Chapter 3

4K 86 8
                                    

PAGDATING ni Anne sa lugar na sinabi ng mama niya ay agad siyang bumaba sa kotse at tinignan ang kabuuan ng building.

Naglakad na siya at papasok na sana ng harangin siya no'ng guard.

"Saang department po kayo ma'am?" Magalang na tanong nito.

"Oh sorry. I'm the new secretary of Mr. Reynolds."

Nakita niyang bahagya itong nagulat pagkatapos ay mabilis na naglakad patungong front desk.

Bahagyang tumaas ang kilay niya sa inasta nito.

Bumalik ito na may kasama ng babae kaya napakunot naman ngayon ang noo niya.

"Ma'am I'm Miranda. I'll be assisting you today." Nakangiting anito. "This way po."

Kahit naguguluhan ay agad siyang sumunod dito.

Naglakad sila patungo sa isang elevator at sumakay. At nang isasara na sana nito ay mabilis niyang pinigilan.

"Wait miss. Mukhang malelate na 'yong mga 'yon. Tawagin mo na lang sila dito." Aniya at nginuso ang ilang empleyado na naghihintay din sa harap ng isa pang elevator na katapat nila. Panay kasi ang tingin ng mga ito sa relo nila kaya naisip niyang baka naghahabol ng ang mga ito ng oras.

Narinig niya ang mahinang pagtawa ng babaeng kasama at pag-iling nito.

"Sorry ma'am pero private elevator po 'to. Para sa may-ari lang po ito."

Agad na tumaas ang kilay niya sa narinig. "If that's the case, why are we in here?" Naguguluhang tanong niya.

"As per Mr. Reynolds instruction ma'am." Simpleng sagot nito bago sinara ang elevator at pinindot ang 30th floor.

Makalipas ang ilang minuto ay bumukas na rin ang elevator at nagulat siya ng hindi hallway ang bumungad sa kanya kundi loob ng napakagarang opisina.

"Ma'am iwan ko na po kayo dito. Pakihintay na lang si sir." Sabi nito ng makalabas na siya at agad na sinara ang elevator kaya hindi na niya natanong.

Napailing siya at naglakad patungo sa lamesa ng magiging boss niya. Usyosera siyang tao kaya makikiusyoso siya. Titignan lang naman niya ang pangalan ng magiging boss niya.

'Yon lang naman talaga ang pakay niya pero mas nauna niyang nakita ang nakatiklop na picture frame kaya agad siyang nacurious kung kaninong picture 'yon. Baka sa asawa nito. Hahawakan na niya sana pero may mas naunang tumikhim sa likuran niya kaya hindi niya nagawa. Nagulat siya at agad na nanigas sa kinatatayuan.

"I didn't know that my new secretary will be this nosy."

Mabilis niyang nilingon ang nagsalita at halos matumba sa sobrang gulat ng makilala niya ito.

"You?!" She asked wearing a disgusted face.

He smirked. "Yeah me. Any problem?"

"I do have a problem. I will never forget your face. You're that bastard who bumped at me and didn't bother to help me at all."

His smirk widened. "Can't blame you. Who would ever forget this handsome face right?" He answered with full of confidence as if her last statement didn't matter.

Agad na tumaas ang kilay niya sa narinig. This guy is really full of himself.

"Sorry but that's not the reason why I can't forget you. Kasi kung 'yan lang ding mukhang 'yan.." Tinitigan niya ito ng maigi saka umiling. "..I've seen better. But for your bad attitude?" Tumango-tango siya. "Nag-iisa ka lang."

Kumunot ang noo niya ng imbes na mainis ay mahina pa itong tumawa.

"You never change I see." Mahina nitong bulong kaya hindi niya masyadong naintindihan.

Strangers Again [COMPLETED] - PUBLISHED UNDER NOVELAHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon