APAT

0 0 0
                                    

PAGKATAPOS ako ihatid ni manang ay nagpahinga na ako sa kwarto.

Kinabukasan ay bumaba ako kaagad sa sala.

'anong oras na kaya?'

Tanong ko sa aking sarili. Bumaba ako sa napakahabang hagdanan ng mga cuanco. Pagdating sa kusina ay nakita ko si manang na nag-aasikaso ng agahan.

"oh. Iha. Nandito ka na pala. Nais mo bang makapaglibot sa boung hacienda?" tanong nito at sandaling binitawan ang hawak nitong sandok upang kausapin ako.

"nais ko po sana subalit baka maligaw lamang po ako. Bago lang po ako nakarating dito eh"

"sabagay" sabi nito at tila nag-isip "sandali. Pasasamahan nalamang kita sa apo ko na si diego" sabi nito at lumisan sa silid.

Maya maya pa ay dumating na si manang kasama ang apo nito.

"apo. Ito si señorita isabela. Iha. Ang apo ko si diego" hinubad nito ang sombrero na sout nito at yumukod ang ulo.

"kinagagalak kung makilala ka binibini" saad nito at umangat ang tingin sa akin.

"salamat" simpleng saad ko dito.

"maari mo ba siyang samahan na lumibot sa acienda apo?"

"opo lola." sagot nito kay manang at tumingin sa akin. "tara na" yaya nito sa akin.


Ilang sandali pa ay nakapunta na kami sa rancho.

"masyadong malaki ang hachienda kung ating lalakarin" saad nito at tumingin sa akin

"marunong ka ba magkabayo?" tanong nito sa akin kaya tumango ako.

Nakita ko ang paghanga sa mata nito "anak ako ng kabesa sa parteng norte ng cavite kaya natutunan ko rin ito"

"pinayagan ka ni señora issa?" tumawa naman ako sa sinabi nito

"hindi alam ni ama at ina ito dahil alam ko na di nila ako pahihintulutan"

Ngumiti ito sa akin. "tara na" saad nito at itinuro sa akin ang kabayong kulay puti "iyan na lamang ang gamitin mo" tumango naman ako dito "maari bang bela nalang itawag ko sayo?"

Ngumiti naman ako at sumagot "oo naman diego"

SINIMULAN na namin ang pangangabayo. Nakadaan kami sa napakalapad na lupain nito.

"ang lapad pala ng lupain nila apong"

"oo naman. Sila kaya ang pinakamayaman sa lugar maliban sa mga banyagang espanyol" natahimik ako sa sinabi nito dahil naalala ko si ama.

"teka. Hindi bat galing kayo sa parteng norte ng cavite? Ibig sabihin nakita mo na ang pinakabatang gobernador heneral?"

Umiling naman ako dito "hindi eh."

"bakit naman?"

"kasi ano" di ko na natuloy ang sinasabi ko ng nakarinig ako ng himig ng ilog.

"may ilog dito?" tumawa naman siya sa reaction ko.

"meron bukal na talon dito subalit. Hindi tayo maari diyan dahil ayun sa batas. Ipinagbabawal ang tumungo sa lugar na iyan dahil pagmamay-ari iyan ng mga banyagang espanyol."

Tumango naman ako sa sinabi nito at muling tumingin sa lagusan patungo sa talon.

"halika na bela. Tinitiyak kung hinahanap ka na ni señora" saad nito kaya naman tumango ako.

'Balang araw mapupuntahan din kita'

THE LOST PRINCESS OF SPAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon