Rose-Anne." Naibuga ni Rhino ang iniinom nitong beer at sa kasamaang palad sa mukha niya talaga tumama.

Tinignan niya ito ng masama. Na agad namang tumayo at kumuha ng tissue pamunas sa mukha niya. "Sayang ang beer. Dilaan ko na lang kaya brad." Seryosong saad nito habang pinupunasan siya. Mabilis naman niyang hinablot ang tissue sa kamay nito. "Tangina mo! Ang bakla mo! Bumalik ka nga nga do'n sa upuan mo!" Inis na aniya na tinawanan lang naman nito. "Nagsasuggest lang naman. Galit agad? Edi kung ayaw mo di 'wag." Sagot pa ng gago kaya mas lalong tumalim ang tingin niya dito.

Strangers Again [COMPLETED] - PUBLISHED UNDER NOVELAHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon