Chapter 4

3.8K 78 5
                                    

BEING the secretary of Jesther for a week is like a death to Anne. Napakarami nitong inuutos na mabibilang niya kung ilang minuto lang siya umupo sa isang araw.

"Have you finished revising the file I gave you?" Napabaling siya ng tingin ng magsalita si Jesther.

"Not yet. I'm still working on the file from Engineering." Sabi niya habang patuloy sa pag-eencode.

"Damn! Didn't I tell you that I needed that asap!" Nagulat siya ng bigla itong sumigaw.

"And you said you needed this too. ASAP." Mariing aniya.

"Yes I needed everything asap. So can't you work a little faster." Sagot nito habang nakatingin sa kanya ng masama.

Padabog siyang tumayo saka naglakad patungo sa mesa nito at hinampas ng malakas na ikinagulat nito.

"What the hell?!"

Tinignan niya ito ng masama. "What the hell mo mukha mo!"

"What the fuck?! Did you just talk back at your boss?" Kunot-noong tanong nito.

"Yes I did." Matapang na sagot niya.

"Damn this woman." He whispered na narinig naman niya kaya mas lalong sumama ang tingin niya rito.

"Baka di mo alam SIR na I've been doing all the works by myself for four straight days now because Mia is sick. Iisa lang PO ang katawan ko at hindi ko kayang pagsabayin lahat." Matigas na sagot niya.

"So you're complaining?" Umiling ito. "Tsk! Mia can handle all those things, so why can't you?"

Tumaas ang kilay niya. "Really? She can handle all the works?" Tumango-tango ito. "Oh I see, kaya pala naghire ka ng kasama niya noh?" She said sarcastically. Agad naman itong napatigil at hindi nagsalita.

She smirked. "You know what? I should tell mama to terminate the contract because seriously, I can't handle your attitude."

Naglakad siya papalapit sa table niya at mabilis na pinulot ang mga gamit para ayusin.

Nang kukunin na niya sana ang cellphone ay may biglang pumigil sa kamay niya.

Tinignan niya ito ng masama. "What now?"

"I'm sorry." Anito sa mababang boses

Winaksi niya ang kamay nito. "Okay." Simpleng sagot lang niya at maglalakad na sana paalis pero hinarangan siya nito.

"Do you need anything? Do you want to check my bag kung may ninakaw ako?" Binigay niya ang bag rito. "Go ahead. But please be quick. I don't wanna stay here any longer."

Hindi nito kinuha ang bag niya at tinignan lang siya nang nakakunot ang mga noo.

"O ano pang hinihintay mo? Go check my bag." Aniya at pilit na binibigay ang bag niya pero tinabing lang nito ang kamay niya.

"I don't need your bag. I need you." Seryosong sagot nito na ikinagulat naman niya ng husto at agad siyang napaubo.

"What? You're not serious are you?" Sabi niya pagkatapos maubo ng ilang beses.

"I am." Hinawakan nito ang magkabilang balikat niya at tinignan siya ng seryoso. Agad namang nanlaki ang mga mata niya. What is this guy doing? "I need you here so please stay."

Napakurap-kurap siya. "H..ha?"

"I needed a secretary and I don't think I still have a time to get another one. So I'm asking for you to stay."

Ilang segundo niya itong tinitigan habang prinoproseso ang sinabi at nang magsink-in na sa utak kung ano ang gusto nitong ipahiwatig ay agad na sumama ang tingin at inalis ang mga kamay nito sa balikat niya.

Strangers Again [COMPLETED] - PUBLISHED UNDER NOVELAHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon