26

1K 55 5
                                    

Kabanata 26: Diamonds are Forever

Pinagbuksan ako ng pinto ni Ian. Lumabas naman sa isang tatlong palapag na gusali si Kai, nakakipkip ang dalawang kamay sa bulsa ng kanyang khaki shorts.

Inalalayan ako pababa ni Ian. Hawak ang kamay ko at isang kamay niya ay nakaalalay sa aking ulo pababa. Ngumisi si Kai sa kilos na iyon ni Ian at agad din namang napawi nang hinarap niya si Ian.

Nang maayos na akong nakababa ay nilingon na niya si Kai. They greeted one another in a manly way. Ian tapped Kai's shoulder.

"Hi, Vian!" Kai stretched his hand to shake my hands to greet me.

Pinaloiyon ni Ian at pumagitna sa aming dalawa. Instead of shaking hands with Kai, Ian held my hand.

Kai chuckled. Pinabayaan na lang iyong ginawa ni Ian ngunit hindi pinalampas ang pagkakataong isiwalat ang nasa utak niya, "Bakod na bakod."

"Shut up." malamig na sinabi ni Ian.

Nasa ikatlong palapag ang kwartong sinasabi nilang gagamitin namin para sa review. Sa ikalawang palapag ng gusali ay may nagbi-billiards. Kilala sila Ian at Kai rito dahil ilang batian pa ang nangyari bago kami nakaakyat sa ikatlong palapag.

This is literally every guy gamer's dream den. Mayroong dalawang silid na makikita mo habang paakyat sa kwarto. Pagkaakyat na pagkaakyat ko sa kaliwang bahagi ng silid ay kita na ang dalawang gaming computer at gaming chair na kulay pula at green na magkatabi. Sa katabi noon ay mga tatlong nakahilerang frames ng sikat na laro online na nakasabit sa pader. Malapit sa hagdan na katapat ng frames at isang dart board ay dalawang bilog na malalaking floor pillows.

On the far end of the left side of the room is a living room with an l-shaped black sofa, a coffee table in front, and a television with Xbox Kinect. Mayroong malaking pagitan ang sofa at televison. Siguro ay para kapag ginagamit mo ang Xbox. The floor is also carpeted.

Mayroong kitchen sa kanang dulo ng kwarto at sa unahang kanang naman ay mayroong gym equipments. Dalawa lang iyon, isang treadmills at mga free weights at dumbells.

"Dito sa living room."

Iginiya nila ako papasok at umupo ako sa edge ng itim na sofa rito. Naninibago pa ako sa lugar nila. My undying habit of finding CCTVs in the room is surfacing. May nakita na agad akong apat. Tig-iisa sa apat na sulok nitong kwarto. Nasa gitna ring bahagi ng kisama ang router nila. I'm being weird.

Para sa araw na ito, ipinaliwanag muna nila sa akin ang sistema ng competition. Sinabi rin nila sa akin na mayroon na lang kaming tatlong linggo bago ang competition. Mayroon silang pinabasa at pinasagutan sa akin. I admit it, it is not easy. There are logic that needs mathematical ideas and also, there are physics-related questions but the majority of the questions need to be programmed. Oo, kaya ko yung mga tanong pero nakakapanliit kasi hindi ko alam kung paano susolusyonan iyon.

Dahil tuwing Sabado lang pwede si Ian ay napag-usapan namin ni Kai na tuturuan niya ako sa Lunes ng fundamentals ng Java, C++, at Python programming language. Halos pareho lang naman daw iyon kapag naintindihan ko na ang fundamentals ay madali ang tatlong language na iyon.

Hindi man lang umangal si Ian o nagpresinta si Ian na sumama sa amin sa Lunes sa Mac Computer Lab sa campus pagkatapos ng panghapong klase ko. Hinayaan niya lang iyon at sinabing hindi siya pwede. I wonder why.

Ala-una ang unang laro ko para sa preliminaries. Ang makakalaban ko ay ang representative ng College of Arts and Letters (COAL). Ang laro naman sa mamayang alas-onse ay sina Ian at Shannon. Tinext iyon sa akin ni Shannon kaninang umaga. Kinakabahan kasi siya, ang sabi kasi sa archery club ay sobrang galing ni Ian. Pasok na pasok sa varsity pero ayaw niya lang dahil abala siya sa Berkshire.

ChimeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon