"DUMATING na ang gobernador heneral na galing pang espanya" sagot ni ama kaya naman kumunot lang ang noo ko.
"hindi ko pa alam kung ano ang sadya nila pero may hinahanap sila na babae. Babaeng kasing edad mo" saad ni ama kaya naman napatango ako ng kunti.
"napahamak na ang anak ni aling selo. Pwersahan daw hinalughog ang kanilang tahanan" saad ni ina kaya naman medyo kinabahan ako.
"KABESA" sigaw mula sa labas ng bahay kaya naman binuksan ito ni ama.
"bakit ka nagmamadali fidel?" nagtatakang tanong ni ina dito.
Pinapasok namin ito at pinaupo sa lamesa "Kabesa. Ang gobernador heneral ay nanghahaloglog na ng bahay at kinukuha nila ang mga babaeng kasing edad ng anak niyo" saad nito at tumingin sa akin. "hinahanap nila ang babaeng may markang korona sa likod" napahinto kaming lahat sa sinambit nito. Maging ako ay naestatwa.
"ano ang nais nila dito?" seryosong tanong ni ama.
"iyon ho ang di ko alam. Sapagkat pinatakas ko na rin ang mag-ina ko ng pumutok ang balita" nag-aalalang tumingin ito sa akin.
"mas mabuti na siguro na doon na muna kayo sa cavite inang" saad ni ama.
"ano?" tanong ni ina.
"ahh. Kabesa. Mauuna na ho ako. Aling isa. Isabela." tumango lang kami dito at hinayaan si ama na ihatid sa labas si fidel.
"ama. Ano na po bang nangyayari?" tanong ko dito.
"anak. Kinakailangan niyo nang umalis dito. Hindi ako makakapayag na saktan ka ng mga banyaga"
"subalit ama. Paano ka?"
"oo nga. Hindi ako makakapayag" saad ni ina.
"kaya ko ang sarili ko isa."
"pero di ka namin maaring iwan!"
"mas pipiliin mo na makasama ako at mamatay ang anak natin" tumingin sa akin si ina kaya di ko mapigilang mapaluha "alam mo ang ibig sabihin ni fidel isa" saad ni ama.
"pero"
"sige na.. Para sa inyo ito. Pangako susunod ako" sa sinabing iyon ni ama ay napanatag kami ni ina.
Araw ng sabado ay umalis na kami ni ina. Umiiyak kami na yumakap kay ama bago kami tumungo sa mansion ng mga cuanco. Mansion ng aking apong[lola].
BINABASA MO ANG
THE LOST PRINCESS OF SPAIN
Historical FictionPROLOGUE "ANONG PAKIRAMDAM NA MAGING ANAK NG KABESA ISABELA?" tanong sa akin ng akibg matalik na kaibigang si leonor. "ayos naman." simpleng tugon ko sa kaniya. Kasalukuyan kaming naglalakad pauwi sa aming baryo. Kagagaling lamang namin sa paaralan...