17

1K 69 11
                                    

Kabanata 17: Bad Side

Hindi na ako hinintay sumagot ni Ian. Lumabas agad siya. Nakita kong niluluwagan niya ang kanyang neck tie habang naglalakad papunta sa kubo malapit sa tindahan ni Lola.

Nang makarating ako sa kanyang kinaroroonan ay nasa kamay na niya iyong cream na necktie. Kakulay nga iyon ng isusuot ko dapat na evening gown sa party. Pabagsak niya iyong nilapag sa upuan ng kubo. Halata ang frustration sa kanyang galaw.

"Ano 'yon?" he ridiculed.

Halos napaatras ako sa sigaw niya. Nakakagulat iyon kahit isang metro ang layo ko sa kanya.

"Seryoso ako nung inanyayahan kita. Pinaglalaruan mo ba ko?" ginulo niya ang kanyang pormadong buhok, "Tangina! Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maintindihan ang tumatakbo sa utak mo."

Gusto kong humingi ng tawad dahil galit siya pero kapag naalala ko ang ginawa niyang panggagamit kay Mia at hinayaan niya si Mia na bastusin ng ganoon ni Oliver sa hindi ko pa rin malaman na dahilan ay hindi ko maialis ang pagkasura sa kanya.

Wala akong sinagot sa kanya at nakatuon lang ang mata ko sa puno sa tapat ng kubo. Iniiwasan ko ang mga mata niya dahil ayokong sumabog ang galit ko rito.

"Ipaintindi mo sa akin, Vian. Anong nangyari? Bakit ka nandito? Bakit hindi mo sinasabi sa akin? Kung ayaw mo pa lang pumunta, pwede naman tayong sabay pumunta rito!"

"Why is it a big deal? Natapakan ba yung ego mo kasi finally may tumanggi na sa'yo? Hindi mo matanggap na may nang-iwan sa ere sa'yo. Kasi ikaw yon! Ikaw lang yung kayang gumawa sa babae non! Hindi sila!"

Tiim ang titig niya sa akin tila mayroon akong tinamaan sa sistema niya.

"Iyan ba ang gusto mong mangyari kaya ka pumayag, Vian?" he said, monotonous. Ang lalim ng boses niya ay nakakatakot.

Hindi. Hindi ko rin iyon masabi. Hindi ko alam.

"Vian, hindi ko tinago sa'yo ang parteng 'yan ng buhay ko. Ganito ako kasi ikaw ang tumanggi sa akin. Hindi dahil wala pang tumatanggi sa aking babae

There is a hint of hurting in his voice. Gusto kong bawiin ang sinabi ko dahil nasasaktan na rin ako na nasasaktan siya. Nawala na ang galit sa kanyang mata, pagod na lang ang nakikita ko roon at pagtatanong.

"I'm sorry for being rash. Hindi ko nakontrol ang emosyon ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat gawin kung tinanggihan ako. Napressure ba kita? Hindi ba dapat kita tinanong sa harap ng maraming tao?"

When he's being this gentle, how can I be able to avoid him? Noong nasa byahe ako kanina, sinabi ko sa sarili ko na kahit anong gawin niya ay hindi ko na siya papatawarin. Bakit? Walang dahilan ang magpapatama sa ginawa niya kay Mia. Mia could've been raped. He was just there spectating.

Umiling ako. Lumapit siya ng ilang hakbang sa akin kaya umatras ako. Napansin niya iyon kaya hindi na siya nagtangkang lumapit sa akin.

"Then tell me, what is it? Why did you ditch me?"

Habang nasa byahe ay napagnilay nilay ko rin na hindi ko sasabihin sa kanya ang rason dahil bakit pa? When he's showing this kindness to me, I should have the decency to tell him why I did what I did.

"You spread Oliver and Mia's video."

Hindi siya nakasagot. Natahimik siya. He looks guilty.

"Pinahamak mo ako." mahina ang boses ko at may paninisi roon.

"I know. I regretted doing it."

"Why? Dahil napahamak ako? Hindi mo man lang naisip si Mia? You were there!" nanggagalaiti kong sagot, "You should've helped her but you didn't."

ChimeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon