HABANG nasa daan ay aking naisip. Ano ang magiging kapalaran ko sa bago kung mundo. Magiging maayos din ba ang pkikitungo nila sa amin.
"anak narito na tayo" tinig ni ina ang nagpabalik sa akin sa realidad. Agad kaming bumaba sa kalesa at pumasok sa napakalapad na lupain.
"maligayang pagdating sa hacienda cuanco anak. Natitiyak akong matutuwa nito sila ina" nakangiting saad ni ina habang naglalakad subalit ilang sandali pa lamang ay bumakas na naman ang lungkot sa mga mata nito.
"mas masaya sana kung kasama natin ang iyong ama" nataranta naman ako ng nangilid ang luha ni ina.
"ina. Hindi po bat nangako si ama na susundan niya tayo" lumingon sa akin si ina at ngumiti ng pilit.
"sana tama ang desisyon naming itago ka" saad nito habang akap ako ng ubod ng higpit."
"wag ka na malumbay ina"
MATAPOS ang usapang iyon ay muli naming ipinagpatuloy ang paglalakad
"MALIGAYANG PAGBABALIK ANAK" masayang salubong nito sa amin at inakap si ina. Ramdam ko ang pagmamahal nito sa pamamagitan ng kaniyang mga ngiti.
"kamusta ka na anak" saad nito.
"ayos lamang. Ina. Siyanga nga pala. Ang aking anak si isabela."
"Issa. Hindi bat napag-usapan na natin noon na----"
"ina maari bang pagpahingahin muna natin si isabela. Mahaba ang kaniyang nilakbay" tiningnan muna ako nito ng mariin bago tumango.
"manang mia!" sigaw nito at maya-maya pa ay dumating ang babaeng medyo may edad na.
"ano po iyon señora?"
"pakihatid siya sa kanilang silid" yumukod ito bago lumapit sa akin.
"halika na iha!" saad nito kaya naman sumunod ako.
"Ano ka ba naman issa. Kapahamakan ang hatid ng batang iyan!" rinig kung saad ni lola kay ina bago ako umalis.
"batid kung mahaba pa ang iyong nilakbay binibini. Kaya mamahinga ka muna. Hayaan mo at pagkagising mo ay ipapasyal kita kay deigo"
"salamat po"
"wag mo na intindihin ang sinabi ng señora iha. Mula noon ganyan na talaga siya" tumango nalang ako sa sinabi nito. "sige mauna na ako at marami pa akong gagawin sa kusina" paalam nito
BINABASA MO ANG
THE LOST PRINCESS OF SPAIN
Historical FictionPROLOGUE "ANONG PAKIRAMDAM NA MAGING ANAK NG KABESA ISABELA?" tanong sa akin ng akibg matalik na kaibigang si leonor. "ayos naman." simpleng tugon ko sa kaniya. Kasalukuyan kaming naglalakad pauwi sa aming baryo. Kagagaling lamang namin sa paaralan...