15

1.1K 74 37
                                    

Kabanata 15: Unang Beses

Hindi ko sinagot ang tanong ni Ian dahil dumating na agad si Kenzo at Dmitri. Agad naman akong kinuha ni Kenzo.

Niyakap niya ako matapos ay hinarap sa kanya. Hinahanap kung nasaktan ba ako. Nakahandusay sa sahig si Oliver at hindi magawang tumayo.

"Baby, are you okay?" Kenzo asked, worried. He kissed my forehead.

Lumapit si Dmitri kay Ian. Napatingin ako sa gawi niya. Kitang kita ang galit sa kanyang mukha. Pumasok na rin si Sienna at niyakap ako habang patuloy ang hagulgol.

"I'm sorry. Natakot ako ng sobra." she explained.

It's okay. Among us, Shannon is the bravest. Siguro ay ako kung naipapakita ko ang pagkatao ni Miya pero dahil hindi ay si Shannon talaga. Si Sienna ang pinakamaarte at babaeng babae sa amin.

"Pres."

"Dalhin mo si Martinez sa Disciplinary Office. Check the CCTVs in this room. Have them evaluate the punishment. Suggest expulsion." he said with full authority.

Nagulat ako sa sinabi niyang expulsion.

Kinuha ako pabalik ni Kenzo kay Sienna. Hinahagod nito ang buhok ko para siguro aluin sa trauma na natamo.

"Vian, you're coming with me." si Ian.

Hindi iyon suggestion. It's like a command that can't be bent.

Hinawakan naman ni Ian ang pulso ko sa kaliwang braso. Ayaw akong ibigay ni Kenzo kaya umalma siya.

"Why are you getting her? Si Oliver lang dapat 'di ba?"

"Vian..." may pagbabanta iyon sa boses ni Ian. Hawak hawak niya pa rin ang aking pulso.

Walang pasubaling hinatak ni Ian ang kamay ko papunta sa kanya. Tumama pa ako sa dibdib niya sa sobrang lakas ng hatak matapos ay hinatak ako paalis doon katulad na katulad ng ginawa niya sa Pista sa Botolan.

Tahimik lang siyang naglalakad. Nauuna siya sa akin kahit hawak niya ang pulso ko. Sa West Wing kami dumaan. Tumigil lang kami sa labas ng elevator. Nang bumukas ito ay pumasok kami at pinindot niya ang third. Nakarating kami sa SC office, pumasok kami sa loob mismo ng office at may isa pang office na pinasukan.

Dito siguro ang office niya. Malawak iyon. May table sa dulo ng office at sa likod noon ay malaking salamin na tanaw ang mga nagtatayugang building dito sa Taguig. Sa harap ng table ay dalawang mahabang itim na sofa sa gitna noon ay coffee table.

Pinaupo niya ako roon sa sofa.

"Bakit hindi ka lumaban?" sigaw niya.

"I don't know what you're talking about."

"Don't play dumb on me." tinuro niya pa ako na tila nagbabanta, "Paano kung hindi ako dumating?"

"Edi darating si Kenzo." I said matter-of-fact.

"Tangina. Hindi ka man lang lalaban?" frustrated niyang tanong, "You're not the Miya I've met in Subic."

I shrug, "I'm not really Miya, you see, I'm Keziah Vian Hall."

"Bullshit." sinipa niya ang kabilang sofa sa inis.

Ilang minuto kaming nanahimik. Stiff lang akong nakaupo sa sofa habang pinagmamasdan siyang nakatayo roon. Nang makabawi sa pagkakainis ay pinadaan niya ang kamay sa kanyang buhok. Nilingon niya ako, puno ng sinseridad ang kanyang mga mata.

"Did you miss me?"

Oh, please. Don't do this.

Hindi ako sumagot. Tinitigan ko lang siya dahil doon naman ako magaling. Ang makipag-eye contact na akala mo ay hindi sumasabog ang puso ko ngayon. This Ian in front of me is my kryptonite. I don't even know how to handle him when he's being like this.

ChimeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon