ISA

1 0 0
                                    

MALAPIT na ako sa tahanan namin ng makarinig ako ng kaluskos at isang huni ng kabayo.

Dali-dali akong tumalikod at agad na tumago sa damuhan. Baka isang tulisan iyon at may mangyari pa sa aking di maganda.

"tanyente" rinig kung sambit ng isang lalaki.

"salubungin niyo sa bukana ang kapitan general na pinadal ng espanya"

"masusunod po" sunod noon ang pagtunog ng mabilis na yapak ng kabayo. Ilang sandali pa ako na nakatago sa damuhan nang tumahimik na ang paligid ay umalis na ako sa pinagtataguan.

"may parating na naman galing sa espanya" mahinang saad ko

"ano naman ang ginagawa ng binibining ito at nakatago sa damuhan?" napaidtad ako sa tinig na narinig ko buhat sa isang likod.

"ahh.. Pasensya na ginoo. Ma-may nawala lamang akong gamit kaya aking hinahanap diyan" turo ko sa pinanggalingan ko.

"ganun ba? Ano ang ngalan mo binibini?" sa tanong niya na iyon ay napalingon ako dito. Nakasout ito ng pangmarangyang kasoutan na natitiyak ko na hindi maibibili ng ordinaryong mamayan. Iba din ang kulay nito at ang mata nito kaya alam ko na agad na isa itong banyaga.

"isabela"

"domingo" simpleng saad nito "mauuna na ako sa iyo binibini sapagkat marami pa akong dapat gawin. Sa ating muling pagkikita. Paalam!" saad nito kaya naman tumango nalang ako.

Napangiti ako habang naglalakad dahil hindi ko aakalain na may taong nais akong kausapin gayong takot ang lahat ng mga lalaki na lumapit sa akin dahil sa aking ama.

Pagdating sa bahay ay agad na nabura ang ngiti ko ng nakita ko si ina na pabalik-balik ang lakad habang si ama naman ay nakahawak sa noo na tila'y pasan nito ang mundo.

"naririto na po ako" saad ko at agad na nagmano sa kanila.

"diyos ko anak. Ayos ka lang ba?" tanong ni ina kaya naman lalo akong napakunot ang noo.

"opo." nakita kung lumuwag ang paghinga ni ina sa aking nasambit kaya naman di ko mapigilang mag-usisa. "may nangyari po ba?" sa tanong ko sa kanila.

Nagtinginan muna si ama at ina bago sumagot.

THE LOST PRINCESS OF SPAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon